CHAPTER 9

1733 Words
Pagkatapos ng mabigat na usapan ay hindi na nagtagal si Raven sa loob ng mansion. Ramdam niya ang sikip sa dibdib at gulo ng kanyang isipan. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan si Kai. Ilang segundo lang ay sinagot din ito. “Hello?” sagot ni Kai. “Meet me,” diretsong sabi ni Raven, malamig ngunit halatang pagod ang boses. “Dalhin mo ako sa lugar na pwede akong makapag-isip nang maayos.” Saglit na natahimik si Kai sa kabilang linya. “Got it,” maikling sagot nito. “I’ll pick you up.” Hindi na nagdagdag pa ng salita si Raven at agad niyang ibinaba ang tawag. Tahimik siyang tumingin sa paligid ng kanyang silid. Sa loob ng napakalaking mansion na iyon— Pakiramdam niya ay mas lalo siyang nasasakal. At sa pagkakataong iyon, ang tanging gusto niya— Ay katahimikan at makatakas saglit Pagkasundo sa kanya ni Kai ay agad siyang isinakay nito sa sasakyan. Tahimik ang biyahe, tanging ang mahinang tunog ng makina at hangin ang maririnig habang parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar. Isang hotel. Agad na napakunot ang noo ni Raven nang makilala niya ito. Ito ang parehong hotel kung saan siya nag-check in noong gabing naglasing siya… ang gabing nagbago ng maraming bagay sa kanya..ang gabing may nakasiping syang Isang estranghero. “What are we doing here, Kai?” agad niyang tanong, halatang hindi nagugustuhan ang ideya. “Sabi ko dalhin mo ako sa lugar na makakapag-isip ako ng maayos… hindi sa lugar na mas lalo lang gugulo ang utak ko.” Napatingin si Kai sa kanya bago bahagyang napangiti. “Hey,” sabi niya habang pinapatay ang makina. “What do you mean gugulo ang utak? Andito tayo para mag-relax.” Bahagya siyang tumuro sa gusali. “Ang daming amenities dito—may sauna, spa… at yung rooftop nila,” paliwanag niya. “I’m sure marerelax ka doon.” Napailing si Raven habang nakatingin sa hotel. “Of all places…” mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib niya habang nakatingin sa lugar na iyon. may alaala na pilit bumabalik… ngunit hindi niya mahawakan nang buo. “Trust me,” dagdag ni Kai habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Kailangan mo lang magpahinga.” Tahimik na napabuntong-hininga si Raven bago siya bumaba ng sasakyan. Marahil tama si Kai. Kailangan niya ng pahinga. Ngunit hindi niya alam— Na ang lugar na pinili nila… Ay ang parehong lugar kung saan nagsimula ang isang lihim na unti-unting hahabol sa kanya. Habang nagche-check in sina Raven at Kai sa lobby ng hotel, napansin nilang may kasabay silang isang grupo ng mga lalaki. Kapansin-pansin ang mga ito—bawat isa ay may sariling karisma at kakisigan. Halatang alaga ang katawan, tila sanay sa training at disiplina. Mga sundalo. Ngunit hindi iyon gaanong pinansin ni Raven. Nakayuko siya habang naglalakad, abala sa pagbabasa ng message sa kanyang phone—isang paalala mula kay klyde para sa nalalapit na misyon. Hindi niya napansin ang direksyon ng kanyang tinatahak. Hanggang sa— Bam! Bahagya siyang nabangga sa isang matigas na katawan. “Hey, miss—watch out!” Bago pa siya tuluyang matumba, agad siyang nasalo ng lalaking kanyang nabangga. Napatingala si Raven. At sa unang pagkakataon— Nagtagpo ang kanilang mga mata. Si Jace. Saglit na tila huminto ang mundo sa pagitan nila. Mahigpit ang hawak ni Jace sa braso ni Raven, sapat para hindi ito matumba. “Are you okay?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. Hindi agad nakasagot si Raven. May kakaibang pakiramdam na dumaan sa kanya.natatandaan nya ang lalaki ito yung estrangherong yon Hindi sya pwedeng magkamali.. Samantala, si Jace ay tila natulala rin. May kung anong pamilyar sa dalaga sa kanyang harapan—ngunit hindi niya matukoy kung saan. Isang pakiramdam… Na para bang matagal na niya itong kilala. Ngunit hindi niya maalala kung kailan. Unti-unting binitawan ni Jace ang braso ni Raven. “Sorry,” sabay nilang nasabi. “Ah… miss, don’t get me wrong,” sabi ni Jace habang nakatitig kay Raven. “I feel like I remember you.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Raven. Nakaramdam siya ng kaba, ngunit agad niya itong itinago sa likod ng kalmadong mukha. “Huh? Where?” sagot niya, pilit pinapantay ang boses. “Ngayon lang kita nakita, Mr.” Hindi pa rin inaalis ni Jace ang tingin sa kanya, tila pilit hinahalungkat ang alaala sa kanyang isip. “Parang… nakita na kita sa bar,” sabi nito, medyo nag-aalangan. Saglit na tumibok nang mabilis ang puso ni Raven. Ngunit hindi siya nagpahalata. “Ah… oo,” sagot niya, bahagyang ngumiti. “Pumupunta naman ako minsan sa bar.” Sandali siyang tumigil bago bahagyang umatras. “Ahm, please excuse me,” dagdag niya. “May pupuntahan kasi ako. Naghihintay na sa’kin yung kaibigan ko.” Bahagya siyang yumuko. “Thank you… and I’m sorry.” Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jace at agad siyang tumalikod. Habang naglalakad palayo, pilit niyang kinokontrol ang sarili. Ngunit sa loob niya— Hindi mapigilan ang kaba. Samantala, nanatiling nakatayo si Jace, nakatingin sa papalayong dalaga. May kung anong bumabagabag sa kanya. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. At sa pagkakataong iyon— Mas lalo niyang gustong malaman kung sino ang babaeng iyon. “Hey, bro… sino ‘yon?” bulong ni Miko habang sinusundan ng tingin si Raven na papalayo. “Ang ganda, ah. Parang dyosa. Perfect na nga ang mukha, pati ba naman katawan…” Napailing si Jace habang binabawi ang tingin niya. “Actually… I don’t know her,” sagot niya, ngunit halatang may iniisip pa rin. “Sayang,” dagdag ni Miko. “Kung kilala mo ‘yon, baka kami na ang magpakilala.” “Ulol,” sabat ni Art habang natatawa. Samantala, napabuntong-hininga si Troy. “Ba’t ba dito mo pa kami dinala?” reklamo niya. “Hindi na lang tayo nag-outing.” “Eh paano,” singit ni Roe habang nakangisi, “hinahanap niya ‘yung babaeng naka—s*x nya” “Shut up,” agad na putol ni Jace, masama ang tingin. Nagtawanan ang grupo. “O, pare,” sabi ni Miko, “wala pa bang lead?” Umiling si Jace. “Wala pa,” sagot niya. “Hanggang ngayon… wala talaga.” “Ang weird nga, eh,” dagdag ni Art habang nakakunot ang noo. “Walang CCTV footage sa hallway noong gabing ‘yon.” Napatingin sa kanya si Jace. “Exactly,” sabi niya. “Parang… may nagbura.” Nagkatinginan ang grupo. “Hindi na ‘to normal,” dagdag ni troy na ngayon ay seryoso na rin. “May kung anong tinatago.” Tahimik sandali si Jace bago siya muling napatingin sa direksyong tinahak ni Raven. “Kung sino man siya…” mahina niyang sabi, “hindi siya basta-basta.” At sa pagkakataong iyon— Hindi pa niya alam… Na ang babaeng hinahanap niya— Ay ang babaeng kakalakad lang palayo sa kanya. “Mukhang mayaman, Jace, yung babaeng nakasiping mo,” sabi ni Roe habang nakahalukipkip at nakatingin sa direksyong pinuntahan ni Raven. “Kasi bakit walang kahit anong pagkakakilanlan?” Napakunot ang noo ni Jace. “Hindi lang basta mayaman,” dagdag ni Art. “May access siya sa CCTV system. Ibig sabihin… may koneksyon.” “Or may sariling tao na kayang magbura ng records,” singit ni art. Napatingin si Troy kay Jace. “Delikado ‘yan, bro,” sabi niya. “Hindi ka lang basta nakasama ng kung sino.” Tahimik si Jace habang pinoproseso ang lahat. “Hindi rin siya mukhang ordinaryo,” dagdag ni Miko. “May dating. Parang… sanay sa ganitong klaseng lugar.” Napabuntong-hininga si Jace. “Exactly,” sabi niya. “And that’s what bothers me.” Nagkatinginan ang grupo. “Bakit?” tanong ni Roe. Dahan-dahang tumingin si Jace sa kanila. “Because whoever she is…” sabi niya, mabigat ang tono, “she knows how to disappear.” Tahimik ang lahat. At sa sandaling iyon— Mas lalo pang naging misteryo ang babaeng hinahanap ni Jace. “Pero bro,” sabi ni Troy habang nakatingin kay Jace, “bakit mo pa siya hinahanap?” Napatingin sa kanya si Jace. “Hindi ba dapat matuwa ka na walang naghahabol sa’yo?” dagdag pa ni Troy. “I mean, tapos na ‘yon. Wala nang problema.” Napangisi si Miko. “Yeah, bro. One night lang ‘yon. Move on ka na.” Tahimik si Jace. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, napatingin siya sa malayo. “Sa totoo lang…” mahina niyang sabi. Napatingin sa kanya ang lahat. “Hindi ko alam kung bakit…” dagdag niya habang bahagyang napapailing, “pero gusto ko siyang makita ulit.” Nawala ang ngisi sa mukha ng kanyang mga kasama. “Serious ka?” tanong ni Roe. Hindi sumagot si Jace. Ngunit sapat na ang kanyang tingin para malaman nila ang sagot. “Bro…” sabi ni Art habang napapailing, “delikado na ‘yan.” “Hindi lang delikado,” dagdag ni troy. “Mukhang nahuhulog ka na.” Agad na napailing si Jace. “No,” mabilis niyang sagot. “Hindi ganun.” “Trantado,” natatawang sabi ni Roe habang tinatapik si Jace sa balikat. “Paano siya mahuhulog? Hindi nga niya nakita at maalala ang mukha eh.” Nagtawanan ang grupo. “May point,” dagdag ni Miko habang nakangisi. “Blind love agad, bro?” Napailing si Jace, halatang naiirita. “Tumigil nga kayo,” sabi niya. “Or…” pahabol ni Roe habang nakatingin sa kanya, “baka naguguilty ka lang. Kasi ikaw ang nakauna sa kanya?” Biglang natahimik ang grupo. Napatingin silang lahat kay Jace. Hindi agad ito sumagot. Sa halip, napabuntong-hininga siya at bahagyang napayuko. “Maybe,” mahinang sabi niya. Napakunot ang noo ni Troy. “Bro…” sabi nito, “huwag mong akuin lahat. Hindi mo naman ginusto ‘yon.”dagdag pa ni troy''hindi nga ba?ginalaw nga nya nasa espirito sya nang kalibugan noon''sabi ni Miko. “Hindi pa rin tama,” sagot ni Jace, seryoso ang tono. “Kahit anong dahilan… hindi pa rin tama.” Tahimik ang lahat. “Kung may nangyari nga talaga…” dagdag niya, “responsibilidad ko ‘yon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD