“Raven…” seryosong sabi ni Kai habang nakatingin sa kanyang phone. “Kilala ng daddy mo ang mga Salazar.”
Napatingin sa kanya si Raven.
“Ano?” malamig niyang tanong.
''ayon sa files na sinend ni Chad,” dagdag ni Kai habang ini-scroll ang impormasyon. “At mukhang… konektado siya sa daddy mo.”
Unti-unting tumigas ang ekspresyon ni Raven.
“May ibang negosyo silang magkasosyo,” patuloy ni Kai. “Lalo na sa… human trafficking.”
Tahimik ang loob ng sasakyan.
“Damn…” mariing sabi ni Raven habang napakuyom ang kamao. “Lahat na lang talaga pinapasok ni Dad.”
May halong galit at pagkadismaya ang kanyang boses.
“Hindi na ‘to simpleng negosyo,” dagdag niya. “Buhay na ng tao ang sinisira niya.”
Napabuntong-hininga si Kai.
“So… what’s the plan?” tanong nito.
Saglit na natahimik si Raven habang iniisip ang susunod niyang hakbang.
Kung gagalaw siya laban kay Salazar…
Hindi lang siya laban sa isang kriminal.
Kundi laban na rin sa sariling ama.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang tingin.
“We proceed,” malamig niyang sabi.
Napatingin si Kai sa kanya.
“Are you sure?”
“Mas lalo kong kailangan gawin ‘to,” sagot ni Raven. “Kung konektado siya kay Dad… mas lalo siyang dapat matigil.”
Habang nasa rooftop ang dalawang magkaibigan, tahimik ngunit masinsinan ang kanilang pag-uusap. Tanaw ang buong lungsod—mga ilaw na kumikislap sa dilim, tila payapang mundo na kabaligtaran ng gulong kinakaharap nila.
Biglang tumunog ang phone ni Kai.
Agad niya itong sinagot at inilagay sa loudspeaker.
“Hello?”
“Be careful,” agad na sabi ni Chad mula sa kabilang linya, seryoso ang boses. “The person who wants to catch us… nandiyan din sa hotel kung nasaan kayo ngayon.”
Biglang napatingin si Kai kay Raven.
“What do you mean?” tanong niya, naguguluhan.
“Wag kayong gagalaw o gagawa ng kahit anong kakaibang eksena,” dagdag ni Chad. “Andiyan ang anak ni General Cordero.”
Nanlaki ang mga mata ni Kai.
Dahan-dahan naman na napatingin si Raven sa paligid ng rooftop.
Tahimik.
Ngunit biglang parang naging mas mabigat ang hangin.
“Jace… Cordero” mahinang Sabi ni Chad .
“Yes tama kayo ng dinig,” sabi pa ni Chad. “And he’s not alone.”
Saglit na natahimik ang linya.
“Kung ako sa inyo,” dagdag pa ni Chad, “act normal. Huwag kayong magpahalata.”
Tahimik na ibinaba ni Kai ang tawag.
“Do you know him, Kai?” tanong ni Raven habang kalmado ang boses ngunit matalim ang tingin.
Umiling si Kai.
“No… I don’t,” sagot niya. “Ngayon ko lang narinig ang pangalan nya''
Tahimik na tumingin si Raven sa ibaba ng rooftop, pinagmamasdan ang mga nagkikislapang mga ilaw.
“Sabihin mo kay Chad,” malamig niyang utos, “ipadala sa atin ang profile ng Jace Cordero na ‘yon. ASAP.”
Napatingin si Kai sa kanya.
“I want to know who he is,” dagdag ni Raven, mas lalong tumitigas ang tono.
Tumango si Kai at agad kinuha ang kanyang phone.
“On it,” sabi niya habang nagta-type ng mensahe.
Samantala, nanatiling tahimik si Raven habang nakatingin sa malayo.
Isang pangalan pa lang—
Ngunit sapat na iyon para maramdaman niyang may paparating na panganib.
At sa pagkakataong iyon—
Hindi na lang siya ang nangangaso.
May nangangaso na rin sa kanya.
Nagpaalam saglit si Kai kay Raven upang kumuha ng kanilang makakain at maiinom, iniwan siyang mag-isa sa rooftop.
Tahimik ang paligid.
Tanging hangin at ilaw ng lungsod ang kasama niya.
Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang tumunog ang kanyang phone.
Agad niya itong kinuha.
Isang notification mula kay Chad.
May kalakip na file.
Dahan-dahan niyang binuksan iyon—at agad bumungad sa kanya ang isang larawan.
Si Jace Cordero.
Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha habang tinititigan ang profile nito—mga detalye, background, training, at reputasyon.
Isang mataas na ranggong sundalo.
Anak ng general.
Isang taong sanay humuli… at hindi magpatalo.
“...Oh,” mahina niyang sabi habang nakatitig sa larawan. “So it’s you, huh?”
Bahagya siyang napangiti—isang ngiting hindi mababasa kung ano ang ibig sabihin.
Ngunit sa likod nito—
May nabubuong plano.
Hindi siya papayag na mahuli.
Hindi siya papayag na matalo.
Kung kinakailangan…
Siya ang mauunang gumalaw.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang phone at tumingin sa malawak na lungsod.
At sa gabing iyon—
Hindi lang basta laro ng taguan ang mangyayari.
Kundi isang laban ng talino at diskarte…
Sa pagitan niya…
At ni Jace Cordero.
Hindi nagtagal ay bumalik si Kai, may dalang pagkain at inumin. Agad niyang napansin ang seryosong mukha ni Raven—mas lalong tumahimik ito kumpara kanina.
“What happened?” tanong niya habang inilalapag ang dala. “Parang ang lalim na naman ng iniisip mo.”
Hindi agad sumagot si Raven. Nakatingin lang siya sa hawak niyang phone, kung saan naka-open pa rin ang profile ni Jace.
“I know that man,” malamig niyang sabi.
Napakunot ang noo ni Kai.
“You know who?” naguguluhan niyang tanong.
Dahan-dahang itinaas ni Raven ang tingin sa kanya.
“That man who’s hunting me.”
Nanlaki ang mga mata ni Kai.
“W—what?” gulat niyang sagot. “Paano? At saan?”
Sandaling natahimik si Raven bago siya nagsalita.
“siya yung naka one night stand ko nung naglasing ako,Siya rin ang nakabangga ko kanina sa lobby,” sabi niya, kalmado ngunit may bigat ang boses. “Si Jace Cordero.”
Hindi makapaniwala si Kai.
“Wait… are you serious?” tanong niya. “Ibig mong sabihin, nagkaharap na kayo at hindi lang nakaharap nakasex mo pa my god....?”
Tumango si Raven.
“Hindi niya ako nakilala,” dagdag niya. “Pero… parang may kutob siya.”
Napahawak sa ulo si Kai.
“This is bad,” sabi niya. “Sobrang lapit na niya sa’yo.”
Tahimik si Raven habang pinapatay ang screen ng kanyang phone.
“Then I’ll make sure… he stays one step behind,” malamig niyang sagot.
Napatingin si Kai sa kanya.
“Raven…” sabi niya, may halong pag-aalala.
Ngunit hindi na siya pinansin ng dalaga.
“Ako mismo ang lalapit sa kanya, Kai. May plano ako,” kalmadong sabi ni Raven habang nakatingin sa malayo.
Napatingin si Kai sa kanya, halatang nag-aalala.
“Raven…” mahinang sabi niya.
“Hinding-hindi niya ako matatanggihan,” dagdag ni Raven, at sa labi niya ay sumilay ang isang ngiting puno ng kumpiyansa—at panganib.
Napailing si Kai.
“Raven, nakakatakot na naman ‘yan,” sabi niya. “Kilala kita… at alam kong hindi maganda ang nasa isip mo.”
Tahimik sandali si Raven bago siya humarap kay Kai.
“Kailangan kong mauna sa kanya,” sabi niya. “Kung hindi… ako ang mauuna niyang mahuli.”
“Hindi mo kailangang gawin ‘yan mag-isa,” sagot ni Kai. “Pwede nating pagplanuhan ‘to nang mas maayos.”
“Hindi,” putol ni Raven.
Napatingin si Kai sa kanya.
“This is different,” dagdag niya. “Hindi siya katulad ng iba.”
“Exactly,” sagot ni Kai. “Kaya mas delikado.”
Ngunit sa mga mata ni Raven—
Buong-buo na ang desisyon.
“At dahil delikado siya…” mahina ngunit matigas niyang sabi, “mas kailangan ko siyang lapitan.”
Napabuntong-hininga si Kai.
Natapos ang pag-uusap ng magkaibigan.
Hindi man sang-ayon si Kai sa plano ni Raven, alam niyang wala rin siyang magagawa. Kilala niya ang dalaga—kapag may napagdesisyunan na ito, wala nang makakapigil.
Hindi lamang dahil isa siyang mafia boss.
Kundi dahil sa matibay nitong paninindigan.
Si Raven ay may isang salita—at iyon ay hindi kailanman nababali.
Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay…
Gagawin niya ito, kahit gaano pa ito kahirap o kapanganib.
Tahimik na napabuntong-hininga si Kai habang nakatingin sa kanya.
Habang naglalakad sila papunta sa parking area, muli nilang nasilayan ang grupo ni Jace. Nakatayo ang mga ito malapit sa kanyang sasakyan, abala sa pag-uusap.
Ngunit ang atensyon ni Raven—
Nakatutok lamang sa isang tao.
Kay Jace Cordero.
Tila huminto ang kanyang paglalakad habang titig na titig dito, para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ng lalaki.
Napansin iyon ni Kai at agad siyang kinabahan.
“Raven… ano ba?” mahinang sabi niya habang bahagyang hinahatak ang braso nito. “Huwag mong sabihin… ngayon mo na itutuloy ang plano mo.”
Hindi agad sumagot si Raven.
Sa halip, dahan-dahan siyang ngumiti.
Isang ngiting alam na alam ni Kai—
“Relax,” sagot ni Raven, kalmado ang boses.
Ngunit hindi kumbinsido si Kai.
“Raven…” babala niya.
Ngunit huli na.
Dahan-dahang kumawala si Raven sa pagkakahawak ni Kai.
At walang pag-aalinlangang nagsimulang maglakad—
Papunta kay Jace.
Nanlaki ang mga mata ni Kai.
“Raven!” mahinang sigaw niya.
Palapit si Raven sa grupo hanggang tuluyan na siyang huminto sa harap nila.
Agad siyang napansin ni Roe.
“Miss, may kailangan ka?” tanong nito habang nakahalukipkip.
Nanatiling kalmado si Raven, nakatayo nang tuwid, at titig na titig sa kanila—lalo na kay Jace.
“Wala akong kailangan,” malamig niyang sagot. “Pero kayo… kailangan n’yo nang umalis.”
Bahagyang nagtaas ng kilay si Troy.
“Ha?” sabi nito.
“Dahil,” dagdag ni Raven habang bahagyang tumango sa likuran nila, “sasakyan ko lang naman ‘yang hinaharangan n’yo.”
Napatingin ang buong grupo sa tinuturo niya.
Isang Lamborghini ang nakaparada sa likod nila—makintab, elegante, at halatang hindi basta-basta ang may-ari.
Napatingin ulit sila kay Raven.
“Well…” sabi ni Art habang bahagyang napapangiti, “that explains.”
“Sorry, miss,” dagdag ni troy habang bahagyang umatras.
Ngunit si Jace—
Hindi agad gumalaw.
Nakatitig lang siya kay Raven..
Napansin iyon ni Raven.
Bahagya siyang ngumiti—isang ngiting kontrolado.
“Problem?” tanong niya habang diretso ang tingin kay Jace.
Sandaling natahimik si Jace bago siya umiling.
“No,” sagot niya.
Ngunit kahit sinabi niya iyon—
Hindi pa rin niya maalis ang tingin sa kanya.
Bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan, biglang huminto si Raven.
Tahimik na napatingin si Kai sa kanya, tila alam na may gagawin na naman ito.
At tama nga siya.
Dahan-dahang lumapit si Raven kay Jace.
Walang sinuman ang agad nakapansin sa kanyang galaw—hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa harap nito.
Bahagya siyang lumapit, sapat para tuluyang mapalapit ang kanyang labi sa tenga ni Jace.
“Do you remember me… handsome?” mahina ngunit malinaw niyang bulong.
Napatigil si Jace.
Para bang may kumalabit sa kanyang alaala.
Ngunit hindi pa rin ito buo.
“Just try to remember,” dagdag pa ni Raven bago siya tuluyang umatras.
Hindi na niya hinintay ang reaksyon ni Jace.
Agad siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan, kung saan naghihintay si Kai.
Nanatiling nakatayo si Jace, tila napako sa kanyang kinatatayuan.
May kung anong bumabalik sa isip niya—
Isang boses.
Isang pakiramdam.
Isang gabing hindi niya maalala nang buo.
Samantala, mabilis na sumakay si Raven sa kanyang Lamborghini, agad namang sumunod si Kai sa kabilang side.
“Raven…” mahinang sabi ni Kai habang pinapaandar ang sasakyan.
Ngunit hindi na sumagot si Raven.
Sa halip—
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.