Akarie Naramdaman ko ang pamamaga ng aking labi nang pakawalan ni Alaric ang aking labi. Halos habol ko nga din ang aking hininga at napansin ko na ganoon din siya. We were both out of breath because of our intense kissing. At mayamaya ay napansin ko ang pagbaba niya ng tingin doon. Bahagyang napaawang ang aking labi nang tumaas ang kamay ni Alaric at hinaplos ang aking labi. “Your lips are swollen," husky ang boses na wika niya sa akin habang titig na titig pa din siya sa labi ko. "Ayaw mo kasing tigilan." Hindi ko napigilan na sabihin sa kanya. Namilog muli ang aking mga mata nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Our lips were almost touching. “Because your lips are addictive, little kitten. I could kiss you all day and still never get enough," wika niya sa buong-buong boses

