Napatingin ako sa sundae, cheese burger at fries sa mesa ko habang tinutukso ng ibang kaklase, sino raw ba nagpadala nun. Walang may alam na boyfriend ko si Aliston maliban kay Yula kaya siya lang ang may lakas ng loob na kindatan ako. I bit my bottom lip to suppress a smile. There's a yellow note in the sundae, saying, "Your smile will always be as bright as the sunrise" from MG. Yula instantly assumed it's from Aliston. Pero alam kong hindi. Hindi naman ako pinapadalhan ni Aliston ng pagkain. Isang Monte Grande ang pumasok sa isipan ko. I was torn between pagagalitan ba siya o pasasalamatan. "Sana all may jowa," ani Yula. "Pengeng sundae, beh. Para kahit wala akong admirer makatikim naman ako ng libre." Kinuha ko ang sundae nang akmang kukunin niya, pagak siyang natawa at inirapan ak

