Chapter 10

1631 Words
Imperial Construction Company POV's Ade Pagkahatid ni Ade sa mga gamit ng mama niya ay dumiretso na siya sa opisina. Nakita niya ang papa niya pero hindi niya ito pinansin. Pagdating sa opisina ay kinuha niya ang cellphone. Napakunot noo si Ade ng walang mensahe mula sa nobyo. Nakasanayan na niya ang pagbati nito tuwing umaga. Sinubukan niyang tawagan si George pero out of coverage pa rin ito. Tinawagan niya din ito noong nakaraang gabi pero hindi niya ito makontak. Tinawagan niya ang mama nito dahil nag aalala siya, hindi naman nito ugali ang magpatay ng cellphone. " Hindi pa din siya umuuwe mula kagabi. Akala ko magkasama kayo," ani Anna sa kabilang linya. " Hindi po eh. Sige po susubukan kong tawagan si Lucas baka po magkasama sila," ani Ade. Tinawagan niya si Lucas pero hindi daw nito kasama si George. 'nasaan ang lalaking yun?hindi naman niya gawain ang hindi magparamdam' Nang sumapit ang lunch break ay nagpasyang lumabas si Ade para kumain. Naisip niyang daanan si Cristel para makausap na rin niya tungkol sa nangyari sa kanila ng mama nito. " Naku, Ms.Imperial, hindi po pumasok si Cristel," sagot ng napagtanungan niya sa purchasing department. ' wala din siya kanina sa breakfast,' Inisip niya na lang na baka kina Jullie ito natulog, mukhang madalas mag night out ang mga ito. Kaya naman no choice si Ade kundi mag-isang kumain ng lunch. Palabas na siya sa salaming pinto ng building ng maagaw ang atensyon niya ng nakaparadang Ford na White. Napahinto siya sa paglabas at kumubli, kilala niya ang sasakyan na iyon, pag aari yun ni George. 'baka aayain niya ako mag lunch?' naisip ni Ade at napangiti siya ng bahagya. Lalabas na sana si Ade para lapitan ito pero bumukas ang pinto sa tabi ng driver seat, at bumaba ang isang babae. Natigilan si ade. ' Cristel?' Kumunot ang noo ni ade. ' Bakit sila magkasama?' Nagkubli si Ade para hindi mapansin ng mga ito. Umalis din naman agad ang sasakyan. Hindi bumaba si George ng sasakyan at wala ring tawag sa cellphone niya. Nakaramdam ng pagdududa si Ade. 'hindi ko dapat pagdudahan si George. Baka nagkataon lang, baka may dahilan kung bakit nakasakay si Cristel sa sasakyan niya' Nasundan na lamang ni Ade ng tingin si Cristel na hindi siya napansin. Pasimple niya itong sinundan ng hindi nito napapansin. Pumasok ito sa womens room kaya naman pumasok din siya. Nagkubli sa isang bakanteng cubicle. " Oy, Cristel! Hinahanap ka ni Ms.Imperial kanina," " Ha? Bakit daw? Kakarating ko lang eh," sagot ni Cristel. " Hindi ko alam. Saan ka ba nagpunta at ngayun ka lang pumasok?" " Kasama ko ang boyfriend ko. Nalate ng gising alam mo na," Nanatiling nakikinig si Ade. ' Adelaida, ano bang ginagawa mo? Mali ang makinig sa usapan ng iba!' " Ay, may boyfriend ka pala. Bakit hindi ko nakikita na hinahatid ka?" " Naku, laging busy yun. Kaya nga kapag may time na nagkikita kami eh sinusulit namin ang bonding," sabay halakhak ni Cristel. " Mauna na ako sayo, siguradong marami akong gagawin, " Katahimikan na ang sumunod na nangyari. Nakiramdam si Ade kung wala ng ibang tao sa labas. Nakakahiya kapag nakita siya. May boyfriend naman pala si Cristel, siguro nga nagkataon lang na nakasakay ito sa sasakyan ni George. Imperial Mansion Kakalabas lang ni Ade ng kwarto ng makasalubong ang maid at sinabing may bisita siya. Wala naman siyang inaasahang bisita pero parang alam niya na kung sino. " Babe," wika ni George sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak. " For you." " Where have you been? Bakit hindi kita makontak?" tanung ni Ade. " Ahm... may pinuntahan akong business gathering na medyo malayo, na dead-bat ang phone ko while i'm in my way home," paliwanag ni George. " Ganun ba. Nag dinner ka na ba? You can join us," wika ni Ade. " Sure." sang-ayon nito. " Manang, pahanda ng isa pang plate," utos ni Ade ng pumasok sa dining area. " Good evening!" bati ni George. " Good evening, hijo. Ngayun ka lang ata ulit nakapunta," wika ni Menandro. " Naging busy lang po ako this past few days. Alam niyo naman si papa pagdating sa business." Nagpatango tango naman si Menandro. " Mas istrikto ang papa mo kumpara sakin," " Totoo po yan, tito. Buti na nga lang po at may fiancee na ako, baka hindi na ako makapag-asawa dahil sa dami ng utos ni papa," natatawang biro ni George. " Ang swerte mo naman, Ade. Walang time si George para mag cheat," wika ni Cristel na nakangiti. " May tiwala naman ako sa fiancee ko. he will never cheated on me, right babe?" baling ni Ade sa nobyo ng nakangiti. " Yeah! Of course!," sagot ni George na bahagyang napalunok para hindi mabulunan. Hindi dahil sa tanong ni Ade kundi dahil sa paa na kumikiskis sa binti niya sa ilalim ng mesa. " Ikaw ba Cristel, maswerte ka din ba sa boyfriend mo? Teka, may boyfriend ka ba?" tanung ni Ade dito. " Oo naman," agad na sagot ni Cristel. " So, how is the business, tito?" tanung ni George. " Okay naman. As of now marami pang project na hindi pa natatapos," " Speaking of project, Cristel, need ko ang quotation tomorrow morning, sana naayos mo na. Hindi ka daw pumasok kaninang umaga," ani Ade na tiningnan ang natahimik na si Cristel. " Ahm... oo napadami ang inom ko kagabi kaya late na ako nagising," ani Cristel. " Dadalhin ko sa office mo bukas ng umaga." " Okay." maiksing sagot ni Ade. Hinihintay niya na may sabihin ito pero wala na itong sinabi at nag focus na lamang sa pagkain. " Babe, sabi ng guard dumaan ka daw kanina sa kompanya?" pasimpleng tanung ni Ade na ikinagulat ni George ng sandali. " Ahm... yeah! Idinaan ko si Cristel, nadaanan ko siya sa kalsada dahil nasira ang kotse niya." sagot ni George. " Naku, galit ka ba, Ade?" nakangiwing tanung ni Cristel. " Nagmagandang loob si George kanina. Nasiraan ako kaya lalo akong na-late," " Kaya naman pala wala ang kotse mo." ani Carmen. " Hindi ako galit. Nabanggit ko lang, thank you babe sa pagtulong kay Cristel." nakangiting baling ni Ade dito. May dahilan naman pala ang nakita niya kaninang umaga kaya tama lang na hindi siya nag isip ng masama sa nobyo. " Ako na rin ang tumawag ng mag aayos, tatawagan ka na lang nila kapag naayos na," ani George ng tumingin sa gawi ni Cristel. " Ang bait mo naman pala, George. Thank you sa pagtulong sa anak ko, " ani Carmen. " Walang anuman po yun tita, " Kahit pano nawala ang pagdududa sa isip ni Ade dahil sa nalaman. Sadyang matulungin ang nobyo niya kaya naman proud girlfriend siya. " Bakit hindi mo dito ayain ng dinner ang boyfriend mo Cristel para naman makilala namin?" tanung ni Menandro. " Sinabi ko na nga yan sa kanya, dear. Mayamang binata din ang manliligaw niya, baka kilala mo," wika ni Carmen. Natigilan si Cristel, naipit siya sa sitwasyon. " Hindi ko pa nababanggit sa kanya, pero sasabihin ko na mag dinner siya dito." wika ni Cristel na nag iwas ng tingin kay George. Pagkatapos kumain ay nag bonding si Menandro at George habang umiinom ng alak. " Ade. " tawag ni Cristel habang nagpapahangin si Ade sa garden. Nilingon naman ito ni Ade. " I'm sorry sa ginawa ng mama ko na pakikialam sa alahas ng mama mo." wika ni Cristel. " It's not all about the jewelry, Cristel." wika ni Ade na muling itinuon ang tingin sa mga halaman. " Anung ibig mong sabihin?" " Don't you know that your mother is a mistress? Buhay pa ang mama pero may relasyon na sila ng papa." aniya. " Hindi ko alam ang tungkol dyan. Hindi naman kasi si mama pala kwento ng personal niyang buhay. Kailan ko lang din nakilala si Tito Menandro." Malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Ade. Mukha namang nagsasabi ng totoo si Cristel. " Sana lang hindi ka din galit sakin." " Wala ka namang kinalaman sa ginawa nila kaya walang dahilan para magalit ako sayo Cristel." sagot ni Ade. " Salamat, Ade." at niyakap ni Cristel si Ade. Tinapik naman ni Ade ang balikat nito. Agad naman kumalas si Cristel. " Bakit hindi tayo lumabas minsan, treat ko para naman kahit panu mabawasan ang stress mo sa mama ko," wika ni Cristel. " Hindi mo na kailangang-" " Sige na. Hayaan mo akong gawin to. May bagong bukas na samygup, aayain ko din si Jullie. Lunch tayong tatlo bukas." nakangiting wika ni Cristel. " Sige na nga mapilit ka. Sigurado ka libre mo?" biro ni Ade dito. " Oo naman!" kompiyansa na sagot ni Cristel. Nasa kanya pa ang credit card ni George na pinagamit nito ng mag shopping sila ni Jullie. " George, galit sakin si Ade." malungkot na wika ni Menandro. " Napansin ko nga po. What happened?" " She found out that Carmen and I had a relationship before her mom passed away." sagot ni Menandro. " Kilala niyo naman po si Ade, pero lilipas din ang galit niya at magiging okay din po kayo." " Sana magkasundo din sila ni Carmen. Sa nakikita ko naman magkasundo sila ni Cristel, para na silang magkapatid," wika ni Menandro. Sa pagbanggit nito ng pangalan ni Cristel nakaramdam ng guilt si George. Hindi niya mapag labanan ang tukso kaya naman paulit ulit siyang nagtataksil kay Ade. " Ilang buwan na lang at ikakasal na kayo. Don't hurt her." " Yes, Tito." sagot ni George sabay lagok ng alak sa hawak na baso. Tataposin niya ang relasyon nila ni Cristel bago dumating ang araw ng kasal nila ni Ade. Hindi nito malalaman ang namagitan sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD