"Evergreen, nandiyan na ang boyfriend mo sa baba. H'wag mo naman paghintayin at baka magsawa 'yan sa'yo." Nagto-tooth brush ako nang pumasok si tita sa kusina, dala ang pinagkainan na hinugasan kaagad. Tinapos ko muna pagmumumog at nagpunas ng mukha bago siya hinarap. "Bakit hindi siya umakyat dito? Palagi naman siyang umaakyat rito, ah?" "Kausap ni Edcharl, mukhang seryuso nga pinag-uusapan, e." "Ano kaya pinag-uusapan nila?" Natanong ko na lang. Agad na akong lumabas at naghanda sa pag-alis. Nakita ko ngang magkausap sina Ed at Aliston sa harap ng kotse nito. Seryuso silang nag-uusap habang magkaharap, maya pa tinapik ni Edcharl ang balikat ni Aliston at nagtanguan sila bago nauna si Ed sa kaniyang kotse. That's when my handsome Ali looked my way. Agad akong kumaway at ngumiti, pat

