Limang oras bago ang pagsalakay. Marami-rami rin ang na recruit nilang mga kalalakihan na tutulong wasakin ang pabrikang na matagal ng pumi-piste sa bayan na ito. “Ano ba ang nagustuhan mo kay, Neme?” tanong ko kay Hailey, kanina pa kasi siya titig ng titig kay Nemesis kulang na lang ay tumulo ang laway niya. Walang saplot pang itaas si Nemesis habang nagbubuhat ng mabibigat na sandata na gagamitin sa pagsalakay. He has a perfect, lean and, slightly muscular type of body. “Hala? Palagi kayo nag sasama hindi mo nakikita kung anong mayroon siya na kinababaliwan ng girls?” sabi ni Hailey. Umiling naman ako. Maraming familiar sa Celestial Realm ang nagkakagusto sa familiar ko. Pero, hindi ko talaga matukoy anong nakita nila kay Nemesis para mahumaling sila. “His face and body build is a

