Medyo tamad pa ako habang pababa ako ng grand staircase. Hindi ko na matandaan kung anong oras na kami nakauwi ni Ramey, siguro ay dahil ramdam ko ang tama ng alak sa aking katawan. Nagising nalang ako na nasa Hochengco Mansion na kami at nasa kuwarto na ako. Saka ko nalang siguro tatanungin si Ramey kung ano ang nangyari pagkatapos namin pumunta Bar mamaya sa oras na makasalubong ko siya. Sa ngayon ay medyo masakit ang ulo ko at kailangan ko ng mainit na pagkain saka ng gamot para mawala ang sakit ng ulo kahit papaano.
Papunta na sana ako ng Dining Area nang nakasalubong ko sina Vesna at Eilva na tila kanina pa ako hinihintay ng mga ito. Agad nila ako dinaluhan sabay hawak nila sa magkabilang braso ko. Hinatak nila ako kung saan, imbis marating ko ang dapat na destinasyon ko ay naudlot pa't napadpad kami sa Library. Pagpasok namin ay si Eilva naman ang tarantang nagsara ng pinto. Nilock pa niya 'yon. Kunot-noo akong bumaling kay Vesna, nagtatanong ako sa pamamagitan ng aking tingin ngunit hindi pa niya ako sinasagot.
Nang daluhan kami ni Eilva ay doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin sila. "Anong meron?" nanatili pa rin akong nakatayo.
Humarap sa akin ang dalawa at pinanlalakihan nila ako ng mga mata. "Baliw ka, hindi mo ba natatandaan kung anong ginawa ninyo ni Ramey kagabi?" si Eilva ang nagtanong.
Tumalikwas ang isang kilay ko. Nanatili pa rin akong naguguluhan sa nangyayari. "Bakit ba? Sabihin ninyo na agad, ayoko ng pasuspense, okay? Bilisan ninyo na din dahil masakit ang ulo ko..." sabay sapo ako sa aking noo.
"Naghalikan lang naman kayo ni Ramey, in public pa!" bulalas pa ni Vesna.
Oh, I see. Natatandaan ko pa nga ang eksenang 'yon. "Akala ko kung ano na...." saka umupo ako sa bakanteng couch na nasa likuran ko lang. Tumingala ako sa kanila. "Eh bakit gigil na gigil kayo? Anong masama doon?"
Umupo din silang dalawa. Pinagigitnaan nila ako. "Alam naman naming kayo na, pero hello? Bakit in public pa kayo naghalikan? Maraming nakakita. Kalat na ang balita, Verity." wika ni Vesna. "At dahil d'yan, galit na galit si Vander ahia dahil sa ginawa mo, hello?"
Tumingin ako sa kaniya na mas lalo kumunot ang noo ko. Wait, what? Galit si Vander ahia dahil sa ginawa namin? Parang noong una lang, botong-boto siya kay Ramey para sa amin tapos bigla siyang magagalit? Ano naman problema ng isang 'yon? He's supposed to be happy for us, pero bakit ganito? Anong big deal ng isang 'yon?
Tahimik akong tumayo. Nilayasan ko ang dalawa. Tinawag pa nila ako pero hindi ako nag-abalang tumingil at lumingon sa kanila. Dali-dali akong lumabas sa Library. Hinahanap ko si Vander ahia kung nasaan siya ngayon. Sa pagkakaalam ko, mga ganitong araw at oras ay nasa Garden siya ngayon. May mga times lang kasi siyang hindi pumapasok sa kumpanya at ginagawa niyang rest day pero patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Hindi ko makuha kung rest day ba ang tawag niya doon? Oh wait, wala din ba silang date ngayon ni ate Shantal ngayon?
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papunta ako sa Garden. At tama nga ang hinala ko. Natatanaw ko si ahia na abala sa kanilang binabasang libro. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko, tumingin siya sa aking direksyon sabay itiniklop niya ang hawak niyang libro. Tuluyan akong nakalapit as kaniya. Tumingala siya sa akin at binigyan niya ako ng isang pa-cool na tingin.
"Sabi sa akin nina Vesna at Eilva, galit ka daw. I'm wondering why? Why you give this a big deal? What's the matter?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya.
"I should be the one who will ask regarding that, Verity." kalmadong turan ni ahia. "What did you do that?"
"Do what?"
"Bakit ninyo ginawa ni Ramey 'yon? In public place pa. Really, shobe? Baka nakalimutan mo, prinsipe ang kasama mo?" mas lalo naging seryoso ang tono ng pananalita niya.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "So what? Boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Natural lang na naghahalikan kami. 'Buti nga halik lang 'yon-"
Bigla siyang tumayo na dahilan upang bumuhay ang kaba sa aking sistema. "Baka nakalimutan mo ding pareho kayong public figure, shobe. Hindi ka lang heredera ng pamilyang ito, also a top grossing model. Hindi mo ba kayang ingatan ang dignidad mo sa harap ng ibang tao?"
Napalunok ako. Wala akong makapang salita sa harap ni ahia. Dumapo ang tingin ko sa damuhan. Pinili ko nalang na manahimik.
"I know both of you are madly crazy inlove wtih each other. I could feel you're getting change when Ramey came out in your life. Marami ka ding kalaban. Ang akin lang ay mag-ingat ka, dahil ang mga kalaban mo, gagawa ng paraan para mapahamak ka. Especially, ang mga lalaking iniwan mo bago man dumating si Ramey." paliwanag pa niya. "Hindi lang dapat si Ramey ang protektahan mo, dapat pati na rin ang sarili mo."
"Ahia..."
Humakbang siya palapit sa akin. Marahan niya akong niyakap. "Nag-iisa kang kapatid namin na babae. Kung narito at buhay si atsi Vivi, hinding hindi niya rin magugustuhan kung anong mga pinanggagawa mo." naging malumanay na ang kaniyang tono. "Hindi lang ang angkan, sina mama at baba ang nag-aalala para sa iyo, lalo na kaming mga kuya mo. Ikaw ang prinsesa namin. We're going to protect you whatever it cost."
"Xie xie, ahia..."
**
Lumabas ako mula sa limousine. Tumambad sa akin ang matayog na gusali. Isa sa mga five star dito sa New York. Sinalubong ako ng mga ilaw mula sa mga camera na hawak ng press. I was wearing a backless long gown. Syempre, si Ramey ang escort ko ngayong gabi, hindi ko rin maitanggi na nagdedate na kami ngayon. Wala rin akong pakialam anumang sasabihin ng ibang tao sa paligid namin. Basta, masaya ako ngayon. Hindi ko lang maimagine kung ano ang buhay ko kung hindi pa dumating si Ramey sa buhay ko.
Alam kong nagtataka ang iba kung bakit ang isa sa mga Prinsipe ng Saudi Arabia ang kasama ko ngayon. Wapakels. Don't try to ruin my happiness if they don't want to meet Satan.
May mga bodyguards na nakapalibot sa amin hanggang sa marating namin ang lobby ng hotel. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. May mga guest sa paligid, karamihan doon ay mga bisita at mga dadalo sa fashion show. Hinahanap ng mga mata ko ang kaibigan ko. Si Azzie Go, ang binabanggit kong fashion designer. Siya kasi mismo ang nag-imbita sa akin dito. Tulad ko, Asian din siya at galing din siya sa isang Chinese family pero nakabase na sila dito sa Amerika. Madalas ko na din kasi siyang naging katrabah, minsan pa nga ay humihingi siya ng pabor na kung maaari ay ako ang magiging model ng kaniyang mga obra. Dahil sa kaibigan ko siya ay pinagbibigyan ko siya. Pampalubag-loob ko na din dahil sadyang magaling siya sa paggawa ng mga damit na ngayon ay sumisikat na at nakakagawa na siya ng pangalan sa ganitong industriya.
May lumapit sa aming isang babae, she's a blonde. Matamis na ngiti ang iginawad niya sa amin. "Good evening, Miss Ho, Prince Ramey. I'm Peggy. Miss Azzie told me to lead you the way." pahayag niya.
Sinuklian ko ang ngiting 'yon. "Oh, sure."
Iginiya niya kami sa daan kung saan gaganapin ang event. Nakasunod lang kami sa kaniya hanggang sa marating namin ang mga upuan. Nasa bandang unahan kami umupo kung saan nakaserved para sa aming dalawa.
Tumingala ako sa babae. "Thank you." I said softly.
"Most welcome, Miss Ho." saka tinalikuran na niya kami para asikasuhin naman niya ang iba pang guest.
Habang naghihintay ay namataan ko ang ilang photographer na nakatutok ang mga hawak nilang camera sa amin. Dahil sanay naman ako ay hinayaan ko nalang. Bumaling ako kay Ramey. "You okay?" kaswal kong tanong.
Tumingin siya sa akin saka tumuwid siya ng upo. "Yeah, this is my first time actually." pag-amin niya.
"This is my world, coach." I said. I reached his hand. Nagtama ang mga mata namin. Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. "And welcome to my world and my workplace."
"Medyo curious na ako kung papaano ka maglalakad sa catwalk nang personal." aniya.
Tumaas ang isang kilay ko, medyo nawindang ako sa sinabi niya. "Personal? Why? Nakita mo na ba ako kung papaano rumampa noon?"
Ngumuso siya at dahan-dahan tumango. "Yeah...? Sa youtube nga lang. Hindi kasi ako makapunta sa mga fashion show mo noon dahil hindi ako makasingit o makahanap ng tyempo. Ngayon lang talaga."
Biglang nagdim ang ilaw sa paligid. Tanda na magsisimula na ang event. Napatingin kami sa catwalk. Ilang saglit pa ay nagsilabasan na ang mga model na suot ang mga obra ni Azzie. Pinag-aralan ko ang bawat detalye ng mga kasuotan. As expected, isa sa mga trademark ni Azzie ang pastel colors. Palagi ko kasi naririnig sa kaniya ang motto niya na simple is the best. Simple is classic. At dito palang ay napatunayan niya ang gusto niyang mangyari at kung anong nababagay sa mga nagawa niyang damit.
Hanggang sa lumabas si Azzie, kasama ang mga models niya. Malapad ang kaniyang ngiti habang kumakaway siya sa mga bisita. Nagsitayuan kami't pumalakpak. Naging succeeful ang fashion show na ito. I am so proud of her! As always!
After the show, napag-usapan namin ni Ramey na hintayin nalang niya ako dahil balak kong bisitahin si Azzie sa Dressing Room para personal ko siyang mabati. Para na din matingnan ang mga damit na gawa niya. Pwede ko namang sukatin ang mga iyon at bilhin kapag nagustuhan ko 'yon.
"Verity!" bulalas niya nang makita niya ako.
"Congratulations, Azzie!" malakas kong bati sa kaniya saka inambahan ko siya ng yakap ng mahigpit. Nagtatalon-talon pa kami na akala mo mga bata at ngayon lang ulit nagkita. "I knew it, your clothing line will be a hit! As always."
"I've never expect this, Verity. I'm just always follow my passion and now... Oh my God!" sabay napasapo siya sa kaniyang bibig, nagiging emosyonal na naman siya. Pinaypayan niya ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng mga kamay niya. "And it's all thanks to you!"
"No problem, Azzie." saka niyakap ko ulit siya.
"Oh, may unexpected guest pala tayo dito."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Nakita ko si Olivia na kakapasok lang dito sa Dressing Room. Oo nga pala, isa siya sa mga model ni Azzie para sa event na ito. "There you are, Olivia." taas-kilay kong puna sa kaniya. "Congrats sa pagrampa mo kahit mukhang hirap na hirap ka na." inikot ko ang aking mata. Hindi naman talaga bukal sa loob ang pagbati ko sa kaniya.
Humalukipkip siya't diretso siyang tumingin sa akin. "Balita ko, dinedate mo ngayon ang isa sa mga prinsipe ng Saudi Arabia. Seryoso ka na ba d'yan, Verity?"
Tamad akong tumingin sa kaniya. "Ano naman ngayon kung may kadate ko ang prinsipe? At kailan ka pa naging interisado sa buhay ko, aber?"
Napasapo siya sa kaniyang tyan at natatawa. Tumingala siya sa kisame at ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga at nagpameywang. "How ironic, ang isang Verity Ho na isang notorious playgirl, magiging seryoso sa isang Arabo? Hindi ka ba aware kung ano ang ginawa nila sa isang tulad mo?"
Parang napantig ang tenga ko sa sinasabi niya. Sumeryoso ang mukha ko. Naniningkit ang mga mata ko. "Anong pinagsasabi mo?"
Humakbang pa siya ng isa palapit sa akin. "Iniwan mo ang pagiging player para maging seryoso sa isang lalaki na hindi ka naman sigurado kung magiging number one ka sa puso niya... You know what I mean."
"Diretsahan mo na nga ako, Olivia." may bahid na iritasyon sa boses ko.
"I think you're not fully aware. Ang isang tulad ng boyfriend mo, maraming asawa. Ang malala pa doon, hindi pa ikaw ang unang naging asawa niya. Get it?"
Umigitng ang panga ko. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Uminit bigla ang ulo at dugo ko sa mga pinagsasabi ng babaeng ito. Dahil sa bugso ng damdamin. Walang pakundangan kong hinablot ang buhok niya. Napahiyaw siya sa sakit. Hinawakan niya ang mga kamay ko para pigilan ngunit hindi ako nagpatinag. Mas hinila ko pa ang buhok niya. May mga umaawat pa sa amin, kahit si Azzie. Tila bingi ako. Patuloy pa rin ako sa pananabunot sa kaniya. Nagaw ako pang tumadyak sa tyan ng babaeng bisugo na ito na dahilan upang matumba siya sa sahig. Nakawala ako sa pagkahawak nina Azzie sa akin. Umibabaw ako kay Olivia at ipinagpatuloy ko ang p********l at pananabunot ko sa kaniya.
"Bitawan ninyo ako at kakalbuhin ko ang malanding ito!" sigaw ko pa.
"Call her boyfriend, now!" malakas na utos ni Azzie sa iba.
"Huwag na huwag kang mambato ng akusasyon laban sa boyfriend ko, b***h!" malakas kong sabi.
"Totoo ang sinasabi ko!"
Sige pa rin ang p*******t ko sa kaniya.
"Verity!" rinig kong tawag sa akin ni Ramey. Hindi ko siya pinakinggan. Pero nang iniyapos niya ang kaniyang braso sa aking bewang ay doon ako napahiwalay mula kay Olivia. "Stop."
"Hindi! Salbe bunganga ang Olivia na 'yan! Ipinagtatanggol lang kita laban sa kaniya!" malakas kong sumbong. "Hinding hindi ko papalagpasin ang sinasabi ng gagang 'yan!"
"Malalagot na naman tayo sa kuya mo kapag nalaman niya ito."
Doon ako natigilan. s**t.
PATAY. IHAHANDA KO NA NAMAN ANG SARILI KO KAPAG NAKITA KONG AKO ANG HEADLINE NG BALITA SA PILIPINAS MAMAYA!