Chapter 20.2 ~~~ Nasa loob ng kanyang lab si Zoltar habang naghahalo ng mga chemicals nang may kumatok sa pinto. “Yes, come in,” sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa pagbuhos ng isang asido sa kabilang beaker. Bumukas ang pinto sabay napalingon siya para tignan. “So how can I—” Napatigil siya nang makita niya si Jethro pero nginitian niya siya pabalik. “What is it brother? Today is not your check up,” tanong niya. “Are you busy?” tanong naman ni Jethro. “Oh well uhm… why?” nagtatakang tanong ni Zoltar. “I want to know what’s left in the ice,” sagot niya. Napatigil saglit si Zoltar. “Why? Did something happen? Did you experience another chest ache?” tanong ni Zoltar sa kanya. “I think.” Naglabas na lang ng buntong hininga si Zoltar at nagsimula nang mag-ayos. Pinahiga niya

