Chapter 25 Nakatitig pa rin ako sa aking team na masayang nag-uusap pero puno naman ng lungkot ang mukha ko. “Bakit Yani? Okay ka lang?” tanong ni Femme sa akin. Nagulat naman ako sabay na ring napatingin sa kanya. “Huh? Ah uhm ano oo naman. Bakit naman hindi?” sagot ko na medyo nauutal. “Mukha kasing malungkot ka habang nakatingin sa kanila. May iniisip ka ba?” tanong niya naman. Tuluyan akong nagulat. Halata ba? I tried my best to smile. “Ano ka ba Femme baka guni-guni mo lang yun. Okay lang ako noh.” Tinitigan niya ako ng mabuti bago ngumiti. “Okay sige. Sabi mo eh,” masaya niyang sabi sabay naglakad siya paalis papunta sa field. “Sandali lang. Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. Tumigil siya at lumingon sa akin. “Hah? Hindi ba turn ko na para maglaro ng challenge?” Bahagya

