Nangingiti akong sumandal sa bintana ng kotse ni Aliston. While he's driving and we're as silent as the night. Hindi maalis sa isip ko ang sagutan nila ni Atticus kanina. Parang bulang naglaho rin ang inis ko sa ginawa ni Atticus, muntik man niya akong masagasaan pero hindi niya naman siguro talaga gagawin. Maybe that's what he's talking about—epic interactions. Pero sa lahat, iyong sinabi talaga ni Aliston na may malaking chance na magustuhan niya rin ako ang hindi ko makakalimutin. Kinagat ko ang labi para mapigilang ngumiti lalo, hindi ko pa yata kayang harapin si Aliston. Idagdag pang nasa akin ang cellphone niya! As if on cue, his phone in my bag rang. Sa gulat napabalikwas ako at wala sa sariling napatingin kay Aliston. And I caught him briefly glancing at me while driving with o

