bc

Marked by the Devil Billionaire | SPG

book_age18+
243
FOLLOW
3.3K
READ
billionaire
dark
forbidden
one-night stand
family
HE
arrogant
badboy
stepfather
heir/heiress
bxg
serious
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"The moment you stepped into my world, you were already marked. "Akarie Zahria Saville never imagined she would cross paths again with Alaric Vaughn Madrigal.Cold. Powerful. Ruthless.The devil in a tailored suit. Ang lalaking naka-one night stand niya nang minsang nagpunta sila ng mga kaibigan sa bar. Akala ni Akarie, isang gabing pagkakamali lang iyon. Pero hindi niya inaasahan na muling pagtatagpuin ng tadhana ang landas nilang dalawa ng lalaki. Lalo na nang malaman niyang si Alaric pala ang anak ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Sa isang iglap, ang lalaking naka-one night stand niya ay naging bahagi ng kanyang pamilya.Alaric Vaughn Madrigal became her stepbrother. Pero kailanman ay hindi siya tiningnan ni Alaric bilang kapatid, because he saw her as a woman he owned.A woman he desired. A woman he intended to keep. At mula nang pumasok si Akarie sa mundo ni Alaric, wala na siyang kawala. And once Alaric Vaughn Madrigal marked her, there was no escape for her anymore.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Akarie "What? Your mother got married again?" gulat na bulalas ng kaibigan kong si Rachel matapos kong ikuwento sa kanya na nagpakasal muli ang Mama ko sa isang lalaking hindi ko man lang kilala. Ang tanging alam ko lang tungkol sa lalaking pinakasalan ng Mama ay ang pangalan niya. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakita nang personal. Kaya masama ang loob ko kay Mama dahil inilihim niya sa akin ang tungkol sa lalaking iyon. Nalaman ko lang ang lahat nang sabihin niya sa akin na nagpakasal na siya at gusto na niyang magsama ang dalawa. Doon ko rin nalaman na mahigit isang taon na pala silang magkasintahan bago sila nagdesisyong magpakasal. Sa totoo lang, wala naman akong problema kung magmahal ulit si Mama. Matagal na ring wala si Papa. It's been eight years since he died in an accident. Simula nang mawala siya, sa akin na umikot ang mundo ni Mama. Kaya hindi ang pag-aasawa niyang muli ang ikinakasama ng loob ko, kundi ang katotohanang itinago niya sa akin ang lahat. Masakit isipin na nalaman ko na lang ang tungkol sa lalaking pinakasalan niya noong tapos na ang lahat. Ano ang inakala ni Mama? Na tututol ako sa kasal nila? Na magta-tantrum ako na parang bata dahil nagpasya siyang magpakasal ulit? Sa halip na sumagot, dinampot ko ang bote ng alak na nakalapag sa mesa at inisang lagok ang laman niyon. "Bilib ako kay Tita, may love life. Pero 'yong anak, zero love life," natatawang biro ni Rachel. Sinamaan ko siya ng tingin nang sulyapan ko siya. Itinaas ni Rachel ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Para naman mawala ang sama ng loob mo kay Tita, I have a bet for you," sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "What?" Napansin ko ang pag-angat ng dulo ng mga labi niya, na para bang may binabalak siyang kalokohan. Pagkatapos ay lumampas ang tingin niya sa akin at tumingin sa kung ano man ang nasa likuran ko. "Nakikita mo ba ang gwapong lalaking nakaupo sa harap ng bar counter?" Sinundan ko ang direksiyon ng tingin ni Rachel. Bahagya akong naningkit upang mas makita ko ang tinutukoy niya. "The man wearing a black long-sleeved shirt?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Nang tuluyan ko siyang makita, hindi ko maiwasang sang-ayunan ang sinabi niya. Gwapo nga ang lalaki. There was something dangerously attractive about him, sharp eyes, a defined jaw, and a calm expression that hid something unreadable beneath the surface. His presence alone drew attention without effort. Bumaba nga din ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na baso at kitang-kita ko ang ugat sa kamay niya, paakyat sa braso niya. Kitang-kita ko iyon dahil nakatupi ang manggas ng suot niyang long sleeves hanggang sa siko. Napansin ko nga din na hindi lang kami ni Rachel ang nakatingin sa lalaki, may ibang babae din na nasa bar ang nakakakuha sa atensiyon niya. At mayamaya ay nakita ko ang isang matangkad at sexy na babae na naglakad palapit sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin sa dereksiyon ng dawa. Kaya kitang-kita ko ang ginawang paghawak ng babae sa dibdib ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin patungo sa mukha ng lalaki kung nagustuhan ba niya ang ginagawa ng babae, siguro matutuwa siya dahil palay na ang lumalapit. Pero hindi ganoon ang nakita ko dahil kitang-kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatingin sa babae. At hindi ko napigilan ang mapaawang ang labi nang makita ko ang sumunod na ginawa ng lalaki dahil tinabig niya ang kamay ng babaeng humahaplos sa dibdib niya. Inalis ko ang tingin sa kanila at inilipat ko iyon kay Rachel ng tumawa siya. "He's really a devil," natatawang wika niya. Nagsalubong naman ang kilay ko. "What?" "Him," wika niya. "Do you know him?" "Not personally, but I’ve heard of him. He is Alaric Vaughn Madrigal, the CEO of Madrigal Enterprises.” Madrigal? It sounds familiar to me. Mayamaya ay nawala iyon sa isip ko nang magsalita si Rachel. “Alaric was ruthless in the business world, a devil in a tailored suit," dagdag pa na wika niya sa akin. "At nakita mo iyong babaeng tinabig niya kanina? Pangatlo na iyon na hindi niya pinansin ngayong gabi. Mukhang wala sa mood." Kinunutan ko si Rachel ng noo nang makita ko ang naglalarong ngiti sa labi niya habang nakatingin siya sa akin. "Subukan natin ang charms mo, Akarie kung uubra sa isang Alaric Vaughn Madrigal," wika niya. “Try to get Alaric’s attention. Kapag nagawa mo ‘yon, bilib na ako sa ’yo." "Pass," wika ko, pagkatapos niyon ay kinuha kong muli ang bote at inisang lagok ko iyon. “I won’t benefit from what you want.” "My birkin bag," mayamaya ay wika ni Rachel. “If you get Alaric’s attention and he doesn’t push you away, my Birkin bag that you want is yours.” Bigla namang umangat ang dulo ng labi ko sa sinabi niya. "Deal," mabilis kong sagot. I love her birkin bags. Pero hindi ko mabili dahil sobrang mahal niyon. Muli ko namang ibinalik ang atensiyon ko kay Alaric at kapansin-pansin na hindi na bumalik sa normal ang ekspresyon ng mukha niya. Napansin ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya. At mukhang natakot na ang ibang babae na lumapit dahil wala nang nakatingin sa kanya. "The floor is yours, Akarie." Bago ko gawin ang ipinapagawa sa akin ni Rachel, nilagok ko muna ang laman ng bote ng alak para dagdagan ang lakas ng loob ko. Pagkatapos no'n, dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Isinuklay ko ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri habang naglalakad ako palapit sa direksiyon ng lalaking itinuro niya. "Excuse me," sabi ko sa isang waiter na nakasalubong ko habang may hawak itong tray na puno ng mga basong may alak. Kumuha ako ng isang baso bago muling nagpatuloy sa paglalakad. I stopped in front of him, and I could smell his expensive perfume. It seemed he sensed my presence because he looked at me. Napansin ko na halos mag-isang linya ang mga kilay niya nang magtama ang mga mata namin Gwapo siya sa malayo pero mas gwapo siya sa malapitan. Nakaka-tanginang ka-gwapuhan. Nakaka-intimidate nga din ang titig niya pero alang-alang sa birkin bag nilakasan ko ang loob. I smiled at him sweetly. "Hi!" bati ko. His brows furrowed even more. "Go away," malamig pero baritonong boses na wika niya sa akin. Pero sa halip na umalis sa harap niya ay nanatili lang ako sa kinatatayuan. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. Itinaas ko ang hawak na baso na may lamang alak sa harap niya. "Drinks" nakangiting alok ko sa hawak. Pero sa halip na kunin ay tinitigan lang niya ako. Hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko habang sinasalubong ang hindi maipintang mukha niya. "The drinks is safe, wala akong inilagay diyan," wika ko. At para paniwalaan niya ako ay sumimsim ako doon. I even licked my lower lip after. Napansin ko ang pagbaba ng ng tingin sa labi ko. At kitang-kita ko din ang paggalaw ng adams apple niya. "Here." Inilapit ko ang hawak na baso sa kanya. Akala ko nga ay tatabigin niya ang kamay ko pero ganoon na lang ang gulat ko ng kinuha niya ang baso na hawak at nilagok niya iyon. Hindi ko napigilang mapatingin sa mga labi niya habang dahan-dahan siyang humihigop ng alak mula sa hawak niyang baso. At mukhang sinapian na nga ako ng kalandian o baka naman epekto lang ito ng alak na ininom ko. Habang nakatitig ako sa mga labi niya, biglang sumagi sa isip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng halikan ang mga iyon. At nang hindi ako makatiis ay humakbang ako palapit hanggang sa dumikit ang aking binti sa tuhod niya. Napansin ko na natigilan ang lalaki sa naramdaman niya. At bago pa mawala ang esperitu ng alak sa ulo ko ay kinuha ko ang baso na hawak niya at saka ko inilapit ang labi sa kanya. I closed my eyes as I kissed him fully on the lips. I could even taste the alcohol on his lips. Naramdaman ko nga din ang paghawak ng lalaki sa magkabilang baywang ko. Inasahan ko na itutulak niya ako sa first move na ginawa ko. But instead of pushing me away, I felt his arm wrap around my small waist and pull me closer. At napamulat na lang ako ng mga mata ng maramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Alaric Vaughn Madrigal was kissing my lips with a hunger I couldn’t keep up with.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
820.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
379.5K
bc

Not just, the Beta

read
360.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook