Required bang uminom kapag broken hearted? Kasi sa'kin hindi, kaya imbis sa bar ay dumiritso ako sa restaurant para kumain. Ilang minuto pa dumating din sina Yula at Mara na nagtatawanan pa rin. "Nandito ka pala? Akala ko ayaw mong bumaba?" Tanong ni Drus. "Nagbago isip ko, malamang." "Wala ka naman isip, sabihin mo gutom ka talaga," pambabara niya. "Pake mo ba? Hawak mo yung buhay ko?" Umirap ako sa kaniya. Nasa iisang table kaming lima, kasama si ma'am Ric habang sa kabilang table naman ang iba pa naming katrabaho. Marami akong in-order, mas marami sa usual kong order na marami rin. Ngayon mas marami pa. "Aba, gutom na gutom Evergreen? Double lunch yata 'yan," puna ni Ma'am Ric. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot, kung hindi required uninom kapag broken hearted siguro naman ac

