bc

Fake Love to True Love

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
HE
independent
heir/heiress
drama
sweet
cheating
like
intro-logo
Blurb

Nag iisang anak si Ade. May marangyang buhay dahil sa construction company na naipundar ng mga magulang. Nagtapos bilang civil engineering, maganda, matalino, halos lahat ng magagandang bagay ay nasa kanya. Mag nagmamahal na nobyo na bagaman arranged marriage lamang ng kani kanilang magulang na matalik na magkaibigan, pareho nilang nagustohan ang isa't isa. Si George Soriano, only son din ng mayamang pamilya, mestiso at mabait, higit sa lahat may respeto kay Ade. Tahimik na sana ang buhay ni Ade kahit nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang mama. Pero dumating sa buhay nila ang mag inang Carmen, ang bagong asawa ng kanyang papa at ang anak nitong si Cristel. Hindi ni Ade gusto si Carmen para sa papa niya dahil sa pakiramdam na pera lang ang habol nito pero wala siyang magawa. Lalo at mas pinaniniwalaan ng papa niya si Carmen. Mabait at magiliw naman si Cristel, nakagaanan agad ito ng loob ni Ade. Pero hindi niya akalain na aahasin nito ang fiancee niya. Nanahimik si Ade at hinintay ang tamang pagkakataon para ibunyag ang mga ito. Sa mismong kaarawan ni George, sumambulat sa lahat ang mga larawan na nagpapatunay ng kataksilan ng mga ito. Kasabay noon ay ang paglaho ni Ade, walang nakakaalam kung nasaan siya kahit ang pinaka matalik niyang kaibigan ay walang alam.

Nagpakalayo layo si Ade para kalimutan ang nangyari. Nakilala niya si Brynt Leo Ledesma, tall, dark and handsome at isang simpleng farmers ng malawak na lupain.

Ano ang magiging papel nito sa buhay ni Ade? Pag ibig ba o kabiguan pa rin dahil sa nakakubling katauhan ni Leo? Magawa kaya ni Ade na alisin sa buhay ng kanyang papa si Carmen sa muli niyang pagbabalik? Ano ang mangyayari sa muling pagkikita nila ni George? May second chance kaya para matuloy ang kasal nila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Forbes Park Subdivision Imperial mansion Iniayos ni Ade ang mga sariwang bulaklak sa altar na kinalalagyan ng larawan ng yumao niyang mahal na mama. Namatay ito sa sakit na cancer ilang buwan pa lang ang nakakaraan. Matagal ang naging laban nito sa naturang sakit pero napagod din ito at sumuko. Masakit man pero kailangan tanggapin dahil iyon ang nais nito. ' I miss you, mama. But I know you are happy now dahil hindi ka na makakaramdam ng pain, ' "Ade, dumating na ang Papa mo," wika ni Aling Sonya, ang mayordoma, pinakamatagal na naninilbihan sa kanila. Nilingon ito ni Ade at bahagyang ngumiti. Ilang araw na nasa isang business trip ang Papa Menandro niya at ngayun nga lang ito dumating. Nakangiti na sana itong sasalubongin ni Ade ng makita niyang may kasama itong babae na nakakapit sa braso nito. Napawi ang ngiti ni Ade, pumormal ang mukha at bahagyang tumaas ang kilay. "Ade! My princess!" nakangiting wika ni Menandro ng makita siya at niyakap. Ginantihan naman ng yakap ni Ade ang ama. "Welcome home, papa," aniya na tipid na ngumiti dito. Minsan talaga para pa din siyang bata kung ituring ng papa niya. "Oh! By the way, she is your tita carmen," pakilala nito sa kasama. "Tita? Relatives natin siya?" pag mamaang maangan ni Ade kahit pa may kutob siya na iba. Kung relatives nila ito nakita sana niya ito sa burol ng kanyang mama. "Oh no, my dear! Girlfriend ako ng papa mo," nakangiting sabat nito. "Girlfriend?! Papa..? " di makapaniwala na binalingan ni Ade ang ama. "She is right, hija. Hindi ko agad-," "Wow! Really, Papa? Kailan lang namatay si Mama and you got a new one?" ani Ade ng may panunuya at tinalikuran ang mga ito. Masama ang loob na umakyat si Ade at nagkulong sa kwarto. "Ade!" "Dear, it's okay. Hayaan muna natin ang anak mo. Nabigla lang siya," ani Carmen na palihim na sinundan ng matalim si Ade. Bumuntung hininga naman si Menandro. "Yeah," "Welcome home, Sir," bati ni Aling Sonya. "Salamat Manang. Ipadala niyo sa guest room ang mga gamit niya." "Opo." "Guest room? Separate tayo ng room?" tanung ni Carmen. "Nasa master room pa ang mga gamit ni Natalia," ani Menandro. Napahalukipkip naman si Carmen at bahagyang sumimangot. "Fine," pero sumang ayon na rin ito. 'ang importante nandito na ako sa bahay ni menandro and this house will be mine soon, ' Masama man ang loob ni Ade, no choice naman siya kundi bumaba at sumabay ng dinner sa mga ito. Nakagawian na nila ang kumain ng sabay sabay. Walang imik na umupo si Ade habang nakikiramdam. "Good evening!" masiglang bati ni Carol, ang bestfriend ni Ade. "Ay, tito, dumating na po pala kayo," "Good evening, hija. Come and join us," ani Menandro. "Tamang tama ang dating ko," ani Carol na naupo sa tabi ni Ade. "May bisita po pala kayo." "Hi, I'm Carmen. Nice to meet you," "Hello po, Carol po. Nice to meet you din po," Taka namang binalingan ni Carol ang kaibigan na walang imik habang pormal na kumakain. "Bakit ang serious mo?" pabulong na tanung ni Carol dito. "Kumain ka na lang," pinandilatan ito ni Ade ng mga mata. "Okay," ani Carol. "Ahm,. how's your business trip tito?" "Great. May mga dala akong pasalubong kung may magustohan ka you can get it," "Talaga, tito? Thank you po," " Are you done? kaunti lang ang kinain mo dear," baling ni menandro kay Carmen. "Dear, alam mo naman na hindi ako masyadong kumakain sa gabi," ani Carmen. Nagkatinginan naman si Carol at Ade pero walang nagsalita. "Inaalagaan mo talaga ang figure mo," "Of course! Gusto ko ako lang ang sexy sa paningin mo," maharot na wika ni Carmen. Hindi na nakapag tataka kung bakit pinananatili nito ang ganda ng hubog ng katawan, yun ang asset ng ibang babae para makahanap ng lalaking peperahan. Nawalan ng ganang kumain si Ade kaya naman tumayo na siya. "I'm done," aniya. 'sa harap pa ng pagkain naglalandian.' "Diet ka din?" tanung ni Carol. Pero tuluyan na itong umalis. "Excuse me po, susundan ko lang po si Ade," "Carol, talk to your bestfriend." wika ni Menandro kasabay ng buntung hininga. "Okay po tito," tango ni Carol. Alam niyang may problema dahil sa kilos ng kaibigan. Parte na siya ng pamilya kung ituring ng mga ito kaya di na bago sa kanya ang ganitong scenario. Sa garden, tahimik na nakaupo si Ade at pinagmamasdan ang mga halaman na namumulaklak.Tanim iyon ng kanyang mama. "Want to have some wine?" "Pinakialaman mo ang wine ni papa?" "Nagpaalam naman ako," ani Carol habang nag sasalin ng alak sa wine glass. Favorite niya ang wine collection ng papa nito kaya naman kinakapalan niya ang mukha kapag napupunta dito. Hindi naman kasi siya kasing yaman ng mga ito. Bumuntung hininga si Ade ng marahas. "Ano ba ang nangyari? Let me guess, yung babae na bisita niyo?" "She is not just a visitor. Girlfriend siya ng papa. And tingin ko nga dito na siya titira," ani Ade. "So?" "Anung so? Kakamatay lang ni mama at heto si papa may nahanap ng kapalit niya. And that Carmen, I don't like her." "Kaya ka nagkakaganyan dahil hindi mo siya gusto?" "Parang ang dali lang para kay papa na palitan si mama," malungkot na sambit ni Ade. "Beshy, alam natin kung gaano kamahal ni tito si tita natalia. Hindi sa kinakampihan ko si tito, pero malungkot din naman ang mag isa," "Alam ko naman that he need a companion pero nakita mo naman ang carmen na yun. Kung titingnan siya physically, pera lang ang habol niya sa papa." "Wait! kailan ka pa naging judgemental? Huwag kang ma ooffend pero mukha namang mabait," ani Carol. "Hindi ko siya gusto para kay papa," ani Ade. "And you know me kapag hindi ko gusto ang isang tao," "Huwag kang ganyan, beshy. Bigyan mo ng chance yung tao. Kilalanin mo, mag background check ka. Hindi naman siya magugustohan ni tito kung may pangit siyang ugali." kalmadong wika ni Carol. Kilala niya ang kaibigan, mabait ito pero may pagka suplada lang minsan. " Change topic na nga tayo. Basta nagtatampo ako kay papa, " ani Ade. " Stubborn, " iiling iling na wika ni Carol. Hindi maitatanggi na mukhang bata si Carmen kumpara sa papa niya. Marahil dahil maalaga ito sa sarili kaya na maintain nito ang sexy body figure. Pero may iba siyang pakiramdam dito. Hindi niya maipaliwanag basta ang alam niya hindi niya ito gusto para sa papa niya. 'tama si carol. Kikilalanin ko muna ang carmen na yun,' Kinabukasan.... Napakunot noo si Ade ng makita ang ilang maleta sa dulo ng hagdan. 'sino ang dumating?' Nasagot lang ang tanung niya ng pumasok siya sa dining area. Naroon na ang papa niya at si carmen. Sa tabi ni carmen ay naroon ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali matanda lang sa kanya ng ilang taon o baka kaedad lang niya. "Good morning, Ade." nakangiting bati ni carmen ng makita siya. "Morning," bati ni Ade na hindi tumingin dito. Naupo na siya at nagsimula ng kumain ng almusal. "Ang ganda po pala ng anak niyo,tito. Hi, I'm Cristel," nakangiti at magiliw na wika nito. Tiningnan lang niya ito. "She is my daughter," ani Carmen. Nasagot ang tanung sa isip ni Ade dahil sa sinabi nito. "And she will stay here too," ani Menandro. Lihim na nagngitngit ang damdamin ni Ade. "Of course, like her mother. Ano pa nga ba ang inaasahan ko," mahina pero sapat para marinig ng mga kaharap. "Ade, alam ko na nagtatampo ka." "Sino bang hindi papa? You never told me first that you have a relationship." ani Ade. "Hindi ka ba masaya na may makakasama na tayo?" "Anyway you made a decision. Kahit naman tumutol ako wala rin akong magagawa." "Ayaw mo ba kami dito?" tanung ni Carmen. Tiningnan ito ni Ade ng seryoso. 'hindi naman pala manhid ang babaeng to.' "Mayadong malaki ang bahay na to para satin. Isa pa napagdesisyonan na din namin na magsama, akala ko matutuwa ka dahil may makakasama na tayo. Mukha namang magkakasundo kayo nitong si Cristel," ani menandro. "Like what I said nagdesisyon na si papa na dito kaya titira so be it. Just don't touch mama things," ani Ade na nagsimula ng kumain. "Yun naman pala eh! E di everybody happy! Ang lungkot naman tumira sa ganito kalaki na bahay ng mag isa, noh," ani Cristel na nangingislap ang mga mata habang iginagala ang tingin. " Salamat, Ade. Don't worry walang makikialam sa gamit ng mama mo," ani Carmen. "Happy, Papa?" baling ni Ade dito. Hindi niya magawang magtampo ng matagal sa papa niya. Siguro dahil lumaki siyang daddy's girl. Napangiti naman si Menandro at akmang tatayo para yakapin ang anak. " Save that hug, papa. Magugusot ang silk na suot ko may meeting pa naman ako," ani Ade. "Meeting?" "Yes. This is worth of million projects so wish me luck," ani Ade habang nagpupunas ng napkin sa labi. "That's my beautiful princess!," bakas ang tuwa sa mukha ni menandro. Buti na lang talaga at kailangan niyang iwanan ang nararamdaman niyang tampo sa papa niya para hindi makaapekto sa meeting niya. Kailangan niyang makuha ang project na yun. That is why she trained by her father, dahil balang araw siya ang magmamana ng kompanya na ipinundar nito at ng mama niya. "Anyway, tapos na ang project kay Mr.Lim. Napuntahan ko na ang site. You can also check," "Nah! Alam ko naman na okay ang lahat lalo pa at napuntahan mo na. I trust my princess that much." ani menandro. "Alright. I have to go. Bye," ani Ade at taas noo ng umalis. "Bring home the bacon my princess!" Nagkatinginan naman ang mag ina na may nangingislap na mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
315.6K
bc

Too Late for Regret

read
324.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
145.6K
bc

The Lost Pack

read
443.3K
bc

Revenge, served in a black dress

read
154.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook