Napukaw ni Ramey ang atensyon ko nang ipinatong niya ang inorder kong frappe sa mesa. Tuwid akong umupo at ginawaran siya ng isang maliit na ngiti. "Thank you." mahina kong sambit. Kinuha ko ang frappe saka sumipsip nang kaunti mula sa inumin na 'yon.
Umupo na din siya sa tapat ko. "Feel better?" he asked. Naroon pa rin ang pag-aalala.
Ipinatong ko ang inumin sa mesa. Tumingin ako sa kaniya. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng aking mukha. "Gumaan kahit papaano, don't worry. I might feel better later on." pag-amin ko.
Wala akong nakuhang salita mula sa kaniya. Pinagdiskitahan ko ang frappe. Sumipsip ako. I don't even feel bother when Ramey watching me. Para bang pinag-aaralan niya ang kilos at ekspresyon ko, kung totoo ba ang sinasabi ko. Ang gusto ko lang sa ngayon ay katahimikan kahit panandalian lang dahil maya-maya din ay mawawala na itong bigat na pakiramdam na nakuha ko mula kay Janie.
"Ramey," tawag ko sa kaniya.
"Yes?"
"Have you been in Binondo before?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nope, not yet. Why?"
I leaned myself forward. Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko. "Namiss kong pumunta doon. It been three months since my last visit. Pwede mo ba akong samahan? I assure you, mag-eenjoy ka." pakurap-kurap pa ako.
He chuckled. "Mukhang okay ka na nga." sa tono ng pananalita niya, mukhang approve siya sa ideya ko na dahilan para mas lalo pa ako mapangiti.
Bago kami umalis sa naturang cafe, binuksan namin ang maps application namin para malaman kung papaano kami makarating ng Binondo thru commute lang. Sa ito ang napag-usapan namin, paninindigan namin ang sinasabing commute. Adventure na din ito para sa aming dalawa. Nang makuha na namin kung papaano makarating ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Umalis na kami sa Mall dito sa Cavite.
Hindi lang namin inaasahan dahil na makakarating kami ng Binondo mahigit dalawang oras. Dahil maraming tao sa Quiapo, ingat na ingat kami. Kailangan ko din yata magpasalamat dahil simple lang ang mga damit namin dahil kung elegante pa ang mga kasuotan namin, tiyak mabubudol kami, marami pa namang mga siraulo sa Maynila. Kaya hindi an ako nagtataka kung bakit sobrang ingat na ingat si Vander ahia sa aming dalawa ni Ramey sa plano naming ito. Sa totoo lang mas madali may sarili kaming sasakyan dahil para na kaming haggard na lagay na ito pero ayos lang.
Until we reached the Chinatown, Binondo. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi dahil namiss kong makarating sa lugar na ito. Bumaling ako kay Ramey na mukhang nasiyahan siya sa kaniyang nakikita sa lugar na ito. Nasabi ko kasi sa kaniya ito ang pinakalumang Chinatown sa buong mundo. Naging historian pa ako sa lagay na 'yan.
"Wow," namamangha niyang bulalas habang iginagala niya ang kaniyang paningin sa paligid. "It's really my honored to get here."
"Actually, marami pa namang tayong mapupunta dito." wika ko pa. "Katabi lang nito ang Escolta, the Queen of Manila's streets. Ang unang shopping district ng Manila."
Bumaling siya sa akin na malaki ang ngiti, mukhang naeexcite siya. "Really?" hindi makapaniwala niyang saad,
Tumango ako. Bigla kong hinawakan ang kaniyang kamay sabay hinila ko siya sa isang lugar kung saan kami kakain. Actually, isa din ito sa paborito naming kainang magpipinsan. Sa Dong Bei Dumplings!
"Here, try this one." sabi ko sa kaniya habang isinusubo ko sa kaniya ang ang fried pancakes. Dahil bawal sa kanila ang pork, ito lang ang maipapakain ko sa kaniya. Ako na ang mag-aadjust sa kaniya. Sinubo naman niya ang pagkain na inipit ko sa chop sticks. Pinapanood ko siya kung papaano ngumuya. "Masarap?"
Tumingin siya sa akin saka tumango, with thumbs up pa. "Masarap!" bulalas niya.
Inilapat ko ang mga labi ko para pigilan ang sarili kong kiligin. Sa pamamagitan ng chop sticks ay kumuha naman ako ng pork dumplings saka sinawsawan ko ito bago kainin. Hindi matanggal ang tingin ko kay Ramey habang nanguya ako. Mukhang nag-eenjoy siya sa kinakain niya.
Pagkatapos namin kumain ay inaya ko siya sa isang lugar na panigurado ay hindi pa niya napupuntahan. If I'm not mistaken, this will be his first time. Kahit na ganoon, I want to introduce to him my world. Along with Kipuja Street, dinala ko siya sa isang sagradong lugar na kung tawagin ay Kuang Kong Temple. Nasa pangalawang palapag lang siya ng isang building dito sa Binondo. Tinuruan ko siya kung papaano lumuhod at magdasal kay Kuang Kong-a very powerful and honorable general who stood bravely by the kingdom during the era of the Three Kingdoms of China, even though it finally cost his life. Kahit na sinasabi nila na siya ang Diyos ng digmaan, he represents justice, balance and protects the innocents, the loyal the compassionate and the kind from harm or danger.
Suno naman naming nagdasala kay Guan Yin, the Goddess of Mercy. She is one of the greatest symbols in Buddism. She is honored among all the gods, who gives unrequired love, unltimate protection to anyone who is in need of here.
Dinala ko din siya sa isa pang Chinese Temple dito sa Binondo. Madalas ay makikita ang simbolo ng mga tsino sa mga templo nila ang dragon, lions... Dito naman ay makikita ang Fenghuang na ibig sabihin ay Phoenix. Tulad ng ginawa namin sa Kuang Kong, ay nagdasal din kami. Ilang beses akong lumuhod para pakinggan ng mga Diyos at Diyosa ang panalangin ko. Nagsindi din kami ng insenso saka itinirik namin ito sa incense pot.
Habang nagdadasal ay napapansin ko ang pagiging tahimik ni Ramey. Tahimik siya dahil ramdam ko ang respeto niya sa paniniwala ng angkan namin. Kung ano ang kultura na meron kami.
Nagbigay kami ng donasyon para sa templo bago kami umalis. Habang naglalakad kami palabas ay kusang gumalaw ang isang kamay ko hanggang sa maabot ang isang kamay ni Ramey. Gulat siyang tumingin sa akin dahil sa ginawa ko. Binigyan ko siya ng isang maliit at sinserong ngiti. "Sorry," bigla kong sabi.
Kusang kumunot ang noo niya. Pareho kaming tumigil sa paglalakad. Humarap kami sa isa't isa. "W-wait, bakit ka nagsosorry?"
Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "Sorry dahil dinala kita sa lugar na ito. Gusto ko lang ipakita sa iyo kung ano ang tradisyon at kultura na kinalakihan ko. Gusto kong pag-isipan mong mabuti kung tama bang ako ang pinili mo. Ipinakilala ko sa iyo kung anong mundo na kinagagalawan ko. Gusto ko lang iparealize sa iyo na hindi ba magbabago ang isipan mo na ako ang mamahalin mo?"
Mataimtim siyang nakatitig sa akin. Ilang segundo pa bago siya nagsalita. Humakbang pa siya ng isa palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Hindi ba sinabi ko na sa iyo? Kaya kong talikuran ang lahat na meron ako para sa iyo. Sinabi ko din na ayokong iwan mo ang relihiyon mo. I want you to stay what you are right now, Verity."
"Ramey..."
Marahan niya akong niyakap. "Please, don't think things that makes your worry." halos pabulong na 'yon.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Gumalaw ang mga kamay ko at dumapo ang mga palad ko sa kaniyang likuran. Ginantihan ko ang yakap niya, kahit papaano ay gumaan ang aking kalooban.
**
Hinawi ko ang kurtina sa aking harap. Taas-noo akong tumingin kay Ramey na ngayon ay naghihintay sa akin. Ngumiti siya nang makita niya ako sa suot ko ngayon. I'm wearing a backless red dress. Above the knee ang haba nito at hapit na hapit ito sa aking katawan kaya litaw ang kurba ng aking katawan. Bagay din sa suot ko ang puting stilletos. Pinili kong nakalugay ang aking buhok at kaunting retouch lang sa aking make up. Tutal naman ay nasa Makati na kami, nagpagpasyahan naman namin na pumarty na isa din sa mga namisss ko. Pinagbigyan naman niya ako kaya wala akong poproblemahin. Kaya heto kami ngayon, nagshopping at bumili ng damit para makapasok kami sa club.
I flipped my hair and walk towards him. Sumilay ang makapaglarong ngiti sa aking mga labi. "I'm ready." anunsyo ko.
"Beautiful, as ever, player." puri pa niya.
Nagbayad kami sa cashier bago kami tuluyang nakalabas. Malapit lang naman ang club na pupuntahan namin mula dito sa destinasyon namin kaya hindi kami mahihirapan.
Sa Royal Club kami pumasok. Oh my Goooooodddd! I miss this place! Iyon nga lang, nakabalik ako sa lugar na ito na hindi na single, now I am now exclusively dating the Arab Prince, ramey Abadi! Well, it's okay. Hindi naman kj ang isang ito.
Tulad ng inaasahan ko, marami ang mga tao dito. Now I'm wondering anong meron ay sobrang dami yata ng tao ngayon dito? Well, I don't mind. Humawak ako sa isang braso ni Ramey habang naglalakad kami patungo sa bar counter para makapag-order na kami ng inumin. Ang boyfriend ko na ang nagsabi kung anong inumin ang oorderin habang ako naman ay iginagala ko ang aking paningin sa paligid. Puros mga nakapula ang mga ito. So tama lang pala ang suot namin ni Ramey dahil pareho kaming napaula? Meron naman ding ibang kulay din ang mga suot nilang damit.
Ilang saglit pa ay nagawa na ng bartender ang inumin na inorder ng boyfriend ko. Nagcheers kaming dalawa at sabay naming ininom ang shot ng alak. Walang katapusan ang mga upbeat music na pinapatugtog dito sa loob ng club. I gently sway my body into the music. Nakikisabay ako sa indak ng kanta. Pero tumigil din ako nang tumigil din ang musika. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko ng mga oras na 'yon. May technical problem ba?
Pinag-aralan ko ang kaganapan sa paligid. Kahit si Ramey ay napatingin sa dance floor. Dumako ang tingin ko sa mismong stage na hawak ng DJ ang isang mikropono.
"HAPPY VALENTINES, EVERYBODY!!" malakas niyang bati sa amin.
Laglag ang panga ko sa aking narinig. What?! Valentines na pala? Kaya pala puros nakapula ang mga tao dito dahil Valentines pala?! Wait, bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yon?!
"AND WE PREPARE SOME ENJOYABLE GAME TO ALL OF YOU!" dagdag pa ng DJ. "AND THE GAME NAMED LOVA PALOOZA!"
Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Dama ko ang excitement sa kanilang hiyaw.
"PATAGALAN SA HALIKAN, KUNG SINO ANG MANANALO, MAY PREMYO! ISANG MALAKING PREMYO!" naitindihan ko lang ay may libre kaming limang beer tower, at may cash pa!
Bumaling ako kay Ramey na umiinom na parang walang pakialam. Sumilay ang mapanglarong ngisi sa aking mga labi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Umalis ako sa pagkaupo ko sa high stool saka hinigit ang boyfriend ko, kinaladkad ko patungo sa gitna ng dance floor. Humarap ako sa kaniya. Kita ako ang pagtataka sa kaniyang mukha bakit ko ginawa 'yon. Ipinatong ko ang mga braso ko sa kaniyang balikat. Mas idinikit ko pa ang sarili ko sa kaniya.
"Player?"
"Sasali tayo. Wala akong pakialam sa premyo. Adventure na din 'to. You wished what ordinary couples do, right? Shall we? Hmm?" may halong lambing 'yon. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pero nababasa ko sa mukha na parang wala na siyang magawa pa. Mas lalo tumamis ang ngiti ko. Rinig namin ang pagbilang ng DJ hanggang sa magsisimula na ang event na ito. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya. "I love you insane, coach..." namamaos kong sambit hanggang sa dumampi na ang mga labi ko sa mga labi niya. Kahit nakapikit, ramdam ko ang paghapit niya sa aking bewang.
Intense, hot and sweet kiss we shared together at this moment. Kahit abala pa kami sa pagpapalitan ng halik ni Ramey, some people recognize me and Ramey. Kahit ganoon ay wala kaming pakialam. Basta ang importante ay may bagong alaala kaming magagawa ngayong gabi. I love adventures and Ramey is always dependable when it comes in me. Kung anuman ang nagugustuhan ko ay nagugustuhan na niya din. He never failed to give me happiness and satisfaction in this realationship.
Mas lumalalim pa ang halikan namin. Hindi na namin namalayan kung gaano katagal na namin ginagawa ito Sa totoo lang, mas nagugustuhan ko pa ang eksenang ito. Ang sinasabi nilang mas tumatagal, mas sumasarap.
"AND THE WINNERS, NUMBER 17!"
Doon kami tumigil ni Ramey. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Ganoon din siya. Nagtama ang mga mata namin. Pareho kami napangiti sa isa't isa. Pakiramdam ko ay halos lahat ng cellphone ng mga tao dito ay nakatutok na sa amin. "That was sexy and hot..." pabulong kong sambit.
Pakurap-kurap siyang tumitig sa akin. "What the...?"
"Let's practice to make a little you or a little me." sabay kumindat pa ako sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang humagalpak ng tawa.