Chapter 21 Kinabukasan, Prince Eaux cleared his throat at kinuha ang mike. “Good morning to everyone and welcome to this year’s Eullenuum Nation Tradition!” Nagpalakpakan ang lahat habang ang iba ay naghiyawan at napatingin na lang ako sa sobrang laki ng oval at nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba kaya napahawak ako sa dibdib ko. Biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako para tignan kung sino. “Yani okay ka lang?” tanong ni Femme sa akin. “Ah oo. Uhm medyo kinakabahan lang,” sagot ko naman. “Hayaan mo Yani. Kaya natin ito,” ngiti niya sa akin. Napangiti naman ako pabalik. “Without further ado, let the TOURNAMENT BEGIN!!” Nagtipun-tipon ang lahat ng miyembro ng bawat cabin na sasali sa bawat challenge. Gumawa ng linya ang bawat grupo at sa amin, nasa un

