POV's Carmen....
"Wow! Ang laki ng magiging kwarto ko!" manghang bulalas ni Cristel. "At ang lambot ng kama,"
"Pasalamat ka dahil nabihag ko ang puso ni Menandro," ani Carmen.
"Hmmm, buti na lang talaga expert ka na sa pambobola, mama,"
"Ang bibig mo! Baka may makarinig sayo," pinandilatan ni Carmen ang anak.
"So, kailan tayo makakapag-shopping?"
"Hindi pa tayo makakapag waldas sa ngayun. Kailangan pa nating magpakitang gilas, lalo na sa anak ni Menandro. Mukhang hindi niya ako gusto,"
"Yung Ade na 'yun? Kita ko nga din na ayaw niya sakin. So what?"
"Gaga! Mahal na mahal ni menandro ang nag iisang anak kaya dapat makuha natin ang loob niya." ani Carmen.
"Oo nga pala. Narinig mo kanina, may million na project. Mama, bakit hindi mo sabihin kay tito na ipasok ako sa kompanya nila?"
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Mukhang magandang magtrabaho sa kompanya nila. I can smell more money kesa sa pag saleslady," ani Cristel habang nililinis ang kuko na mahahaba
"Sige susubukan ko. Pero sinasabi ko sayo, wag kang gagawa ng kapalpakan," ani Carmen.
"Oo naman, mama. Hindi ko sasayangin ang ganitong buhay natin. Mabibili na natin ang lahat ng gusto natin." ani Cristel.
Napangiti naman ng malapad si Carmen sa sinabi ng anak. Kaya naman kailangan niyang siguradohin na hindi maghahanap ng iba si menandro. Mabuti na nga lang at nakilala niya ito ng minsan siyang isama ng kaibigan sa bar para uminom. Mag isa lang ito at malungkot, sinamahan niya ito, nagka kwentohan hanggang sa dumalas ang pagkikita na iyon bilang magkaibigan.
Doon niya nalaman na may taning na ang buhay ng asawa nito dahilan para malungkot ito. At nalaman niyang mayaman ito ng minsan na lumabas sila para mag shopping.Kaya naman lalo niya itong hindi pinakawalan. Sinamantala ni Carmen ang kalungkutan ni menandro para akitin ito. Bago pa mamatay ang asawa nito ay may relasyon na sila at nagkikita ng palihim.
At pagkamatay ng asawa nito ilang buwan lang ang pinalipas niya at inalok na niya ito na mag sama na sila. Agad naman itong pumayag at heto na siya.
Siya na ang bagong reyna sa pamamahay ni menandro.
"Dapat lang, dahil ginagawa ko ang lahat para makuha ang ganitong buhay," ani Carmen bago ito iniwan.
Imperial Event Center
Pagdating pa lang nina Ade ay panay pagbati na ang natatanggap niya mula sa mga empleyado, kakilala at kaibigan ng kanilang pamilya. Nag daos ng thanksgiving party ang papa niya para sa mga natapos na proyekto at sa mga bagong proyekto na sisimulan pa lang. At bilang award na din sa mga masisipag nilang empleyado binibigyan nila ito ng break. Party all night, unli drinks and unli foods, may sayawan at kantahan. At lahat yun ay libre. Kaya naman hindi nakakapagtaka na mas marami pa itong blessings na nakukuha.
"Congratulations, Miss Imperial!"
"Thank you!" nakangiting wika ni Ade.
"Malaki ang project na nakuha mo, ma'am." ani Alma, ang secretary niya.
"Hmmm..,akala ko nga hindi ko makukuha," ani Ade.
"Ikaw pa ba, ma'am, siguradong tuwang tuwa ang papa niyo,"
" Kaya nga nag pa party siya ngayun. Anyway, parating na yun nauna akong umalis eh," ani Ade.
Ilang sandali nga lang ay dumating na ito kasama si Carmen at Cristel. Napataas ang kilay niya dahil hindi niya inaasahan na sasama ang mga ito pero saglit lang at ngumiti na rin siya.
"Papa!"
"My princess! Congratulations! Alam ko naman na makukuha mo ang project na yun. And I am so proud of you," at niyakap nito ang anak.
"Thank you, papa! Siguro naman I deserve a gift from you," lambing ni Ade dito.
"Of course!" ani menandro na hinalikan sa noo ang anak.
"Menandro!"
"Roberto!"
Ang matalik na magkaibigan na akala mo matagal na hindi nag kita.
"Hi,tito," nakipag beso si Ade dito.
"Ade, congratulations dahil nakuha mo ang isa sa malaking project ng DPWH ng maynila." wika ni Roberto.
"Thank you, tito. Hindi mo ba kasama si tita?"
"Naku hindi, medyo masama ang pakiramdam kaya hinayaan ko munang mag pahinga. Pero pinapaabot niya ang pag bati sayo, anak."
"Thank you po."
" Ang swerte mo sa anak mo, menandro. Bukod sa maganda na, matalino pa, " puri nito.
"Maganda mana sa kanyang mama, talino of course nagmana sakin," pagmamayabang ni menandro.
" Of course!"
Nagtawanan ang mga ito. Napailing na lang si Ade.
"Papa, I'll go around. Tito, maiwan ko muna kayo," paalam ni Ade.
"Sige, hija,"
"Anyway, this is Carmen ang her daughter Cristel," pakilala ni Menandro.
"Nice meeting you, Roberto," ani Carmen na nakipag kamay.
"Nice to meet you too, Carmen. Hindi nakakapag taka na nabihag mo ang puso ng kaibigan ko, you are very gorgeous,"
"Hindi naman,"
"And your daughter too," baling ni Roberto kay Cristel.
"Hello po," tipid ang ngiting bati ni Cristel dito.
Naging busy ang mga ito mag kwentohan at nainis si Cristel kaya naman lumapit siya sa kinalalagyan ng mga wine at kumuha ng isa.
"Hmm.. mamahalin ang wine," ani Cristel ng makita ang ina na kumuha din ng alak .
"Natural. Mayaman ang menandro ko," taas ang noo na wika ni Carmen.
"Akala ko maganda na ang suot nating to. Mamahalin din naman to pero tingnan mo naman ang suot ni Ade, mama," ani Cristel na may bahid ng inis.
Black fitted with silver design na long dress ang suot nito. Talaga namang mapapatingin ang kahit sino dahil sa kasexy-han nito. Nakakaramdam tuloy ng inggit si Cristel habang pinagmamasdan ito.
"Hayaan mo na. Hindi naman nila pinapansin ang suot natin, mas mapapansin nila ang ganda natin," ani Carmen.
Inirapan na lang ito ni Cristel, kung siya ang masusunod dapat yung elegante at pinaka mahal din ang binili nila. Pero nagtipid na naman ang mama niya.
"Nakakainggit ang Ade na yan, mama," wika ni Cristel habang nakatingin kay Ade na masayang nakikipag usap. "Imagine, nag iisang anak lang siya and she have all of this,"
"Kaya nga dapat magpakitang gilas din tayo para naman kahit pano maambonan tayo ng yaman nila. Kaibiganin mo si Ade." ani Carmen.
"Hindi ko sigurado kung gusto din niya akong maging kaibigan," ani Cristel.
Patingin tingin si Cristel sa paligid, nagbabaka sakali na may makitang kakilala. Pero bigo siyang may mahanap,
naagaw ang atensyon niya ng lalaking pumasok sa entrance. Matangkad, mestiso at gwapo ang lalaki. May dala itong isang bouquet ng bulaklak at parang may hinahanap ito.
Nagka interes si Cristel na makilala ito kaya naman ng mapadako ang tingin nito sa kanya ay malagkit niya itong tiningnan at ngumiti.
"Babe!,"
Nanlaki ang mata ni Cristel ng ngumiti ito at sa direksyon niya nakatingin.
' ba-babe?'
"There you are!"
Napalingon si cristel sa biglang nagsalita mula sa likuran niya.
'ade?'
Nakangiting sinalubong ni Ade si George ng makita ito.
" I'm sorry, na late ako," wika ni George na hinalikan sa pisngi si Ade. "You are very beautiful as always,"
"Ikaw talaga binobola mo na naman ako."
"No. Anyway, congratulations," at ibinigay ang bulaklak na dala.
"Thank you," kinikilig namang tinanggap ni Ade iyon.
Pagkadismaya naman ang naramdaman ni Cristel na makita ang sweetness ng dalawa.
'boyfriend ni Ade?'
"Pinagpala talaga ang babaeng 'to!," mahinang sambit ni Cristel."Mayaman, successful at may gwapong nobyo. Sayang!" lalong nadagdagan ang nararamdamang inggit ni Cristel para kay Ade.
Walang ibang naririnig si Cristel kundi papuri para kay Ade. At hindi niya alam pero nakakairita ng pakinggan. Kaya naman idinaan na lang niya sa pag inom at pagkain ang atensyon.
'nakaka boring! '
Ang mama niya ay parang linta na nakakapit kay menandro. Tanging siya lamang ata ang mag isa at walang kasama. Kung alam lang niya na mababagot siya isinama sana niya si Julie ang kaibigan niya.
"Hey!"
"Ouch!" hindi ni Cristel nakita ang pagsulpot ng tao sa likuran niya kaya naman pagpihit niya paharap ay bumangga siya dito.
"Anu ba yan! Di tumitingin sa dinadaanan!" ani Cristel ng matapon ang wine na iniinom sa damit niya.
"I'm really, really sorry, miss,"
Matalim itong tiningnan ni Cristel at handa na sanang magtaray pero natigilan siya ng makita kung sino ang kaharap.
"Hindi ko sinasadya, miss. Pasensya na,"
"O-okay lang," ani Cristel.
"Babayaran ko na lang ang nadumihan mong damit,"
"Ha? Naku, hindi na. Mawawala din naman to kapag nilabhan," ani Cristel.
'ang gwapo talaga niya. At mayaman pa.Ang swerte swerte naman talaga ni Ade,'
Ngumiti na lamang si Cristel dito.
"By the way, I'm George and you are?"
"Cristel...nice to meet you George," agad na pakilala ni Cristel, magpapakipot pa ba siya?
"Paano ba ako makakabawi?" tanung ni George.
"Naku, wag mo na problemahin 'to. Damit lang naman 'to," ani Cristel na lalo pang ginandahan ang ngiti."Pero kung mapilit ka sige ilibre mo ako ng dinner,"
"Ha?"
"Joke lang! Okay lang, don't worry,"
'hmm... nagkataon lang ba o talagang sinadya niya? Napansin kaya niya ako kanina?'
"Babe, nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni Papa." ani Ade.
"Yeah! I bump her," ani George na binalingan si Cristel.
"Aksidente niya akong nabangga," paglilinaw ni Cristel.
"At nadumihan ang damit niya," wika ni George.
"Ganun ba. May extra akong damit sa kotse. Hingiin mo kay Mang roman," ani Ade na ang tinutukoy ay ang bodyguard na isinama niya.
"Sige," sang-ayon ni Cristel.
"Thank you, babe," ani George.
Napangiti naman si Cristel habang nakasunod ng tingin sa dalawa na papalayo.
'tingnan ko nga kung talagang hindi mo napansin ang karisma ko.' wika ni Cristel sa sarili.
Hinanap niya ang tinukoy ni Cristel at hiningi ang damit para makapag palit.
Nakangiti siyang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin.
'much better, bagay sakin ang mamahaling damit ni Ade.'