Chapter 24 Umakyat ako pabalik sa bleachers at napansin kong hindi sumunod si Callie kaya napatigil ako. “O Callie, bakit?” tanong ko sa kanya. “Ako na ang maglalaro,” malamig niyang sagot. “Ay oo nga pala. Sige. Good luck.” Tumango lang siya at pumunta na sa grounds. Umakyat na ako at umupo. Pagkakita sa grounds, wala na ang stage at ang daming shooting board para pang archery na nasa loob ng isang gubat. “Good morning ladies and gentlemen. Welcome in today’s Fire Challenge,” sabi ni Prince Fuego. Nagpalakpakan ang lahat habang nagtilian naman ang ibang mga babae. “Wow hah. Siya na ang hot papa” komento ni Jessy. “Oo nga eh” sagot naman ni Donna. “Ang daming babaeng humahabol sa kanya dahil sa gwapo niya tapos gentleman na rin pero ang init ata ng ulo. Ang bilis magalit eh.” “Rea

