Chapter 3

1590 Words
Imperial mansion "Good morning!" masiglang bati ni Cristel ng pumasok sa dining area. "Mukhang maganda ang gising mo?" tanung ni Carmen. "Masarap matulog sa malambot na kama." ani Cristel. "Sabi ng mama mo gusto mo raw magtrabaho?" tanung ni menandro. "Opo, tito. Baka naman po may bakante pa sa kompanya niyo," ani Cristel. Tahimik lang na nakikinig si Ade habang nag aalmusal. "Ade, may bakante ba sa team mo?" tanung ni menandro. "Wala, papa. Bakit hindi na lang siya mag submit ng resume sa HR department? Para sila na ang bahala kung ano ang ibibigay na trabaho sa kanya base on her capability, "ani Ade. "Pero pwede namang iappoint mo na lang siya, dear, " ani Carmen. Napataas ang kilay ni Ade sa sinabi ni Carmen. "Magiging unfair yun para sa lahat ng empleyado. Lahat dumaan sa interview at briefing, even me. I started from the bottom, " ani Ade. "Bakit naman? Pag aari niyo naman ang kompanya, " "Para masigurong matitino at masisipag ang lahat ng empleyado. Hindi yung basta na lang iha-hire pero wala naman palang alam. " ani Ade na tiningnan si Carmen. Naikuyom ni Carmen ang kamao dahil mukhang siya ang pinaparinggan nito. "Okay lang naman sakin kahit na anung trabaho. Willing naman akong matuto," ani Cristel. "That's good to hear hija." ani menandro. "Madali lang naman ang trabaho sa opisina," "Buti naman," "Pero-," "Ma, ano ka ba? Tama si Ade, unfair sa iba kung hindi ako dadaan sa tamang proseso." wika ni Cristel. "Nalabhan ko na pala yung damit na pinahiram mo sakin. Isasauli ko na-," "No need. Hindi ako gumagamit ng nagamit na ng iba so keep it." putol ni Ade sa iba pa nitong sasabihin. "O-okay," tango ni Cristel. 'parang ang hirap pakisamahan ng babaeng 'to! Ang arte niya ha!' "Ang yabang ng Ade na yun!" gigil na wika ni Carmen habang nasa kwarto ng anak."Nakita mo kung panu sya tumingin?" "Hindi lang mayabang, ang arte niya." ani Cristel na sinipat ang sarili sa salamin. "Pero hindi natin sya pwedeng patulan kaya hayaan na lang natin. Makukuha din natin ang loob niya." Mag aapply siya ng trabaho sa kompanya ng mga ito at dapat lang na presentable sya. "Kaya nga dapat makapasok ka sa kompanya nila." "Basta ba wag lang bilang janitor noh!" ani Cristel. "Gusto ko yung may sarili din akong opisina," "Saka mo na pangarapin yan kapag nakapasok ka na. Matatalino lang ang dapat sa ganoong posisyon." ani Carmen. "Para mo na rin sinabing bobo ako, 'ma," yamot na sambit ni Cristel. "Bakit hindi ba? Pinag aaral kita pero anu ang inatupag mo-," "Ayan na naman tayo. Nakaraan na yun. Aalis na ako kesa sermonan mo ako. Masisira lang ang araw ko, ang ganda ganda ng umaga eh," Nag madali ng umalis si Cristel at iniwan ang ina. Halos magtatalon sa tuwa si Cristel ng matanggap bilang purchasing employee ng kompanya.Nag resign ang dating employee kaya naman agad siyang natanggap. 'ang swerte ko naman ngayung araw. Hmmm... ang laki pala ng kompanya nila,' ani Cristel habang iginagala ang tingin. "Saan kaya dito ang opisina ni Ade?" "Hey, you must be Cristel Dominguez?" tanung ng babaeng lumapit sa kanya. "Ako nga," "This way. Kailangan na kitang ibriefing sa magiging trabaho mo," wika nito. "Okay," " Magsisimula ka din bukas. Maraming trabaho at bawal ang tamad dito." "Okay," Sinang ayonan ni Cristel ang bawat sabihin nito kahit naiinis siya dahil parang boss ito kung magsalita. Kailangan niyang galingan sa trabaho para matuwa ang tito menandro niya. "George?!" napangiti si Cristel ng makita ang lalaki sa living area ng makauwe siya. "Cristel? Anung ginagawa mo dito?" tanung ni George na binitawan ang binabasa at tumayo ng makita ang babae. "Dito ako nakatira," sagot ni Cristel na ikinakunot ng noo ni George. "Really?" "Ang aga mo naman, babe," tinig ni Ade. "Hi, babe. Lagi na lang kasi akong late kaya inagahan ko na," ani George na nilapitan si Ade at hinalikan sa labi. "Cristel, kadarating mo lang ba?" baling ni Ade dito. "Ahm, oo," "And? Ano ang resulta?" "Natanggap ako sa purchasing department at pwede na akong magsimula bukas," "Mabuti naman. Sana lang wag mong sayangin ang tiwala ng papa," ani Ade. "Oo naman." "Hindi ko alam na dito pala siya nakatira," wika ni George. "Her mother is a new girlfriend of Papa. Kaya nandito din siya. Anyway, maiwan muna kita. Magpapalit lang ako ng damit, " wika ni Ade. "Take your time, babe, " ani George. Niyaya siya ni George na lumabas at mag dinner kaya naman maaga siyang umuwe. Two years na silang in a relationship and next year pagkatapos ng kaarawan ni George ay kasal na nila. Ang totoo arrange marriage silang dalawa dahil yun ang nakagisnan ng pamilya ni Ade. Nung una hindi si Ade sang ayon pero nung nakilala niya si George ay sinubukan niyang kilalanin ito. Hanggang unti unti ngang nahulog ang loob niya dito. Sa lahat ng manliligaw ni Ade ito ang pumukaw ng damdamin niya. Mabait at gentleman si George, bonus ang pagiging gwapo nito. Sa edad nitong 26 mina manage na nito ang family business ng mga ito na import and export goods. Katulad ni Ade only son din ito kaya mabilis silang nagkasundo sa lahat ng bagay. Masasabi ni Ade na perfect ang relationship nila bagama't paminsan minsan nagkakatampohan din naman sila. Pero hindi naman nag tatagal at nag kakaayos din. Pagbaba ni Ade ay naroon pa rin si Cristel at kausap si George. 'mukhang masaya ang pinag uusapan nila,' sa loob loob ni Ade. Sa tingin naman kasi niya kay Cristel ay magaling makibagay, sa mama lang nito mabigat ang loob niya. "Shall we?" tanung ni Ade. "Yeah!," ani George na tumayo at kinuha ang kamay ni Ade at ginawaran ng halik. "Alam niyo kapag hindi pa kayo umalis baka dito pa kayo langgamin," ani Cristel. "Fine. Maiwan ka na namin, Cristel," ani George. " Sabihin mo na lang kay papa sa labas na ako magdi dinner," bilin niya dito bago humawak sa braso ni George. "Sige sasabihin ko," nasundan na lamang ni Cristel ng tingin ang mga ito. 'sa harap ko pa talaga naglandian! nakakairita!' ani Cristel na bahagya pang napanguso. "Mukhang masaya ang naging pag uusap niyo ni Cristel," tanung ni Ade ng makasakay sila ng kotse nito. "May sense syang kausap. Are you jealous?" nilingon ni George ang nobya. "Jealous? Of course not! I trust you and you know that," natatawang sagot ni Ade. At isa pa ano ang dapat niyang ipagselos? They are just talking. Hindi naman siya selosa like other woman. At confident siya na hindi siya ipagpapalit ni George sa katulad lang ni Cristel. "Good morning!" magiliw na bati ni Cristel. Nakabihis na ito. Naalala ni Ade na ngayun nga pala ito mag sisimula na magtrabaho sa kompanya. "Pwede ka ng sumabay sakin," ani Ade. "Naku, nakakahiya naman Ade-," ani cristel pero naramdaman niya ang pagsipa ng mama niya sa kanyang paa sa ilalim ng mesa. "Ano ka ba naman, iisa lang naman ang pupuntahan niyong trabaho kaya hindi naman masama na sumabay ka sa kanya," wika ni Carmen. "Pero kung marunong ka naman magdrive nasa garahe yung pinag lumaan ko na car, you can use it," ani Ade. Napangiwi si Cristel. 'brand new ang gusto ko,' "Naku, wala akong lisensya." "But you know how to drive?" tanung ni Menandro. "O-opo, tito," "Aayusin natin yan. You can have your license," "Talaga po tito?" masayang tanung ni Cristel. "Yes. Just be careful," "Thank you po. Promise ko po pag bubutihan ko po ang trabaho ko," "Kung tapos ka ng kumain, tara na," ani Ade. Agad namang tumayo si Cristel at sumunod kay Ade. "Mukha namang magkasundo sila di ba, dear?" tanung ni Carmen na nakangiti. "Hmm..mabait naman yang si Ade. Sa simula lang yan medyo masungit." "Oo nga, nafe feel ko nga na parang ayaw niya sakin," ani Carmen. " Don't worry, matatanggap ka din niya just be good to her." wika ni menandro. "Of course. Katulad ng pagiging mabuti mo sa anak ko," madamdaming wika ni Carmen. 'magkakaroon din ako ng ganitong sasakyan.' sa loob loob ni Cristel. "Ang ganda naman ng car mo," wika ni Cristel. "Kung gusto mong magkaroon ng ganito pag iponan mo, hindi niyo naman siguro hihingiin sa papa," ani Ade. "Don't get me wrong," 'aba't ang babaeng 'to,' "Syempre hindi noh! Iniisip mo ba na pera lang ang habol ni mama sa papa mo?" tanung ni Cristel. "Hindi mo naman ako masisisi kung ganun nga ang iniisip ko." Huminga ng malalim si Cristel para kalmahin ang sarili na huwag itong matarayan. " Mahal ni mama ang papa mo. Marami ding mayayaman ang nanligaw noon kay mama pero hindi niya pinansin ang mga yun," "Sana nga totoo na mahal niya ang papa," "Ganon naman talaga ang kadalasan na iniisip kapag ang isang mayaman nagmahal ng mahirap," ani Cristel. Napatikwas ng kilay si Ade sa sinabi ni Cristel. Marahil mahal talaga ng Carmen na yun ang papa niya and knowing her father hindi ito basta basta magpapaloko. "Naiintindihan ko naman. Hindi mo naman talaga kilala ang mama kaya natural lang na pag isipan mo kami ng hindi maganda. Pero sana bigyan mo kami ng chance na patunayan na hindi pera ang dahilan kaya naging parte kami ng pamilya niyo," dagdag pa ni Cristel. Napaisip naman si Ade sa sinabi nito. Naging judgemental siguro sya sa mga ito at unfair naman yun dito. 'mukhang nakumbinsi ko ang babaeng 'to.Ganyan nga, kailangan mawala ang pagdududa mo. Tama si mama, kailangan kong makuha ang loob ng babaeng to,'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD