I rub my palm on my forehead while listening a sermon. Lumipat sa bewang ko ang kamay ko, habang naman ang isang naman ay hawak pa rin ang telepono. Ilang beses na rin ako pumaparito't pumaparoon. Hindi ko na nga alam kung halos naikot ko na ang buong hotel room habang pinapakinggan ko ang sermon ng aking nakakatandang kapatid. I'm still wearing a racer back shirt and a sweat pants. Ilang beses na din ako kumawala ng malalim na buntong-hininga at inikot ang aking mga mata. As my expected, nalaman na nga nila ang eskandalo na kinasangkutan ko. I know this is not a proper way to be a heiress like me, pero anong magagawa ko? Napundi ako sa mga pinagsasabi ng Olivia na 'yon! I think she use this f*****g opportunity to break me! Lakas mainggit ang isang 'yon sa akin! At hinding hindi ako makakapayag na batuhin niya ng kung anu-ano si Ramey!
"Do you understand, shobe?" seryosong tanong sa akin ni Vander ahia.
I rolled my eyes once again. "Shi (Yes), ahia." tamad kong tugon. Binaba ko na ang tawag saka hinagis ang cellphone sa kama na siya naman ang pagpasok ni Ramey dito. Lumingon ako sa kaniya na nakapameywang.
"Nakausap mo na ba siya?" nag-aalala niyang tanong.
Tumaas ang mga kilay ko at nagbuntong-hininga. Umupo ako sa gilid ng kama. Tumabi siya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Marahan niya iyon inilipat sa kaniyang kandungan. Tumingin ako sa kaniya. "As usual, he got mad. Lalo na't nasa media na naman ang pagmumukha ko." umismid ako. "Hindi na bago sa akin 'yon."
"I see." kumento pa niya. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Kailangan muna natin pahupain ang isyu."
Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Totoo, kailangan kong pahupain ang eskandalong nagawa ko bago ako bumalik ng Pilipinas. Tulad ko ay isa din siya Olivia sa mga high grossing top models in this generation. Wala naman akong naramdamang inggit sa kaniya, sadyang naiirita ako sa kaniya kapag magsasalita siya ng mga bagay-bagay na wala naman kakwenta-kwenta, tulad ng sinabi niya tungkol kay Ramey. I am fully aware Ramey is a Muslim, hindi maiiwasan 'yon. Tila hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na hindi lang ako ang magiging babae sa buhay niya. Pwede kong aminin na ayoko ng ganoon. Hindi ko kakayanin. May history na kami sa ganoon, ayoko lang maulit pa.
"And I think, this is the right time." bigla niyang sabi.
Umukit ang pagtataka sa aking mukha. "What do you mean?" nabubuhay ang kuryusidad sa aking sistema.
Bumaling siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "You're coming with me." pahayag niya. "Isasama kita sa lugar kung saan ako lumaki. Sa Abu Dhabi. Ipapakilala kita sa magulang ko."
Umawang ang aking bibig sa kaniyang sinabi. Hindi makapaniwala at nawindang. Pakurap-kurap pa ako bago ulit ako nagsalita. "S-seryoso ka ba d'yan?" nauutal kong tanong.
Kaswal siyang tumango, para bang wala lang sa kaniya. "Oo, and besides, ikaw ang gusto kong pakasalan. Wala naman masama kung ipapakilala kita sa magulang ko, pati na din sa iba pa naming kamag-anakan. Para naman malaman kung sino ang gusto ko."
Lumunok ako ng matindi. Bigla na akong ginapangan ng kaba. Bumilis ang t***k ng aking puso. Gustuhin ko man tumanggi ay ayoko naman siyang madismaya. Kung kaya ang tanging magagawa ko lang ay tumahimik.
**
Tulala ako nang nasa harap ko na ang isa sa mga Palasyo na kung tawagin nila ay Qasr Al Watan na matatagpuan dito sa Abu Dhabi. Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na makakarating ako sa isang Palasyo, maliban nga lang sa Imperial Palace sa Tsina dahil madalas kaming nagbabakasyon doon. Pero dito, hinding hindi ko maitanggi ang paghanga na nararamdaman ko. Heto na naman ang puso ko, nagwawala na naman. Oh God, please help me!
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Kaya ko 'to. Makakaya ko ito. Promise. Idinilat ko din ang mga mata ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ramey. Tumango ako sa kaniya, sinyales na ayos lang ako. Tumango din siya bilang pagsang-ayon. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng Palasyo. Nakasunod naman sa amin ang mga bodyguard niya. Bago man kami makarating dito ni Ramey, pinaalalahanan niya ako ng iilang bagay. Tulad na huwag na huwag kaming maghahalikan sa harap ng publiko, kung hindi pa man kami kasal, bawal kami maghawak man lang ng kamay! In short, masyadong conservative ang bansa na ito. Kahit na hindi ako sanay, kailangan kong mag-adjust. Kailangan kong magtiis.
Sa pagtapak namin sa loob ay sinalubong kami ng sinasabi niyang Great Hall. Literal akong napanganga sa ganda! Base on my observation, ornate with complex gold and eart-tones architectural detail that are sprawled over the interiors. Hindi ko mapigilang mapatingin kung saan-saan dahil sa ganda!
Nanatili akong nakasunod sa kaniya hanggang sa isa-isa lumilitaw ang mga katulong nila dito. Binabati nila si Ramey in Arabic word. Tikom ang aking bibig, animo'y isa akong tuod na nakabuntot lang sa prinsipe na ito!
Hanggang sa napadpad kami sa isang silid. Tumambad sa amin ang isang babae at isang lalaki na may edad na. Napukaw namin ang kanilang atensyon. Humarap sila sa amin. Umukit ang katuwaan sa kanilang mukha nang makita nila ang prinsipe na ito. Ang babae ay agad dinaluhan si Ramey.
"Ramey!" malakas na tawag nito sa kaniya.
"Al'umu... (Mother)." tawag nito sa kaniyang ina. Nagyakapan sila. Pagkatapos ay dinaluhan niya ang may-edad na lalaki. "Al'abi, ana huna. (Father, I'm back.)"
Tumango lamang ang may edad na lalaki saka tumingin sa aking direksyon. Tiningnan niya si Ramey na may ngiti sa mga labi. "Hal tuhadir sdyqana lil'Amir Ramey? (You bring a friend, Prince Ramey?)" tingin ko ay patanong 'yon.
Lumingon sa akin si Ramey, malapad ang kaniyang ngiti. Nilapitan niya ako saka iginiya patungo sa dalawang tao na kausap niya. "Al'umu, Al'abi, ana fakhur bi'an, aqdam lakum, Verity Ho. (Mother, Father, I'm proud to present to you, Verity Ho." sumulyap siya sa akin ng ilang minuto saka binawi din niya iyon. "My girlfriend."
Umiba nag ekspresyon ng kanilang mukha nang banggitin ni Ramey ang huling salita. Tumayo ng tuwid ang kaniyang ama, samantala ang kaniyang ina naman ay napatalikwas ng isang kilay. Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat. Mas bumilis ang t***k ng aking puso sa mga oras na ito. Kahit ganoon ay sinikap ko pa rin ngumiti at itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.
"Good afternoon..." panimulang bati ko sa kanila. "It's my pleasure to meet you..." hindi ko alam kung ano ba ang tamang patawag ko sa kanila. Nakalimutan kong itanong kay Ramey kanina!
"You're from in a Philippines..." biglang nagsalita ang tatay ni Ramey! Oh, he can speak english! Mabuti nalang! Atleast, hindi ako mukhang alien dito! "But you don't look like Filipina..."
Matamis akong ngumiti. "My father is a Chinese-Filipino, while my mother is a Filipina-American." I answered politely.
Tumango sila na para bang naiitindihan nila ang aking sagot. Tumingin ang tatay ni Ramey sa kaniya. "You and your friend should take some rest form a while. Let the maid lead her into the guest room. Both of you shall prepare for the light show tonight."
Pareho na kaming nagpaalam sa kanila bago namin lisanin ang silid na ito. Magkatabi kami habang naglalakad ulit kami sa Hallway.
"Hindi kaya nagmukha akong tanga kanina sa harap ng mga magulang mo, Ramey?" mahina at matigas kong tanong sa kaniya.
"Absolutely not, why?" ganting-bulong niya, nahihimigan ko ang pagtataka sa tono ng boses niya.
Ngumiwi ako. "Hindi ko kasi alam kung anong pinag-uusapan ninyo noong una, mabuti nalang marunong mag-ingles ang tatay mo. Marami pa naman akong baon dito bago ko sila nakaharap. Atleast, nagamit ko kahit papaano."
I heard him chuckled. "Don't worry, magiging maayos ka din dito sa Palasyo. Just stay with me."
Tumigil lang kami sa paglalakad nang may isang babaeng nakatayo sa harap namin. Nakatalikod ito sa amin, tila iginagala niya ang kaniyang paningin sa paligid ng Hallway na ito. She's wearing a jalabiya abaya maxi dress! Mukhang naramdaman din niya ang presensya namin kaya lumingon siya sa direksyon namin. Napalunok ako. I admit, she is a beautiful woman—a drop dead gorgeous with a wonderful figure and very elegant! Lalo na ang buhok niya, tuwid na tuwid, hindi uso ang patay na buhok at buhaghag sa kaniya!
"Hafsah." tawag ni Ramey sa babaeng nasa harap namin.
Kahit ang galaw niya, napakaelegante. Matamis siyang ngumiti sa amin. "Ramey," kahit ang boses, ang ganda! Wala bang maipipintas sa babaeng ito?! "I heard you're back, so I'm here to say hello..." tumingin siya sa akin. "You have a guest." puna niya.
"Yes, she's Verity Ho, my girlfriend. Player, this is Hafsah, my first cousin. She's from the royal house of Nadir in Dubai."
It's nice to meet you, Princess Hafsah." nakangiting pagbati ko.
Bahagya siyang yumuko. "The pleasure is mine, Miss Ho."
Sunod pa n'on ay may tinawag si Ramey. Lumapit sa aming direksyon ang mga maid na na nakasalubong namin kanina. May sinabi siya sa mga ito. Hanggang sa naramdaman kong inilayo ako kay Ramey. Ang sabi sa akin ng isang maid, ihahatid daw nila ako sa guest room na talagang inihanda nila para sa akin. Hindi daw basta-basta na sasamahan ako ni Ramey sa kuwartong 'yon. Kusa nalang sumunod ang katawan ko sa mga maid na maghahatid sa akin patungo sa silid.
**
Malawak ang tinutukoy nilang guest room. Ang ibang maid ay lumabas na, ang natira dito ay dalawa nalang. Abala sila sa paghahanda ng mga damit. Ang isa ay may ipinasok na damit dito sa silid. Maingat nila 'yon inilagay sa ibabaw ng kama. It's a black jalabiya dress and a pair of Prada shoes!
Tahimik nilang ginagawa ang kani-kanilang trabaho. Umupo ako sa gilid ng kama. Tumingin ako sa isang maid na abala na nag-aayos ng maisusuot ko daw para mamaya. Sa tingin ko ay isa siyang asyano. "Uhm, excuse me po?"
Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Tumingin siya sa akin na may pagtataka. "Po?"
Mas hindi ko inaasahan ay nagtatagalog siya! Wooh! Mas lalo ako natuwa dahil hindi na talaga ako magmumukhang alien sa bansang ito! Malapad akong ngumiti sa aniya. "Pwede po ba akong magtanong?"
Tumango siya. "Itatanong ko lang sana kung... May mga kapatid pa si Prinsipe Ramey—"
Opo, meron po. Pangalawa po siya sa panganay. At pangalawang anak po siya sa unang asawa ng Sheikh." nakangiting tugon niya.
Ako naman ang tumango. "Hindi naman po siya ang crown prince, hindi po ba?"
Tuluyan na siyang tumigil sa kaniyang ginagawa. "Naku, sa katunayan po, siya po ang crown prince."
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. What?! Ibig sabihin, kapag nagretired na ang tatay niya na isa sa mga Sheikh ng Abu Dhabi, si Ramey ang susunod sa kaniya?!
Magtatanong pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwartong ito. Kusa iyon nagbukas hanggang sa tumambad sa amin ang kausap kanina ni Ramey. Ang prinsesa! Aligaga akong tumayo, ipinagdikit ko ang mga kamay ko at inilagay sa harap. Pormal akong tumayo.
"Can you leave us for a while" nakangiting tanong niya sa mga maid na naririto.
Yumuko silang lahat saka isa-isa silang lumabas hanggang sa iwan na nila kaming dalaw adito sa loob. Nagtataka akong tumingin sa pinsan ni Ramey.
"So you're a girlfriend." panimula niya. "I never thought he will take you here..."
Nanatili akong tahimik. Malumanay nga siyang magsalita pero bakit parang may mali? Bakit parang may kabitteran akong nararamdaman sa kaniya? "Is there... Any problem, princess Hafsah?"
Huminga siya ng malalim. "Yes, there's a problem. You two are so different. He's from a royal family and a crown prince. I don't know if you are aware of that."
Nanatili akong tikom ang bibig at nakatingin sa kaniya.
Mas humakbang pa siya palapit sa akin. "He forgot something when he introduced me to you." seryoso na din siyang tumingin sa kaniya. "I'm not only his cousin, Miss Ho. I'm also his fiancee. We're going to be married through Royal Intermarriage."
Mabilis akong nagbuntong-hininga. Umukit sa kaniyang mukha ang pagkalito, kasabay na ilang beses pinagsasaksak ng matalim na punyal ang aking puso.