Gulat akong napamaang kay Aliston, tinatanong niya na ba ako kung ano ang sagot ko? Kakasabi niya lang kanina sa Cafe na maghihintay siya. Nagmamadali nga siguro siya dahil magiging busy na siya sa susunod na mga araw, pero kahit naman ganun okay lang naman sa'kin. On second thought, that would be better, too. Bakit nga ba patatagalin pa kung doon din naman ang punta? Nang makita ang gulat sa mukha ko ay natatauhang suminghap at ngumiti sa'kin. He bit his lower lip as he shook his head. "Don't get me wrong, I'm not forcing you or even rushing you, Eve. I'm just...you know." He shrugged. "I experienced it before, the girl I like...her feelings faded because I'm always not around. And——" "And I'm different," I cut him short, he's probably talking about Celine. "I will not cheat, Aliston.

