“Good. Tito Alfred and I are heading to a restaurant right now for dinner. Pero bago kami dumiretso ay daanan ka na namin diyan. At nandiyan na kami ng ten minutes." "May gagawin-- Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng mawala sa kabilang linya si Mama. Mukhang hindi na ako binigyan ni Mama ng pagkakataon pa na tumanggi. Wala tuloy akong choice kundi bumalik sa loob ng kwarto para magbihis. At dahil may sampung minuto lang ako ay kung ano ang makita ko na isusuot ko ay iyon na lang. Simpleng dress lang naman ang isinuot ko. Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina. Nang nakapagbihis ako ay tinanggal ko naman ang pagkakapusod ng buhok ko. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at hinayaan iyon na nakalugay. Naglagay lang naman ako ng lipstick sa aking labi. Hindi na ako masyad

