A day had passed and Aliston went back to Cagayan, life goes on, Yula and I went to school. And I always wished, in every second of my life that Atticus' and I's paths would not cross. But I guess this time, nobody heard me. Dahil kinaumagahan ay nagtagpo kami sa mismong hallway ng building namin. Building namin, dapat wala siya rito, hindi na siya dapat napadpad dito kahit anong gala niya dahil masyado na kaming malayo sa kanila. Pero umagang-umaga at nandito siya, para bang may inaabangan na dumating. "s**t talaga!" Impit akong napamura nang makita siya sa labas ng classroom at kausap ang isa kong kaklase: si Thalia. Nahinto ako sa gitna ng hallway at hindi alam gagawin. Biglang napatingin si Thalia sa'kin at ngumisi, kaya sinundan ni Atticus ang panginin niya. Bago pa man niya ako ma

