Sinuot ko ang aking aviator habang nakaharap sa full-length mirror. Ginawaran ko ng isang matamis na ngiti ang aking sarili. Sunod kong ginawa ay pinag-aralan ko ang aking sarili. Tama na siguro itong suot ko para sa araw na ito. Isang simpleng printed shirt, skinny jean at rubber shoes. Nakapusod din ang aking buhok. Nang makuntento na ako sa aking nakikita ay kinuha ko ang body bag na nakapatong lang sa ibabaw ng kama. Nilapitan ko 'yon saka isinuot. Dinaluhan ko naman ang pinto upang pihitin 'yon hanggang sa nakalabas na ako ng kuwarto. Naglalakad ako sa hallway ng Hochengco Mansion. Nakakasalubong ko ang mga maid, tumitigil sila para batiin ako. Binati ko rin naman sila pabalik na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.
Tumigil lang ako nang marating ko ang grand staircase. Humawak ako sa wooden railings. Bumungad sa akin si Ramey na simple ang suot. Naka-printed shirt din siya at nakapantalon. Naka-high cut rubber shoes, tanging relo lang sa kaniyang pulsohan ang accessory niya sa katawan. Kasalukuyan niyang kinakausap si Vander ahia dahil malapit na kaibigan niya ito. Mas lumapad ang ngiti ko dahil tumitingkad pa rin ang kaguwapuhan niyang taglay kahit na napasimpleng damit lang ang suot niya.
Nagpasya na akong bumaba sa hagdan hanggang sa nakalapit na ako sa kanila. Tumigil sila sa pag-uusap at nakuha ko ang kanilang atensyon. Lumingon sa akin si Ramey na malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi, mas lalo lumapad ang ngiti ko. Alam na kasi ng angkan na boyfriend ko ngayon ang Arabo na ito. Tulad ng inaasahan ko, nakuha ko ang suporta nilang lahat, lalo na sina mama at baba. Tanging hinihiling lang nila kay Ramey ay alagaan at protektahan ako tulad ng ginagawa ng angkan sa akin. Kahit ang Grande Patriarch na si angkong Damien ay nalaman din niya ang pakikipagrelasyon ko kay Ramey. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siya tutol. Kahit ang ibang angkong namin.
"Hi," malambing kong bati kay Ramey.
"Gorgeous." kumento niya sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na palagi kong nakikita sa kaniya.
"Siguro ba kayo sa mga balak ninyo, Ramey, Verity?" tanong ni Vander ahia sa amin. "Pupwede naman kayong magdate kahit na dala ninyo ang sasakyan."
Ngumuso akong bumaling kay Vander ahia. "Ahia, nagpromise na kami sa isa't isa. Gusto namin pareho na makaranas kung anong ginagawa ng mga common couple. At saka, adventure na din ito." kumindat pa ako.
"Iniisip ko lang, pareho kayong public figure." dagdag pa niya.
Bumagsak ang magkabilang balikat ko. "Kaya nga simple lang ang mga suot namin, para hindi kami agad makilala. Lalo na itong si Ramey. Ano pang silbi na nag-diguise kami, hindi ba?" giit ko pa.
Kumawala ang malalim na buntong-hininga si Vander ahia. "Baka mag-iingat kayong pareho. Kapag pareho kayong napahamak, responsibilidad ko kayo." sa tono ng pananalita niya, parang sumusuko na siya sa kakulitan ko. Sumilip siya sa kaniyang relo na nasa kaniyang pulsuhan. "Anyway, I gotta go. I have meetings to attend to. If there's any problem, let us know right away. Alright?" paalam na niya sa amin.
"Of course, kuya. Thanks! Ingat ka din sa pagpasok sa office."
Tiinalikuran na niya kami. Naglakad na siya palabas ng Hochengco Mansion, nakasunod naman sa kaniya ang dalawa niyang bodyguard. Hinatid siya ng mga ito patungo sa sasakyan nito hanggang sa nakaalis.
Bumaling ako kay Ramey. "So..." I trailed off. Bumaling siya sa akin. "Let's go?" I said suggestively.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Bago man kami umalis ay marahan niyang hinawakan ang isa kong kamay. Pinisil niya iyon na akala mo aya ayaw niyang bitawan 'yon. Tanging matamis na ngiti ang umukit sa aking mmga labi nang gawin niya 'yon. Bakas sa mga mukha namin ang excitement para sa araw na ito. Hindi na rin ako makapaghintay kung anong klaseng date ang magagawa namin.
Sa bakuran kami dumaan para makatakas din kami sa mga bodyguard ni Ramey. Mabuti nalang talaga gumawa ang mga pinsan ko ng daan palabas. Ginagawa kasi nila ito kapag gusto nilang tumakas at pupunta sa mga bar o kung saan man.
**
Napasapo ako ng dibdib nang tuluyan kaming nakalayo at narating namin ang Governor's driver. Maraming mga public vehicle na dumadaan dito kaya hindi kami mahihirapan sa pagsakay. Bahala na talaga dahil pareho namin first time magcommute. Pareho kaming nasanay na may sasakyan at hatid-sundo kami. Pero dahil sanay ang iilan naming tiyahin sa mga ganito, kahit si mama ay talagang nagpaturo kami kung papaano ang mga ginagawa ng mga simpleng Pilipino lalo na pagdating sa commute.
Una naming sinakyan ay ang bus. Unfortunately, puno na ang mga pasahero. Wala na ding vacant seat kaya kinakailangan naming tumayo. Pumuwesto kami. Itinaas ni Ramey ang isa niyang kamay para kumapit sa taas habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa akin para hindi ao matumba. Samantala ako ay nakahawak sa sandalan ng upuan.
Pabugso-bugso ang pag-andar ng sinasakyan naming bus. May mga sumasakay at may mga bumaba kaya hindi kami agad namin marating basta-basta ang destinasyon namin.
Lumapit sa aming lalaki na nakauniporme na tingin ko ay konduktor 'yon. Sisingilin na niya kami ng pamasahe. Dudukot sana ako ng pera nang pinigilan ako ni Ramey, base palang sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay sinasabi niyang siya nalang daw ang magbabayad. Hinayaan ko naman. May dinukot siyang mula sa bulsa ng kaniyang maong na pantalon.
"Ser?" tawag sa kaniya ng konduktor, may pagtataka sa kaniyang mukha. Nakangiwi siyang tumingin sa amin. "Hindi po kami tumatanggap nito."
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Bumaba ang tingin ko sa bagay na inaabot ni Ramey. Napasinghap ako nang makita ko na credit card ang hawak niya at hindi pasahe! "Ako na po, kuya. Saglit lang po." bigla kong sabi. Nagmamadali akong dumukot ng pera mula sa aking body bag. Inabot ko sa kaniya ang isang libo. Inabot ko ito sa kaniya. "Ito po, kuya. Keep the change nalang." mahina kong sambit na may ngiti pa sa aking mga labi.
Laglag ang panga nang tumingin sa amin ang konduktor. Nanlalaki pa ang mga mata niya sa ginawa ko. Ang totoo kasi niya, nakalimutan ko ang itinuro ni mama at ng mga tiyahin namin, hindi ako nakafocus sa pakikinig sa kanila.
"Pero, miss..."
Ngumiwi ako. "Kuya. Please?"
**
Nakahinga ako ng maluwag nang narating namin ang Mall. Sa wakas, nakaramdam din ako ng aircon! Pero bago namin simulan ang pamamasyal ay kailangan kong magretouch! Ang haggard ko na kahit kakarating lang namin! Napag-usapan namin ni Ramey na maghintayan nalang kami sa labas.
So I did. Nagretouch ako. Inayos ko din ang aking buhok pati na din ang aking damit. Pagkatapos ay isinuot ko ulit ang aking aviator. Lumabas na din ako. Hinahanap ng mga mata ko si Ramey. Nahagip ng aking tingin ang boyfriend ko na nakatayo sa hindi kalayuan, nakapamulsa siya habang naghihintay sa akin. Umukit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. I admit, hindi ko talaga siya halata na prinsipe siya sa porma niya ngayon. Siguro naman magiging payapa ang date namin ngayon?
Humakbang na ako palapit sa kaniya. Pinulupot ko ang mga braso ko sa isang braso niya. Mabilis siyang bumaling sa akin na may gulat sa kaniyang mukha. "Tara na?" malambing kong aya sa kaniya na hindi mawala ang matatamis na ngiti sa aking mga labi.
Bago siya sumagot ay dinampian niya ng halik ang aking sentido. "Ano ang gusto mong gawin natin para sa first date natin?"
"Hmm, okay, let's watch movie then."
So we did. Nanood kami ng movie. Dahil it ang first time ko na makipagdate nang seryoso talaga, talagang nagsearch pa ako sa google kung ano ba ang madalas na ginagawa ng mga couple kapag nakikipagdate. Nagbasa pa ako ng forum sa isang webiste kung saan nangseshare ng mga karanasan nila sa mga first date nila. Maparomantic man iyan o may pagkanasty. Well, I take the decent date since we're exclusively dating. Well, ginawa kong guide ang mga nababasa ko nakikipagdate lang ako para may makasama lang ako kapag bibili o hindi kaya bored lang ako sa mga bagay-bagay.
After date, nagwindow shopping naman kami. Pinapangako ko na isa hanggang dalawa lang ang bibilhin ko kapag nasa Mall kami sa tuwing magdedate kami, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Kung saan-saan ko hinihila si Ramey sa mga shops.
Habang tumitingin ako ng mga damit ay napatingin ako kay Ramey na abala din sa pagtiitngin ng mg damit dito sa isang shop. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya. Pinipigilan kong mapangiti. Sa totoo lang, siya lang sa mga naging boyfriend ko na hindi nababagot o hindi man lang ako nakarinig ng pagrereklamo sa tuwing hinihila ko siya sa mga ganitong lugar. Hindi niya rin ako tinatanong kung 'matagal ka pa ba?', sa halip tatanungin niya ako kung gusto ko daw ba ang damit o sapatos, ang malala pa ay nagtatanong siya sa akin kung hindi daw ba ako mahihirapan o maiilang kapag suot ko ang ganito, ganyan. He's really patient when it comes in me.
"Oh, tingnan mo nga naman kung sino ang narito."
Naputol ang tingin ko sa boyfriend ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Umigitng ang panga ko nang makita ko si Lyka, naging kaklase ko noong high school ako. Siya ang numero unong nambubully sa akin noon. Siya lang ang mag-isa. Malapad ang ngisi niya sa akin at nakahalukipkip. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya.
"Of all places pa talaga, makikita kita sa lugar na ito, Verity."
Kahit nagngingitngit ako sa inis dahil nakita ko na naman ang isang ito ay pilit kong pakalmahin ang sarili. "Hi, Lyka." binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "It's been a long while."
Tumaasan niya ako ng kilay. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ang suot mo? Bakit nagmukha kang mahirap?"
Bwisit. Ayan na naman siya. "Wala ba sa bokabularyo mo ang salitang simple? Bawal ba ang isang tulad ko magsuot ng mga simpleng damit?"
Nagbuntong-hininga siya. "Simplicity will never be your word, Verity. So, ano nang balita sa iyo? May bago ka na naman bang biktima?"
Nawala na parang bula ang matatamis kong ngiti. "Mukhang hindi umabot sa iyo ang balita na nagbabago ang isang Verity Hochengco, Lyka." matigas kong sambit.
Napasapo siya sa kaniyang dibdib saka humalakhak sa harap ko ngunit tumigil din. Diretso siyang tumingin sa akin. "Oh my, Verity. Hindi mo yata alam ang kasabihan na once a malandi, is always a malandi." muli na naman niya akong hinead to foot. "Matalino ka nga, mayaman, maganda pero hindi nawawala sa pagkatao mo na malandi ka. Attention seeker."
Tila napigtal ang pisi ko. Balak ko sanang sugurin ang babaeng ito pero biglang may humigit ng bewang ko. Tumingin ako kung sino ang may gawa n'on. Umawang ang bibig ko na si Ramey pala ang nasa likuran ko. Seryoso ang kaniyang mukha, halatang galit.
"R-Ramey..." mahina kong tawag ko.
"Bakit, miss? Naiinggit ka ba sa mapapangasawa ko?" seryosong tanong ni Ramey kay Lyka.
Laglag ang panga ni Lyka sa tanong ng boyfriend ko. Naguguluhan siyang tumingin sa akin. May katanungan sa kaniyang mukha. "M-mapapangasawa?"
"Yes, fiancee ko ang pinagsasalita mo ng ganyan. Pupwede kiitang ipakulong." sagot niya.
Ngumiwi si Lyka. "Bakit? Sino ka ba? Baka hindi mo alam na ako ang may-ari ng shop na ito?!"
Tumaas ang isang kilay ni Ramey saka inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng shop. "Really?" may idinukot siya sa kaniyang bulsa. Ang cellphone niya. May tinipa siya doon. Rinig namin ang pagring niya dito. Wait, bakit nakaloud speaker ito?
Ilang saglit pa ay may sumagot. "Ramey?"
"Dude, may utang ka pa sa akin. Sasabihin ko na kung ano ang kabayaran. Alisin ninyo ang boutique na ito sa Mall mo. As soon as possible. Kapag nagawa mo iyon, dadagdagan ko pa ang shares ko." saka pinutol na niya ang tawag.
"A-ah... Anong karapatan mo para paalisin ako dito?!" asik ni Lyka sabay duro kay Ramey.
Galit tumingin si Ramey sa kaniya. "Since ako ang pinakamalaking shares at nainvest sa Mall na ito, isa ako sa mga may-ari nito. You got a problem with that?"
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Lyka sa kaniyang narinig. Napaupo siya sa sahig. Namamangha akong tumingin kay Ramey. Napalunok ako. Sunod niyang hinawakan ang isang kamay ko at lumabas na kami sa shop na ito. Nakasunod lang ako sa kaniya. Hindi ko naman magawang magsalita dahil ramdam ko talaga ang galit niya.
Nang nakalayo na kami ay tumigil na siya. Humarap siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya. Pinapanood ko ang bawat ekspresyon sa kaniyang mukha.
"I'm so sorry, player. Sorry if I got mad."
"Ramey... Ayos lang."
"Hindi ako nakapagtimpi, ang pinakaayoko lang sa lahat, pinagsasalitaan ka ng hindi maganda." humakbang pa siya nang mas malapit sa akin. Kahit maraming tao sa paligid ay nagawa niya akong yakapin. Hindi ako makaangal. Tila binigyan pa siya ng pahintulot ng aking sistema na gawin niya nag bagay na ito. "Hinding hindi ko magawang pagsalitaan ka ng mga ganoon kaya hinding hindi ako makakapayag na may tatapak sa pagkatao mo. Anong sabi ko sa iyo? Poprotektahan kita anumang mangyari."
Bumilis ang pintig ng aking puso. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Lihim ko kinagat ang aking labi. s**t, ayokong umiyak! But damn, after all these years, I'm trying to strong and fierce infront of many people, pero bakit sa isang tulad lang niya, magawa niyang haplusin ang puso ko sa pinakamadaling paraan? Oo, nariyan nga ang pamilya ko, pero iba pala kapag isang napaka-espesyal na tao ang makakagawa sa akin ng ganito.
"Thank you, Ramey. Thank you for saving me."