JETT
“Kumusta na ang pagpapatakbo mo sa tailor shop, Anjettie?” pagtatanong sa akin ni Hugo nang maupo kami sa isang table at hinihintay ang aming order.
“Ayos naman. Habang tumatagal mas dumarami ang dumadayo. May mga customer na sinasadya pa talaga kaming puntahan kaya nakakatuwa.” hindi ko napigilan ang mapangiti ng malaki. “Ngayong buwan ay sobra-sobra na ang workload kaya pinag-iisipan ko rin na mag-hire pa ng mga katuwang. Hindi ba, exciting? Feeling ko nga magna-number one ang tailoring shop natin sa buong city!”
Nahawa siya sa tamis ng ngiti ko at hindi napigilang mapatawa. “Kung gano'n, kapag nag numero uno iyan, ipagtatayo kita ng panibagong branch sa ibang city.”
Napahalakhak ako at napahampas ng kamay sa ere. “Huy! Ano ka ba! Masyado mo akong pinapa-excite. Pero malay mo naman~ pero sa ngayon, dahil nag-uumpisa pa lang din naman ang shop, malayo-layo pa ang dadaanan natin bago iyon mangyari.”
“Huwag kang mag-alala, Anjettie, sisiguraduhin kong dadagsahin pa kayo ng mga customer. Hindi ko titigilan ang pagpo-promote sa inyo.”
“Naku, Hugo! Maraming salamat, ha? Alam kong mas busy ka pa sa akin pero tinutulungan mo parin ako,” nahihiya kong saad. “Ikaw, kumusta na nga pala?”
Bahagya siyang tumawa. “Nakakapagod. Alam mo na? Hindi ko lang basta pinapangalagaan ang mga negosyo’t ari-arian ni Lola, kundi nakikipagtalo pa ako sa panganay niyang anak na si Gehlai dahil gusto nitong angkinin lahat ng lupain ni Lola. Hindi ko nga alam kung anong ipinaglalaban niya, eh klaro naman na walang ipapamana si Lola sa kanya. T'saka isa pa itong nag-iisa mong Tito, hindi nga man lang makamusta ang lagay sakit ni Lola eh, umaasta na parang wala na si Lola para mambulabog sa mansyon.”
Nanlumo ako sa mga narinig. “Kahit kailan talaga itong mga anak ni Lola, mga maiitim ang budhi.” Not to mention, si Mommy.
Siguro talaga nagmana ako sa side ni Daddy, kasi hindi ko naman yata masisikmurang gawan ng masama ang sarili kong pamilya para lang sa sarili kong kaligayahan. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Limang taon na ang lumipas. Matapos kong manatili ng tatlong taon sa ibang bansa kasama si Jelly, ay nabalitaan ko na nagkaroon ng malubhang sakit si Lola dahil sa paghahandle ng mga negosyo niya nang walang ibang katuwang kundi si Hugo.
Alam ni Lola na hindi mapagkakatiwalaan ang kahit isa sa mga anak niya. Dahil ang panganay na si Tita Gehlai, masyadong sakim at walang alam sa negosyo. Si Grace---ang mommy ko naman ay pawang walang kapuwang-puwang kay Lola kaya hindi mapagkakatiwalaan. Si Tito Gustavo, alcoholic at puro pambababae ang alam. Samantalang ang bunso na si Gladys ay spoiled at magastos sa pera.
Kaya ngayon, kay Hugo na hinahabilin ni Lola ang lahat kahit na siya'y ampon na apo lamang. Dahil hindi lamang basta magaling si Hugo sa pagtatrabaho, kundi masipag, mapagkakatiwalaan, at ubod pa ng kabaitan! Bonus na lang ang pagiging gwapings niya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin, ngunit nananatili parin siyang binatilyo.
Ako, sa sa kabilang banda, kahit na may pamana sa akin si Lola na malaking halaga ng pera't ari-arian, ay kinakailangan ko paring tumayo sa sarili kong mga paa kaya ko naisipan ang maliit na negosyong ito kung saan ako magaling. Para na rin ito sa kinabukasan ni Jelly.
“Ayan na ang cake, Mama! Akin ang strawberry!” natutuwang pukaw sa akin ni Jelly pagkarating ng aming inorder.
Nilagay ko sa tapat niya ang strawberry cake. “Huwag madungis kumain ah? Hinay-hinay lang.”
“Yes, mama!”
Samantalang ang chocolate cake naman ay ibinigay ko kay Hugo. “Favorite mo.”
“Thanks!”
Kinuha ko ang vanilla cake na ito ring gustong-gusto kong flavor.
May ngiti kong pinapanood kumain ang anak ko. Si Jelly ay mas maliit ang tangkad kumpara sa tipikal na four-year-old na bata. Kahit anong vitamins pa ang ipainom ko rin sa kanya ay hindi siya tumataba. Maputla ang kutis ng balat at labi niya. Masakitin ang anak ko na ito dahil sa klase ng pagbubuntis ko noon na pinagsisisihan ko ngayon.
“Pagkatapos mong kumain, punta tayo sa kalapit na playground doon sa parke, Jelly.” ngiti kong anyaya. “Hindi pa gusto mong makipaglaro kay mama?”
“Really?! Sa playground, mama? Doon sa maraming bata?” matining na boses niyang tugon. Ang pagiging excited ay bumabakas sa tono ng kanyang maliit na tinig.
Tumango-tango ako. “Yup! Hindi ba meron ding nagtitinda ng ice cream do'n? Pasyal-pasyal din tayo at maganda ang panahon. Tutal kasama natin si Uncle Hugo.”
“Yeyy!” humagikhik siya ng tawa na pareho rin naming kinatawa ni Hugo.
Kahit na dapat sana’y abala ako ngayong araw, ay hindi ko naman puwedeng hayaan si Jelly at Hugo na tumambay doon sa shop habang nagtatahi ako. Kaya ilalaan ko muna ang araw n ito sa kanila, bukas na ang dress ni Madam Edna.
______
YUNA
“Mukhang tinakasan na tayo ni Sissy Jettie, ah!” natatawang saad ni ng baklang si Vicky sa kagitnaan ng paghahabi namin ng mga tela.
“Ano pa nga ba? Basta tuwing dumarating ang pogi na si Hugo at prinsesa Jelly ay deretso takas na siya. Hahaha!” tugon naman ni Nisha.
“Kailan kaya sila ikakasal, ‘no? Bagay na bagay pa naman silang dalawa.” usyoso ni Janine.
“Hindi ba pa sila kasal?”
“Hindi pa, ‘teh! Uncle parin tawag ni prinsesa Jelly sa kay Hugo eh. Pero for sure. Sa kasalan din mauuwi ang dalawang iyan! Dapat na tayong mag-isip na disenyo ng gown ni Sissy Jettie!”
“Ay, game ako diyan!”
Napapakamot ako sa ulo na pinapakinggan ang usapan nila tungkol kay Ate Jett at Kuya Hugo. Halos lahat kaming lima na empleyado ay pinagpa-partner silang dalawa simula pa man noon. Sadya kasing malakas ang chemistry nila. Hindi pa nga namin alam kung bakit mukhang hindi pa sila nagkakatuluyan eh.
“Yuna, magbantay ka muna roon sa front desk at baka may pumasok na customer nang hindi natin mamalayan!” pag-uutos ni Vicky sa akin.
“Aye-aye!” nagagalak kong binitawan ang tela at gawin ang mas madali na trabaho.
Isa lamang akong college student na nagtatrabaho para kay Ate Jett. Sa lahat ng mga naging trabaho at boss ko, siya lang ang pinakamabait at dito lang sa tailoring shop feeling ko belong na belong ako!
“Oh! May customer.” bulong ko sa sarili nang may pumasok sa loob na isang lalaking nakasuot ng business suit.
Napalaki pa ang mga mata ko nang makita kung gaano kagwapo ang lalaki! Para itong kasing tangkad ni Kuya Hugo!
“Excuse me,” lumapit ito sa akin nang walang ekspresyon ang mukha.
“U-Um, a-ano pong sa inyo, sir?” garagal ko pang tanong. Ang pogiiii! Kapag nakita ito ni Vicky, malalaglag ang panty no'n!
“Dito ba nagtatrabaho si Anjettie Rose Salvatore?” malalim na boses nitong tanong.
Nalaglag ang panga ko pero kaagad iyong tinikom. “Opo, Sir! Actually, siya po ang nagmamay-ari nitong tailoring shop. Boss po namin siya, Sir. May kailangan po ba kayo sa kanya?”
Nakita ko nang magliwanag ang mukha ng lalaki. Mukha pang nakahinga ng maluwag. “Uh, no. Tinatanong ko lang pero wala naman akong kailangan.”
Nagtaka ako. “Gano'n po ba? Um… goods po! Kasi wala rin dito si Ate Jett ngayon eh.”
“Is that so?” nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Maya-maya'y naglabas siya ng camera upang picturan iyon.
???
“Sir?” pukaw ko. “Bakit po kayo nagpipicture?”
“Oh! Sorry,” binaba niya ang camera. “Hindi ba allowed?”
“Ah, hindi naman po! Pwede naman pong mag-picture! As long as ipapakalat niyo na maganda ang aming shop!” pagbibiro ko pa.
“Sure.” tipid siyang ngumiti. “Don't worry, isesend ko ito sa boss ko at ipapaalam ang malaking good news na gusto niyang marinig.”
“Hmm?” nangunot ang noo ko.
“Anyway,” naglabas siya ng business card at inabot sa akin. “I'm Shanlee. Babalik ako sa susunod na mga araw kasama ang boss ko.”
Tinanggap ko ang card. “Sige po, Sir! Welcome po kayo anytime! Ipapaalam ko rin po kay Ate Jett na may naghanap sa kanya.”
“Okay, thanks. I'm off now.” nagmamadali siyang lumabas ng shop.
Napatitig ako sa card. Wow. Mukhang bigatin ang isang iyon, ah? More income sa amin! Sana magpatahi siya ng marami! Pero sino naman kaya ang boss niya at bakit nila hinahanap si Ate Jett? Hmmm….?