Chapter 14

883 Words
JETT “Malayo ang tingin~ Wala namang tinatanaw~” Unati-unti akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang pagpaparinig na kanta nila Vicky at Nisha habang sila'y nagpaplantsa ng mga damit. Napapailing naman akong napaikot ng mga mata. “Ewan ko sa inyo.” naiusal ko. Natanto kong may ginagawa nga pala ako sa aking kinauupuan at tinuloy na lamang ang pagdrawing ng mga maliliit na dresses para kay Jelly. “Eh kasi naman sissy, parang ang dami-dami mong nakikita na hindi namin nakikita. Sino ba, este ano bang iniisip mo diyan?” Usyosong tanong sa akin ni Vicky. “Wala!” tanggi ko agad. “Echos mo, sissy! Panigurado namang si Poging Hugo lang iyang laman ng isipan mo!” “Ayiiieee~ Nagdadalaga na si Boss!” panunukso pa ni Nisha. Nasapo ko ang aking noo, pinipigilan na mapatawa sa pang-aasar nila. “Nababaliw na kayo. Puwede bang mag-focus na lang kayo sa ginagawa niyo at huwag niyo na akong abalahin pa?” “Hmp! Ayaw man lang mag-share ni Boss.” “Sa true~” “Tsk! Gusto niyo lang ng chismis eh. Bahala kayo diyan.” pagtatapos ko sa usapan. Sa totoo lang, ang bumabagabag sa isipan ko ay ang paraan ng pagtawag ni Jelly kay Hugo. Hindi parin ako komportable sa tuwing naririnig ko si Jelly na may tinatawag na papa. Subalit ayaw ko naman siyang pagsabihan o patigilin sa ginagawa dahil ayaw ko siyang masaktan o magalit sa akin. Masyado pa siyang inosente, at mukhang nagsasaya lang siya ngayon. Sadya lang, sumisikip ang dibdib ko sa tuwing inuusisa ko kung ano ba talagang nararamdaman ni Jelly na walang tumatayong ama sa kanya. Isang beses niya lamang ako noon tinanong kung mayroon daw ba siyang papa. Nang sabihin kong wala, hindi na siya nagtanong pang muli. Ni hindi nga niya tinanong kung nasaan na ang taong iyon, o kung bakit hindi namin ito kapiling, o hindi naman kaya'y bakit wala siyang papa. Hindi na nagtanong si Jelly tungkol sa papa niya simula niyon. Tapos nitong mga nagdaang araw, si Hugo na ang tila’y kinikilala niyang papa. Hindi ko sigurado, pero mukhang mas sumaya si Jelly. Palagi na lang itong nakatawa at hindi nagmamaktol sa akin tuwing sinasabi kong busy ako at hindi maaaring makipaglaro sa kanya ‘di tulad noon. Sa alalahaning iyon ay mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko. Ang sabi ni Hugo, huwag ko masyado itong isipin. Pero hindi ko parin maiwasan. Bakit nga ba okay lang sa kanya na papa ang itawag ni Jelly sa kanya? Hindi ba siya nag-aalala na baka isipin ng ibang tao na pamilyado na siyang lalaki? After all, binatilyo pa siya eh. Baka ma-turn off nito ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. “Ate Jett! Ate Jett! Ate Jett!” parang sirang plakang pumasok si Yuna sa silid na aming kinaroroonan. Ang pananabik ay nakarehistro sa kanyang mukha nang magtama ang aming paningin. “Ate Jett! Nandito na sila!” “???” nangunot ang noo ko. “Sinong sila?” “Sino raw ‘teh?” usyoso pa ni Vicky. Tumuro si Yuna sa labas. “Iyong sinasabi ko po sa inyo nakaraan! Si Shanlee kasama ang boss niya! Ate Jett, hinahanap ka po nila!” “Oh?” bahagyang umawang ang labi ko at dahan-dahang tumayo. Isinantabi ko ang hawak na pencil at sketch book. “Halika Vicky, Nisha! Ang ga-gwapo nila!” Anyaya pa ni Yuna sa dalawa. “Weeeh? ‘Di nga?” “Patingin ako!” Nagtataka naman akong naglakad ng normal, hindi gaya nila na nagtutulakan pa sa pagmamadali para lamang makasilip sa lobby. Sino naman kaya ang mga iyon? Bakit nila ako hinahanap at anong kailangan nila? Kilala ba nila ako? Shanlee? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? At sino naman ang kanyang boss? Sa kung anong dahilan ay hindi naging normal ang pintig ng puso ko. Dahil diyon ay binilisan ko na lang ang paglalakad upang makarating na sa kanila. “Ay ang wafu nga! Titikman!” nalolokang sambit ni Vicky. “Bakla! Ngayon lang ako nag-agree sa'yo pagdating sa natitipunan mong mga lalaki!” tugon ni Nisha. Habang si Yuna naman ay naroon na kausap ang dalawang nakatalikod na lalaki. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita kong tinuro ako ni Yuna, dahilan upang unti-unting mapaharap sa akin ang dalawang lalaki na nakasuot pa ng business suit. “Ayan na po si Ate Jett, Sir Rossi…” Natigilan ako sa paghakbang. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita. Walang kasing bilis ang naging pagtibok ng aking puso at halos manigas ako sa kinatatayuan. Subalit kontraryo sa aking reaksyon, ang lalaking iyon ay napangiti ng wagas nang mapako ang mga mata namin sa isa't-isa. Ang pamilyar na kayabangan sa kanyang mukha ay muli ko na namang nakikita matapos ang limang taon! Hindi nagbabago ang tensyonadong ere sa tuwing siya ang kaharap ko. Kitang-kita ko sa mga mata niyang iyon ang mapaglarong titig na animo isa lamang akong laruan na madaling sirain para sa kanya. “Hi, Jett.” gumuhit ang nakalolokong ngisi sa kanyang mga labi. “Na-miss mo ba ako?” Sunod-sunod akong napaatras bago pa iyon mamalayan. “C-Callisto…” nanlamig ang mga kamay ko. “A-Anong ginagawa mo rito?” Ang lalaking nangha-harrass sa akin noon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD