Hindi ko na siya tinignan at agad-agad ng tumalikod. Mas mabilis pa sa kidlat akong nakapasok sa elevator at parang nanghihinang napasandal sa dingding. Kinapa ko ang masakit na dibdib at pumikit para indahin yun. Paano ko pa siya susuyuin kung ganito siya sa'kin? Para ngang ang katotohanang nagtatrabaho ako rito ay kinaiinisan na niya. Wala na ba talaga, T? Napalitan na ba ng galit? Nabura na yung pagmamahal mo? Wala na ba talaga? Hindi ko alam kung paanong ang tapang ko kahapon ay biglang naglaho, parang gusto ko na lang pumasok sa refrigerator at mamuhay bilang yelo. Putik, kung ano-ano na naiisip ko ma-distract lang sa sakit na nararamdaman. Kaya nang biglang bumukas ang elevator at pumasok ang taong dahilan ng bigla kong pagkaduling, kamuntik na akong bumagsak sa gulat. "Bakit ka b

