Pagkatigil ng police mobile sa harap ng presinto ay mga ilaw mula sa mga camera, mga ingay at mga katanungan ang sumalubong sa akin. Nanatiling tikom ang aking bibig habang inieskort ako ng mga police papasok sa loob. Alam kong umabot na sa ibang bansa ang eskandalo na ito. Ang buong akala ko pa man din, sa oras na tumapak na ako dito, tatantanan na ako ng gulo pero nagkamali ako. Mas lalo lumala ang sitwasyon. At ito ang kinahinatnan ko ngayon.
Wala akong lakas, ubos na dahil sa emosyon na nagkahalo-halo na sa aking sistema. Hindi ko alam kung natawagan ba ni Ramey ang pamilya o ang angkan na naiwan ko sa Pilipinas tungkol sa balitang ito. Ilang beses ko ipinapanalangin sa pamamagitan ng aking isipan na sana ay mabigyan-solusyon na ito. Unti-unti na nabubuo sa aking isipan ang pagkaayaw at takot na namuo sa aking sistema. Hindi ko nakikita ang sarili ko na tumira dito o tumapak muli ang mga paa ko sa Kaharian ng lalaking minsan kong inibig.
This is just so unfair. Hindi ko teritoryo ito kaya wala akong kakayahan na isalba ang aking sarili sa mga taong mapanghusga. Sa mga taong walang nais makinig sa mga daing ko. Tanging pamilya ko lang. Pero wala sila ngayon dito. Hindi ko magawang magsumbong sa kanila kung gaano kasakit ang naukit na dito sa aking puso.
Hanggang sa idinala nila ako dito sa Interrogation Room. Pilit nila akong pinaupo sa silya ngunit nanatili pa rin akong nakaposas. Medyo madilim ang paligid, may maliit na ilaw na nakatapat sa akin. Dalawang lalaki at ako lang ang naririto. Tahimik lang ako nakaobserba sa kanila. Wait, I need a lawyer. I need a help from Aunt Naya, she could help me whatever happens!
Hinagis nila ako papasok sa kulungan. Napangiwi ako sa sakit, pakiramdam ko ay mababalian ako ng buto nang wala sa oras. Pilit kong tumayo at hinabol ko pa sila pero humarang na ang selda sa akin. Napahawak ako doon. Ilang beses akong nagsisigaw at nagmamakaawa na palabasin nila ako dahil wala akong ginawa.
"Please! I'm not a thief! I don't steal anything from her!" malakas kong pagsusumao sa kanila. "Get me out of here!"
Ngunit bigo ako. Wala ni isang lumapit na pulis sa akin upang pakinggan ang panig ko. Dinadaan-daanan lang nila ako. Hindi pa rin ako sumusuko. Nagsisigaw ulit ako hanggang sa napagod na ako. Marahas kumawala ang mga luha at umagos ang mga 'yon sa aking magkabilang pisngi. Pinipiga ang puso ko sa kamalasan na nangyayari sa buhay ko. Dahil na rin sa panghihina ay dahan-dahan akong napaupo sa sahig pero sige pa rin ang hagulhol ko.
"B-baba... Ma-ma... Ahia..." tawag ko sa pamilya ko kahit wala sila sa aking tabi.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Sige pa rin ang pag-agos ng aking mga luha.
Tumingala ako sa kisame. "Choma Eufemia... Anong gagawin ko...? Atsi Vivi... Please...Help me..." I said between my cries.
Kinabukasan ay narating na namin ang Interrogation Room. Balisa ako. Pwersahan nila akong pinaupo sa isang silya. Nasa harap ko ang dalawang lalaki na tingin ko ay mga imbestigador sila. Sinimuan na din nila akong tanungin sa pamamagitan ng mga matigas na Ingles. Pormal ko sinasagot ang mga iyon. Ipinamulat sa amin ng aming mga magulang kung papaano manindigan. Maging matapat at maging natural sa harap ng mga taong nakakasalamuha namin. Kahit na ilang beses din umuukit sa aking isipan ang mga katanungan na bakit ako ang pinagbibintangan na ako ang nagnanakaw ng walang kwentang alahas na 'yon? Sa totoo lang ay kaya kong bumili n'on kahit ilan pa at mas mahal pa! Isa akong Hochengco. Kung anuman ang magugustuhan ko ay kayang kaya ko makuha 'yon sa isang pitik lamang kaya wala sa bokabularyo ko ang salitang nakaw!
Kahit ilang beses na nilang ibinabalik ang tanong ay hindi pa rin ako pumalag. Wala silang mahihita sa akin dahil nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit ilang beses na nila akong pinipiga at inuutusan nila akong umamin sa isang sala na kahit kailan ay hinding hindi ko ginawa!
Maraming daw nakasaksi na nasa maleta ko ang necklace. Sabi ng isa sa mga imbestigador.
I smirked. "If so, how could she have known that her necklace was there?" ako naman ang nagtanong sa kanila.
Natigilan silang dalawa sa aking tanong. Umiba ang ekspresyon ng kanilang mukha. Kung kanina ay nagawa nilang maging kalmado sa harap ko, ngayon ay napalitan 'yon ng galit. Na parang pinaratangan ko ang pinakamamahal nilang prinsesa.
"How could you? How dare you to accuse the Princess?!" sininghalan niya ako.
Malamig na tingin ang iginawad ko sa kaniya. Hindi ko magawang magulat sa kaniyang pasigaw. Diretso lang akong nakatingin sa imbestigador. "Because not everyone, whether high or low is kind and pure."
Nagtiim-bagang siya. Walang sabi na tumayo siya't dinaluhan ako, dahil sa mabilis na pangyayari ay hindi ko maiwasan ang malakas na sampal na dumapo ang aking pisngi. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa. Para akong nagising sa katotohanan ng mga oras na 'yon. Sa unang pagkakataon ay pinagbuhatan ako ng kamay. Maski isa sa mga kuya ko, kahit sina mama at baba ay hinding hindi nila magagawa sa akin ang bagay na ito. Hindi nila ako magawang saktan. Pero ang mga tampalasan na mga Arabo na ito, magagawa nila sa akin ang mga bagay na ito?!
"Shut your mouth or else, we're going to ripped that!" pagbabanta niya sa akin.
Matalim ko silang tiningnan.
Tumayo ang isa pang imbestigado. Lumabas siya saglit. Naiwan ako sa imbestigador na ito na nanakit sa akin! Ang akala ko ay kuntento na siya sa pagsampal niya sa akin. Hindi pa pala. Nagawa pa niyang sabunutan ang buhok ko at pwersahan na iminumudmod niya ako sa mesa. Malakas ang impact ay hindi ko mapigilang mapadaing dahil sa sakit. Napangiwi ako. Kung anu-ano na ang mga pinagsasabi niya sa salitang arabo kaya wala na akong naiitindihan.
Nabitawan lang niya ako nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Agad akong tumingin doon. Napaawang ang bibig ko dahil hindi lang ang imbestigador ang bumalik. May mga kasama siya na kapwa din niyang pulis. Apat sila. Hindi ko alam pero bigla ako ginapangan ng pinaghalong kaba at takot. Nakangisi ang mga ito nang tumingin sila sa akin. May pag-uusap pa sila bago nila ako lapitan. Ang imbestigador na nanakit sa akin ay marahas akong hinawakan. Pilit kong pumalag at kumawala subalit bigo ako. Hanggang sa nahawakan na ako ng iba.
Pinahiga nila ako sa mahabang mesa sa silid na ito. Ilang beses ako nagpumiglas ngunit masyado silang malakas. Hindi ko sila kaya! Hindi sapat ang tulog ko habang nasa loob ako ng kulungan! Sinubukan kong sumigaw para humingi ng saklolo pero agad nilang tinakpan ang bibig ko.
'Mama! Baba!' sigaw ng parte ng aking isipan. 'Vander ahia! Zvonimir ahia! Vladan ahia! Atsi Vivi...'
Bigla sinuntok ang sikmura ko kaya mas lalo ako nakaramdam ng panghihina. Namumuo na naman ang mga luha sa aking mga mata. Napangiwi ako dahil sa sakit. Mabilis nilang nilagyan ng busal ang aking bibig.
Inumpisa na nilang pinaghahalik-halikan ang aking leeg, ang mga kamay at binti ko. Kung saang parte ng aking katawan na rin sila humahawak. Panay iyak ko. Kahit na nakabusal na ang aking bibig, hindi pa rin ako sumusuko, humihingi pa rin ako ng tulong. Sa tuwing ginagawa ko 'yon, ilang sampal pa ang natatanggap ko. Nalalasahan ko na din ang dugo sa aking bibig.
"Mama... Baba..." naiiyak kong tawag sa kanila.
Mariin akong ipinikit ang aking mga mata.
"Baba...." humihikbi kong tawag.
Bigla nagbukas ang pinto ng silid na ito. Lahat ay natigilan, pati na din ako. Awtomatiko kaming napatingin sa pinto. Tulala ako nang makita ko kung sino ang nakatayo doon. Umawang ang aking bibig. Bakas sa aking mukha na hindi makapaniwala.
Nakaukit sa mukha niya ang galit lalo na't makita niya ang kalagayan ko ngayon. Nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay. "Chief, what will happen if these bastards could touch my daughter?" seryoso at matigas niyang tanong sa may edad na lalaki na nasa kaniyang tabi. "And this is the strong evidence, isn't it?."
"Capital Punishment." wika nito. Bakas din sa mukah niya ang galit. "Death."
Binitawan ako ng mga lalaki at pinatawag. Agad ako dinaluhan nina baba, kahit ang iba kong tiyuhin. Agad ako ginawaran ng mahigpit na yakap ni baba. Doon na naman ako napaiyak. Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang damit dahil sa poot at galit na nararamdaman ko para sa mga lalaking pagsamantalahan ang kahinaan ko. Hinaplos niya ang aking buhok.
"Narito na ako, aking bunso. Huwag ka nang umiyak." alo sa akin ni baba.
"Ayoko na dito, baba... Please, umuwi na tayo..." pagmamakaawa ko pa kahit humihikbi pa ako. "Natatakot na ako, baba..."
Mahinang tinapik ni baba ang aking likuran. Rinig ko ang pagsinghot niya. Hindi ko man nakikita ang ekspresyon ng kaniyang mukha, ramdam ko ang sakit at galit doon. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. "Thank God, I'm not late..." hinagpis ni baba. "Ayoko nang maulit ang nangyari noon, anak."
Mariin akong pumikit. Ginantihan ko din siya ng yakap. Mas mahigpit. Na tipong ayokong kumawala sa kaniya. Mas isiniksik ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
"Let's go home, Verity..." rinig kong wika ni tito Keiran.
Kumalas kami ni baba ng yakap sa isa't isa. Hinagod niya ang aking buhok na para bang ituring niya ako ay isang paslit. "He's right. Your mama and your ahias were waiting for us."
Dahan-dahan akong tumango bilang pagsang-ayon.
**
Lumipas ang dalawang linggo buhat wala na ako sa Middle East. I'm still under of psychological treatment. Ang sabi ng doktor na nakakausap nina baba at mama, masyado akong nabigla. They're hoping for my fast recovery, sa gayon ay bumalik na ako sa dati at normal ang buhay ko. Bihira na din akong nag-a-aout of town mag-isa. Madalas din ay nasa bahay ako. Pero hindi pa rin mawala-wala ang gala namin tuwing gabi. May social life pa rin naman ako kahit papaano. Pero dahil nasa treatment pa rin ako, may limitasyon na.
Pero para sa akin, namuo ang galit at poot sa puso ko para kay Ramey. Mas sagad ang galit ko sa Hafsah na 'yon na kahit sabihin nating nakakulong ito ngayon dahil sa maling akusa niya sa akin. Hindi daw niya akalain kung ano ang magagawa ng angkan na ito laban sa kaniya. Ilang beses na siyang nagtangkang kausapin at humingi ng tawad sa akin pero hindi ko pinagbigyan. Lalapit palang ay agad na ako umiiwas. Talagang ipinaramdam ko sa kaniya kung gaano kadisgusto ko sa kaniya. Ilang beses ipinapanalangin na sana ay hindi na muli magkukrus ang mga landas namin. Lalo na si Ramey. Ayoko na siyang makita. Pero ang sabi nga nila, masyadong maliit ang mundo. Magkikita at magkikita kami sa hindi inaasahan na lugar at oras.
Naglalakad ako sa pasilyo ng Hochengco Mansion. Magtiitmpla sana ako ng gatas. Napatingin ako sa mga bintana na nasa tabi ko lang. Malakas ang ulan sa labas. Tinanggal ko ang earplug na nakasalpak sa aking mga tainga dahil nagsasoundtrip ako sa cellphone ko. Lumihs ang aking daan. Nilapitan ko ang bintana. Marahan kong idinapo ang isa kong palad sa bintana.
May pumukaw ang aking atensyon. Tumingin ako sa ibaba. Natigilan ako nang makita ko doon si Ramey. Kaharap niya si baba. Napasinghap ako nang masaksihan ko kung papaano sinuntok ni baba si Ramey. Napasapo ako sa aking bibig dahil sa gulat. Mula dito ay kita ko kung papaano kagalit ang aking ama. At ngayon ko lang siya nakitang ganoong kagalit nang matindi.
Napasubsob sa bricks si Ramey. Nilapitan pa siya ni baba saka kinuwelyuhan. Muli ito nagpakawala ng suntok. Dahil nakasara ang mga bintana dahil sa ulan ay hindi ko narinig ang kanilang pag-uusap. Pero base sa kilos niya ay parang nagmamakaawa si Ramey kay baba.
"Nagpupumilit siya na gusto ka niyang makita."
Napatingin ako sa aking kaliwa. Si Vesna. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa labas. Hindi ko magawang magsalita.
Huminga siya ng malalim. "Galit na galit si tito Vlad dahil pinabayaan ka ni Ramey sa bansa na 'yon. Well, hindi ko masisisi si tito. Kahit naman ako ay hindi ko siya mapapatawad sa kaniyang ginawa." sumulyap siya sa akin. "Binalaan siya ni tito na bawal na siyang makalapit sa iyo kahit anuman ang mangyari. Ngayon, nakita na niya ang malaking pinagkaibahan ninyong dalawa."
Ibinalik ko ang aking tingin sa labas. Wala na doon si baba, tanging si Ramey nalang. Pero hindi ko akalain kung ano ang ginagawa niya ngayon. Nakaluhod siya sa harap ng Mansyon na ito. Halos halikan na niya ang lupa sa kaniyang ginagawa. Tingin ko ay humihingi siya ng tawad. Parang pinipiga ang puso ko sa aking nakikita. Damn it, huwag na huwag kang lumambot, Helena Verity Hochengco!
Kinuyom ko ang aking palad hanggang sa manginig na ito dahil sa galit.
"What are you going to do now, cous?" pormal na tanong niya sa akin.
Lumunok ako. Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Let him suffer." malamig kong tugon saka nilagpasan ko ang pinsan ko.