chapter 11

2169 Words
Nanatili akong nakatitig sa pinsan ni Ramey. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig. Tila ayaw tanggapin ang sikmura ko ang kahibangan na pinagsasabi niya. Mas lalo pinipiga ang puso ko habang tumatagal. Ngayon ko lang nalaman ito sa totoo lang. Magpinsan sila, oo. Pero na siya ang fiancee mismo ni Ramey? Anong kalokohan ito? Ganito ba talaga ang tradisyon nila? "Hope you'll understand, Miss Ho." seryosong pahabol na sambit ni Prinsesa Hafsah bago man niya ako tinalikuran at iwan ako dito sa guest house ng palasyo. Kahit na marinig ko ang pagsara ng pinto, nanatili parin akong nakatayo sa aking kinakatayuan ngayon. Kahit man ramdam ko na gusto nang bumigay ang mga binti ko ay sinisikap kong maging matatag, kahit na napupugto7 ang hininga ko. Maraming katanungan sa aking isipan. Sumagi din sa akin na baka ayaw lang sa akin ni Hafsah na 'yon dahil hindi ako tulad nila, pero imposible. Sa tono ng kaniyang boses, sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay halatang seryoso siya sa kaniyang pinagsasabi. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Ramey tungkol sa bagay na ito? Bakit nagawa niyang ilihim sa akin ang bagay na ito? Sumagi din sa aking isipan ang bagay na sinabi sa akin ni Olivia. Doon ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata, kasabagay na kumawala ang aking luha, marahas 'yon umagos sa aking pisngi. Hindi ako nag-abala pang punasan 'yon. Sa aking pagdilat ay tumingala ako saka suminghap para makalanghap ng hangin. Dahan-dahan ko ito pinakawalan. Isinandal ko ang aking likod sa pader ng silid na ito. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Hindi ka mahina, Verity. Hinding hindi. Isa kang Hochengco. You can endure the shower of swords and knives along your way." pangungumbinsi ko sa aking sarili. Nagtiim-bagang ako. Itinaas ko ang aking noo, pilit ko tinatatagan pa ang aking sarili. Lumipat ang aking tingin sa ibabaw ng malapad at malambot na kama. Tinititigan ko ang itim na jalabiya dress na nakatambad doon, kasama na din ang Prada shoes. Humakbang ako palapit doon. Marahan akong umupo sa gilid ng kama. Hinimas ko ang naturang damit. Dumako ang tingin ko sa bintana ng silid na ito na may tigas na ekspresyon sa aking mukha. Lihim ko kinagat ang aking labi dahil sa inis. Medyo nalukot ko ang laylayan ng damit dahil sa galit na umaapaw ngayon sa aking sistema. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako. Kaya ayokong magseryoso. Kaya galit ako sa mga lalaki, hindi lang dahil sa nangyari kay mama. Kasi kaya ka nilang paikutin sa mga palad nila. ** Dahan-dahan nagbukas ang malaking pinto na nasa harap ko. Nakasunod sa akin ang mga maid na umasikaso sa akin, maski ang mga Pinay na nakausap ko kanina ay kasama ko din. Bilang isang bisita ay hindi na dapat nila gawin ang bagay na ito. Pero dahil sa sinabi ni Ramey na may relasyon kami, todo ang pag-aasikaso nila sa akin. Wala na rin naman akong magawa kaya hinayaan ko nalang siya kung anuman ang nanaisin niya. Pero hindi ko parin maipagkaila na galit na galit ako ngayon, tinatago ko nga lang. Sa oras na makakuha ako ng tyempo na makakausap ko siya, doon ko balak kompirmahin ang lahat lalo na sa relasyon niya sa Hafsah na 'yon! Sa ngayon, kailangan ko munang maging kalmado hangga't wala pa akong nakikitang katibayan. Maliban nalang sa plano ko. Ngayon na gaganapin ang fireworks display na nakaschedule sa palasyon na ito. Pero tingin ko ay malaking bagay ito sa kaniyang Kaharian. Naglakad ako at itinuro sa akin ang isang upuan kung saan para lang sa bisita ng kung sinumang sa myembro ng Royal Family na ito. Sumunod nalang ako. Tahimik akong umupo. Hindi ko mapigilang mapatingin kung nasaan si Ramey. Napalunok ako ng matindi nang namataan ko siya na hiwalay ang upuan niya sa kaniyang mga magulang pero katabi naman niya ang Hafsah na 'yon! Mapait na ngiti ang umukit sa aking mga labi. Oo nga pala, maraming nagsasabi na ito ang mapapangasawa ng Prinsipe. Namataan ko din na sinasabing mga kapatid pa ni Ramey, hindi ko nga lang alam ang kanilang pangalan dahil busy ang mga ito sa kanilang mga buhay, samantalang ako naman ay nanatili sa silid dahil hindi ako pupwedeng gumala dito nang basta-basta, lalo na kung hindi ko naman kasama si Ramey. Binawi ko ang aking tingin at kumawala ng malalim na buntong-hininga. Nagsimula na ang fireworks display. Tumingala ako sa kalangitan. Malungkot kong pinapanood ang mga fireworks. Ilang beses pa akong nagnanakaw ng tingin sa direksyon nina Ramey. Nakikita ko siyang masaya siyang nakikipag-usap sa Prinsesa, para bang nakakatuwa ang kanilang pinag-uusapan. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya ay ilang beses pinagsasaksak ng matalim na punyal ang aking puso. Gusto na naman kumawala ang aking mga luha pero pinipigilan ko lang. Ayokong gumawa ng eksena dito. Pilit kong tiisin ang sakit ang bigat na pakiramdam na ito hangga't maaari. Kaya ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay inilapat ang mga labi ko para pigilan ang aking sarili. Nagkataon na tumingin na naman ako sa kaniya. Humigpit ang pagkahawak ko sa hawakan ng upuan na ito nang makita ko na masyado nang malapit ang mga mukha nila. Halos hindi na ako makahinga sa mga nakikita ko. Mabilis kong tinanggal ang tingin ko sa kanila. Walang sabi na tumayo ako. Hangga't kaya ko pa, kailangan kong umalis sa lugar na ito. Hangga't kaya ko pang pigilan mula sa pagkadurog nito, kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas. "Miss Verity." nag-aalalang tawag sa akin ng isa sa mga Pinay na katulong sa Palasyo na ito. Hindi ko siya pinakinggan. Dire-diretso ang paglalakad ko. Halos patakbo na nga ang ginagawa ko para mas mapadali ang paglayo ko sa lugar na 'yon. Mas naiinis ako dahil ilang beses sumasag sa aking isipan ang mga eksena nakikita ko sa tuwing masayang nakikipag-usap si Ramey sa kaniyang pinsan. Tagumpay akong nakabalik sa guest room. Agad kong hinahanap ang mga gamit ko. Mabuti nalang ay hindi ko pa inilabas ang mga gamit ko dito kaya mas mapapadali ang pag-alis ko. Maliban nalang sa pagpalit ko ng damit. Naglabas ako ng damit mula aking bagahe. Pumasok ako sa banyo para magpalit ng damit. Hinubad ko ang jalabiya. Nagbihis ako ng formal dress at mga sapatos. Dinaluhan ko ang pinto para buksan 'yon ay natigilan ako nang tumambad sa akin si Ramey sa pinto. Seryoso ang kaniyang mukha. Ginatihan ko siya ng seryosong titig. Kailangan kong maging matigas sa harap niya. "Saan ka pupunta, Verity?" tanong niya. Taas-noo ko siyang tiningnan. "Uuwi na ako ng Pilipinas. And hep, don't dare to stop even follow me. Kahit na sasalubungin ako ng intriga, magagawan ko naman ng paraan 'yon." tugon ko saka nilagpasan ko siya. Ipinatong ko ang jalabiya sa ibabaw ng kama, maski ang Prada. Kahit ang mga alahas na ipinasuot sa akin ay isinauli ko. Walang labis at walang kulang. Tagumpay kong nahawakan ang maleta. Akmang aalis na sana ako ay agad niya ako hinarangan. I give him a disgusted look. "Umalis ka sa harap ko, Ramey. Aalis na ako sa ayaw at sa gusto mo." matigas kong sambit. "Bakit ba atat kang umalis? Ano bang nangyayari sa iyo?" mas mariin niyang tanong. Pinipigilan niyang magalit. Naniningkit ang mga mata ko. Bumitaw ako sa hawakan ng maleta. Humalukipkip ako sa harap niya. Humakbang ng isa palapit sa kaniya. Diretso akong nakatingin sa kaniyang mga mata. "I'm going to end this relationshit, Ramey." sa wakas ay nagawa kong sambitin ang katagang 'yon. Natigilan siya sa aking sinabi. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Mas kumunot pa ang noo niya. "W-what...?" halos pabulong niyang sambit. "You heard me, I'm breaking up with you." binalikan ko ang maleta. Hinatak ko na 'yon pero nahuli niya ang isang kamay ko. "Ikakasal ka na nga, hindi ba? Sa pinsan mo?" pilit kong maging matapang sa harap niya. "Sandali, Player-" pigil niya sa akin. Ngunit nagpumiglas ako. "Don't touch me and don't call me like that, alright?!" hindi ko mapigilang sigawan siya dahil sa bugso ng damdamin. "Wala kang karapatan sa akin simula ngayon! Naiitindihan mo?" "Verity..." basag na ang boses niya nang tawagin niya ako pero pilit pa rin niya akong abutin. "Please, Verity. Hayaan mo akong magpaliwanag." Inis akong humarap sa kaniya. "Ano pa bang paliwanag na gagawin mo? Kitang kita na ang ebidensya! Kita ko kanina na hindi ako priority mo! Girlfriend mo lang ako, pero hindi ako fiancee mo! Isa lang akong heredera pero prinsesa ang kalaban ko!" mas umahon ang galit sa aking sistema. "Remember this, Prince Ramey Abadi. Hindi ako isang Hochengco para maging api at basta-basta tatapakan ninyo. Iba ako bilang kalaban. You may be a prince, but I won't let my crown to fall just because of you." mas matigas kong sambit. Tagumpay akong nakaalis sa silid. Pilit pa rin niya akong sinusundan. Pilit ko din naman siyang dinedeadma. Hindi ako nagpapatinag sa bawat daing at pakiusap niya na huwag akong umalis. Hinding hindi ako magpapadaig. Makakalabas ako sa bansa na ito. Makakabalik ako sa bansa kung saan talaga dapat ako. Sa Pilipinas. Hanggang sa marating namin ang Hallway ng Palasyo. Wala akong pakialam kung nakakagawa na kami ng eskandalo ni Ramey. Mabuti nalang ay nakashades ako kahit gabi na, para na din hindi gaano mahalata ang pagmumukha ko sa publiko. Lalo na't prinsipe ang lalaking ito. My goodness, kailangan ko na ng tahimik na buhay! I miss my old life in Philippines! Tantanan mo na ako, Ramey! Maaawa ka! Tanaw ko na ang entrahada ng Palasyo, may mga security doon. Sige pa rin ang paghila ko sa aking maleta. Ilang beses ko na rin naririnig ang mariin na tawag sa akin ni Ramey pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Ang importante lang sa akin ngayon ay makaalis ako dito sa lalong madaling panahon! Whatever it takes, makakaalis din ako! Napatigil lang ako sa paglalakad nang tuluyan akong hinarangan ng security na para bang may kukumpirma sa akin. "Excuse me... You're Miss Verity Hochengco, right?" pormal na tanong isa sa mga security sa akin. "What are you doing?" seryosong tanong ni Ramey sa kanila. Yumuko ang mga security sa harap ni Ramey. "We're sorry, Your Magnificence. Princess Hafsah told us to wait her here in the Hallway. She instructed us to don't let Miss Verity to leave the Palace." wika ng isa pa. Kumunot ang isang noo ko dahil sa pagtataka. At bakit ko naman siya hihintayin dito? Hindi ba siya masaya na aalis na ako nang kusa dito? Solong solo na niya si Ramey. Saksak ko pa sa baga niya ang lalaking ito. Ha! Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Humalukipkip ako saka inikot ang aking mga mata. Tamad akong tumingin sa mga security. Ilang saglit pa ay biglang nagsitungo ang mga ito upang magbigay pugay. "Al'Amirat Hafsah." tawag nila sa bagong dating. Sumunod ang tingin ko sa direksyon ng babaeng 'yon. Medyo kumukulo na naman ang dugo ko dahil nakita ko na naman siya. Lihim ako nagtataka kung bakit parang mas galit pa siyang tumingin kaysa sa akin. Ano bang problema ng isang ito? "Give it back." matigas niyang utos sa akin. Tinaasan ko siya ng tingin. "Huh? What do you mean?" "Don't act like you're an innocent here, Miss Ho. Give my necklace back." utos niya ulit. Ngumiwi ako, mas lalo ako naguguluhan sa kaniyang pinagsasabi. Nasisiraan ba ang isang ito? "You know, I don't understand what's happening here. I don't know what are you talking about. Anyway, as what you wished, I'm leaving. You can have Ramey." "You're not going to leave." matigas niyang sambit. "You're a thief." Umiba ang ekspresyon ng aking mukha. "A-anong sabi mo?! Magnanakaw ako?!" hindi ko mapigilang singhalan siya dahil sa pagkagulat. Tinagilid niya ang kaniyang mukha. Inutusan niya ang isang security na kunin ang maleta ko at pwersahan buksan 'yon sa harap namin. Hinalukat nila 'yon sa aking harap. Nabato ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang isang kuwintas na ruby ang pendant nito. "So, how can you explain this, Miss Ho?" galit na tanong sa akin ni Hafsah. "Hafsah." matigas at saway ni Ramey sa kaniya. "I can't believe this, Ramey. Are you going a marry a thief?!" bumaling siya sa akin sabay turo sa aking direksyon. "Arrest her! She's a thief!" Hindi ko magawang pumalag dahil sa pagkabalisa. Dinaluhan ako ng mga security saka pinosasan. Akmang lalapitan ako ni Ramey para iligtas pero pinigilan siya ng ibang security, lalo na si Hafsah. Kinausap siya nito sa pamamagitan ng salitang Arabo. Para akong nahihilo. Ramdam ko na kakaunting lakas nalang ang naiiwan sa akin pero ayokong bumigay. Ilang beses pa ako tinatawag ni Ramey habang pinapasakay ako sa police mobile. Tahimik akong sumakay. Habang papalayo ang police mobile, napapikit ako. Kumawala ang mga butil ng luha. Para na akong mamamatay, namamanhid na ako sa nangyayari. Mama, baba... Vander ahia, Zvonimir ahia, Vladan ahia... Angkong, Ahma... Wala akong ginawang masama... Please save me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD