I forced myself not to sob while blurting out. "You just suddenly disappeared, I don't want us to be like this. Pwede naman tayo maging magkaibigan ah, alam kong ayaw mo na makita tayong magkasama, alam kong kinakahiya mo'ko." Doon na siya tumingin sa'kin, hindi nakatakas sa paningin ko ang gulat na rumihistro sa mukha niya nang makita akong papaiyak. Umawang ang bibig niya at tulala akong tinignan. "Ang dami ko pa sanang gustong ikwento sa'yo, kasi kahit ganiyan ka, kahit gago ka nakikinig ka naman," dagdag ko pa. "Pero bigla ka na lang nagkaganiyan, you're even denying me!" "Bakit ka umiiyak?" Gulat niya pa ring tanong. Parang gripo agad na bumagsak ang mga luha ko, agad ko yung pinahid. Lumapit siya at akmang papahiran ang pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya. Marami akong gusto

