Chapter 10

1075 Words
JETT “Sino ka?” bungad na tanong sa akin ni lola Flor nang itulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa dining room. “Ako po ang minamahal niyong apo, lola.” may kirot man sa dibdib ay nakangiti kong tugon sa kanya. Pinuwesto ko ang kanyang wheel chair sa pinakasentrong upuan sa hapagkainan. “Ganoon ba?” wala sa sarili niyang tanong. “Eh bakit tayo nandito?” “Dahil po kakain tayo ng hapunan. Ngayon na lang po ulit tayo sabay na kakain dahil masyado na akong abala sa trabaho, lola.” Pagkatapos siyang asikasuhin ay pinuwesto ko naman si Jelly ng upo sa kanyang tabing harapan, bago ako umupo sa tabi nito. “Eh ikaw? Sino ka naman bulinggit?” takang tanong ni lola sa aking anak. “Jelly po, lola! Apo mo po ako sa tuhod!” magiliw naman nitong tugon. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Nakanguso itong tumingala sa akin. “Mama, palagi na lang akong tinatanong ni lola kung sino ako.” “Pagpasensyahan mo na dahil may sakit si lola. Pero deep inside, lahat tayo kilala niya, okay?” “Okay, Mama.” “Hmmm… Jelly?” napakunot ang kulubot na noo ni Lola, tila'y may inaalala. “Jelly, parang pagkain? Oo, paburito ko ang jelly noong bata ako. Hahaha!” “Masarap po ang Jelly, lola! Sweet din parang ako!” makulit na tugon naman ng aking anak. Malungkot akong napangiti nang makitang mukhang masaya si lola sa naalala niya. Dahil mayroon siyang alzheimer’s disease, ay alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niyang ito. Paminsan-minsa’y hindi ko mapigilan ang aking sarili na magluksa, pero unti-unti, tinatanggap ko na ang pangyayaring ito. Ang importante, hanggang sa dulo ay mananatili ako sa kanyang tabi. Hindi ko siya pababayaan, at aalagaan ko siya katulad ng ginawa niyang pag-aalaga sa akin noon. “‘Sensya na, na-late ng dating!” kapagkuwan ay pumasok si Hugo sa dining room. Nakasuot na rin siya ng pambahay at maaliwalas na damit. “Hindi pa naman kami nagsisimulang kumain. Maupo ka na.” ani ko. Naupo siya sa kaliwang bahagi ng upuan ni lola at katapat si Jelly. “Lola, kumain na tayo.” anyaya niya pa kay lola habang sinasandukan ito ng putahe sa sarili nitong plato. Sinimulan ko na rin ang pagsasandok ng pagkain sa patungo sa plato ni Jelly. “Gary, ikaw ba iyan? Bakit ngayon ka lang umuwi? Ang tagal kong naghintay ah!” anang ni lola kay Hugo. “Lola, si Hugo ho ito, hindi si lolo.” napapakamot sa batok na tugon ni Hugo. Bahagya akong napatawa ng mahina. Totoo nga siguro na kamukha ni Hugo ang yumaong asawa ni Lola Flor na si Lolo Gary. Kaya siguro inampon ni lola si Hugo noong bata pa ito. Payapa naming tinuloy ang pagkain ng hapunan. Matapos niyon ay bumalik na kami ni Jelly sa sarili naming bahay sa loob ng village na pinag-aarian mismo ni lola Flor. Katapat lamang ng kanilang mansyon ang hindi kalakihan naming bahay ni Jelly. Sumalubong sa amin si Naty pagkapasok sa loob. “Ate Jett! Nalinis ko na po ang buong bahay!” magiliw na aniya. Tumango ako saka ngumiti. “Mabuti. Kumain ka na ba?” “Tapos na rin po!” “Kung gano'n, sige, ikaw na ang bahala mag-lock ng gate at mga pintuan. Pagkatapos ay magpahinga ka na rin, Naty.” “Salamat, ate!” Karga-karga si Jelly ay umakyat kami ng hagdanan para tunguhin ang aming kwarto. Sabay kaming nag-shower at namahinga sa bathtub ng mahigit isang oras kagaya ng nakasanayan. Nang matapos ay binihisan ko siya sa kanyang pink na pajama, tinuyo ang buhok, saka siya pinlastar sa aming kama. Sunod ay sarili ko naman ang aking inayos bago sumunod ng pagkakahiga sa kama. “Mama,” naaantok na yumakap sa akin si Jelly. “Yes, baby?” “Kanina sa park, madaming bata.” Napatawa ako saka nahuhumaling na hinalikan ang noo niya. “Mhm, nakita nga ni mama. Maraming bata ang naglalaro.” “Yup! Meron do’n, Ma, lima sila magkakapatid na naglalaro.” “Ooh? Lima? Marami ‘yun ah!” Ngumuso siya. “Bakit ako, Mama, walang kapatid?” Sandali akong natigilan. Bigla ay natunugan ko kung saan patungo ang usapan. Napalunok ako at matamis na ngumiti. “Gusto mo ba ng kapatid, Jelly?” Nagliliwanag ang mukha niya na tumango-tango. “Opo, Mama! Gusto ko rin lima kami para marami akong kalaro!” “Haha….” hindi ko alam ang sasabihin. “Pero, Mama… wala akong Papa eh! Sabi ni Yaya Naty, kailangan daw ng mama't papa para makabuo ng bata! Can Uncle Hugo be my papa na lang, Mama?” Mas lalo akong natigilan at sunod-sunod na napalunok. “U-Um, hehe, hindi natin alam kung papayag ba si Uncle Hugo eh. Ganito na lang, promise ko, kapag mas lumaki ka pa kaysa ngayon, kung tataba ka at hindi na magkakasakit, bibigyan ka ni mama ng mga kapatid. Okay ba ‘yon? Kasi syempre, bukod sa kalaro, dapat magagawa mong protektahan ang mga magiging kapatid mo dahil ikaw na ang magiging ate! Kaya kailangan malakas ka.” Nakita ko ang labis na pananabik sa mukha niya. Naupo siya sa kama at puno ng desidido akong tiningnan. “Talaga, Mama? Promise?! Kapag lumakas si Jelly, magkakaroon na ako ng kapatid?” “Promise!” inilahad ko ang pinky finger ko para makipag-pinky promise sa kanya. “Yeheeey!” tuwang-tuwa siyang nagsisisigaw, puno ng kainosentehan at pagiging bata. “Pero dapat, Jelly, magawa mo muna ang lahat ng sinabi ni mama, okay? Dapat ka tumangkad, tumaba, hindi na maging sakitin, para ka maging malakas!” “Yes, Mama!” Ginulo ko ang buhok niya at hinatak siya pabalik sa aking bisig. Pinanggigilan ko siya at makailang ulit na hinalikan. “I love you, mahal.” “I love you too, Mama!” May ngiti kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko balak na putulin ang pangako kong ito kay Jelly. Kung talagang tatangkad siya nang naaayon sa kanyang edad, kung tataba siya at hindi na maging underweight, at kung hindi na siya labas-pasok sa hospital, ay ikagagala ko na bigyan siya ng kapatid sa kahit anong paraan na kaya ko. Makita ko lang siya na masaya at malakas, lahat gagawin ko. Pero sa ngayon, mukhang kailangan ko munang humanap ng bata na puwedeng maging kalaro niya dahil mukhang iyon ang mismomg hinahanap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD