Two years later.
Mabilis kong naipark ang aking sasakyan sa Parking Lot na nasa harap lang ng isang gusali. Ibinaba ko ang sunvisor, may salamin kasi doon kaya hindi ako mahihirapan sa pagretouch. Nagpahid ako ng lip tint saka inayos, pati na din ng cheek tint. Nang makutento na ako, nagpasya na akong bumaba ng sasakyan habang suot ko ang aking leather sling bag. Dumiretso ako pumasok sa isang matayog na gusali. Unang bumati sa akin ay ang guard na pinagbuksan pa niya ako mismo ng pinto. Matamis akong ngumiti sa kaniya at binati ko din siya pabalik.
Pagkatapak ko sa lobby ng building ay sinalubong na ako ng sekretarya ko. Kaya lang ako naparito dahil nag-iwan siya ng mensahe sa akin na may gustong magrenta ng isa sa mga unit ng building na ito. Hindi na ako nagdalawang-isip tutal naman ay marami pa namang unit na bakante dito.
Yes, this building is mine. Nang una ko itong makita ay mga condo unit na talaga ang laman nito. 'Yun nga lang, walang gustong bumili dito at palugi na siya. Kaya ang ginawa ko, binili ko mismo ang gusali at tinawagan ko pa sina Nilus ahia at Massimo para ayusin at mas maganda ang kalalabasan. Hindi ko ipagbibili ang mga unit na ito, bagkus, ipaparenta ko pa, lalo na sa mga estudyante dito sa Maynila. Hindi na masama. Actually, I owned sixteen buildings around here in Manila. Buhay na buhay ako kahit pagrerenta lang negosyo ko. Ngunit hindi lang mga bahay ang ipinaparenta ko. Kahit mga sasakyan.
Sa loob ng dalawang taon buhat umuwi ako dito sa Pilipinas, galing sa Saudi Arabia, ginawa ko ang lahat upang makaalis ako sa mapait na nakaraan. Malaking pasasalamat ko dahil hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. Hindi sila pumapayag na tuluyan akong bumagsak. Gumawa sila ng paraan para maalis na sa isipan ko si Ramey at isa ang mga negosyo ko na ito ang pinagkakabalahan ko ngayon. Kung tungkol sa naging mga isyu ko noon, nawala na. Maaga palang kasi ay hinarangan na ng angkan tungkol sa bagay na 'yon kaya malaya na akong nakakalabas at pumunta kung saan man ako pumunta, lalo na sa social life ko.
Ang sekretary ko na mismo ang nagbukas ng pinto. Tumambad sa akin ang isang babae na napatayo sa kaniyang kinauupuan habang naghihintay sa akin. She looks a brunette. Base sa kaniyang kasuotan laking-Amerika siya. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya nang makita niya ako.
Dinaluhan ko siya saka nilahad ko sa kaniya ang isang palad ko. "Good morning, Miss...?" hindi ko madugtungan ang aking sasabihin dahil hindi ko alam ang kaniyang pangalan, lalo na't ngayon ko lang siya nakita.
"Gerlie Guevarra." papakilala niya nang tanggapin niya ang aking palad.
Ako na ang unang bumitaw mula sa kaniya. Hindi mawala ang ngiti ko. Lumipat ako sa aking leather chair para magkausap na kami ng maayos para sa sadya niya dito. "My secretary informed me you want to rent, am I right, Miss Guevarra?" pormal kong tanong.
Awtomatiko siyang tumango. "Yes, my friend recommend this building. Magaganda daw ang mga units ninyo dito. Since I'm here for work, I need a comfortable stay, of course." aniya. Huminto siya saglit sa pagsasalita. May inilabas siya sa mula sa kaniyang bag. Ipinakita niya sa akin 'yon. Isang brochure. "I wanna know if this unit is still available?" turo niya sa picture.
Sumandal ako sa aking leather chair. Kusa akong tumango. "Yes, it's still available. Eleven units, actually." tugon ko.
Tila nakahinga siya ng maluwag sa aking sinabi. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "I'll take this." wika pa niya.
I raised my eyebrows in suprise. Wow, walang pagdadalawang-isip ang isang ito. Kumpirmasyon lang ang kailangan niya, tapos kukunin na niya ang isang unit. Hindi ko mapigilang mapangiti. Hinatak ko ang isang drawer ko. Inilabas ko mula doon ang mga papel na kailangan. Tenant's information form and a contract. Ipinatong ko ang mga 'yon sa ibabaw ng mesa. Pinakita at ipinaliwanag ko sa kaniya ang mga mangyayari sa oras na tumira siya dito. Mukhang naitindihan naman niya pero iisa pa rin ang kaniyang pasya-kukunin niya pa rin ang unit.
Nagkapirmahan kami saka nilahad ko sa kaniya ang isang palad ko bilang pagbati dahil magiging isa siya sa mga tenant ko. Nasabi ko din sa kaniya kung kailan siya pupwedeng maglipat ng mga kagamitan niya sa unit na kinuha niya. For now, ipapaayos ko ang unit rerentahan niya sa gayon ay wala na kami masyadong iitindihin pa. Nagpasalamat din ako sa kaniya dahil nagkaroon siya ng tiwala.
Pagkatapos namin mag-usap ay nagpaalam naman ako sa aking sekretarya na kinakailangan ko munang umalis dahil kikitain ko ang mga pinsan ko sa restaurant ni baba. Tiyak ay hinihintay na nila ako dahil isang espesyal okasyon ang gaganapin ngayong araw.
**
Hindi ko mapigilang mapangiti at pumalakpak nang masaksihan namin kung papaano lumapat ang mga labi nina Killian at Jovelyn. Ang iba pa sa mga pinsan naming mga lalaki ay sumipol pa. Natatawa naman kami sa mga kabaliwan nilang ginawa. Humarap sila sa amin saka inangat nila ang kanilang mga kamay. Mas lalo umingay ang loob ng simbahan. Tanda na tanggap namin ang pagmamahalan nila sa angkan na ito. Maski ako ay hindi ko aakalain na magiging lalaki si Killian at si Jovelyn lang ang makakagawa n'on.
Bilang nalang sa daliri kung sino sa amin ang wala pang asawa pero hindi kami nagmamadali. Kahit si Eilva ay masayang masaya na siya sa asawa niya ngayon. Si Vesna naman ay buntis na't tanggap na niya ang kalagayan niya ngayon, nasaksihan ko din kung papaano na din siya nahulog sa asawa niya ngayon. Samantalang ako? Wala pa sa bokabularyo ko ang mga salitang pag-ibig.
"Si Verity nalang pala ang hindi pa nakakapag-asawa sa magkakapatid." kumento ni tita Naya na may ngiti sa kaniyang mga labi. Napadpad kasi ako sa round table kung nasaan sila. "Wala ka bang balak pumasok ulit sa pag-aasawa, iha?"
Sinuklian ko 'yon ng halakhak kahit na tinatakpan ko ang aking bibig para mabawasan ang ingay at hindi makakuha ng atensyon ng iba. "Naku, tita. Wala pa po ako balak." I answered sweetly.
Umiba ang ekspresyon ni tita Naya. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Iha, may edad ka na din naman. Dapat ay nalagay ka na din sa tahimik."
Inilapat ko ang mga labi ko saka yumuko. "Sa ngayon po ay nag-eenjoy ako sa buhay, tita. Sadyang hindi pa dumadating ang tamang lalaki para sa akin."
Pagkatapos ay nagpaalam na din ako kay tita Naya. Dumako naman ako sa mga waiter na may mga hawak na wine flute. I grab a one glass of champagne. Rinig na rinig ang mga upbeat na kanta dito sa reception. Mukhang nag-eenjoy ang angkan sa gabing ito. Mga bigatin ang mga bisitang inimbitahan dito. Masaya ko lang sila pinagmasdan. Wala pa ako sa huwisyo para makisali sa dance floor kahit na kinakawayan na ako ng iba ko pang pinsan na sumali sa kanila. Maybe later.
Sumandal ako sa bar counter. Uminom ako ng kaunti mula sa wine flute.
"Bakit ayaw mo pa sumali?"
Agad akong tumingin sa aking kaliwa nang may kumausap sa akin. Si Vesna. Nakangiti sa akin at tumabi pa. Wala siyang hawak na kung anong alak dahil bawal sa kaniya. Ang tanging ginawa lang niya ay hinimas niya ang kaniyang tyan na may umbok na. Halatang buntis na siya sa lagay na 'yan. Wait, baka hanapin siya ng asawa niya kapag nagkataon. "Wala pa ako sa mood." tugon ko pa saka uminom ulit.
"I see." saka umupo siya sa bar stool. Nagpangalumbaba siya. Nakaharap siya kung nasaan ang mga bartender. "Maitanong ko lang."
Napukaw niya ang aking atensyon. Tialikuran ko ang dancefloor. "What is it?" kaswal kong tanong.
"Matagal ka nang walang lovelife, may plano ka bang makipagrelasyon ulit?" direstahan niyang tanong.
Unti-unti nawawala ang tamis na ngiti sa aking mga labi. Tila may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Natahimik ako. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay titigan ang hawak kong glasswine.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam naming may nararamdaman ka pa rin para sa kaniya, cous." she said.
Bumaling ako sa kaniya. "Vesna..." tila nagulantang pa ako sa naging pahayag niya.
Malamig na tingin ang iginawad niya sa akin. "Alam mo kung gaano kagalit si tito Vladimir sa ginawa ng lalaking 'yon sa iyo, Verity. Kung pupwede lang namin diktahan ang puso mo na tumibok ang puso mo sa iba, huwag lang sa kaniya." inabot niya ang isang kamay ko. "Galit kami sa taong nananakit sa iyo, dahil kami mismo, hindi namin magawa 'yon sa iyo."
Sa mga salitang binitawan ng pinsan ko. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ako bulag, pipi, at bingi para hindi malaman kung gaano kahalaga sa angkan na ito. Sa mga panahon na lugmok ako, walang araw na hindi nila ako iniwan. Walang oras na hindi nila ako kinakamusta at malaman kung ano ang kalagayan ko. Nang malaman nila kung ano ang ginawa ni Ramey sa akin, 'yon din ang simula nag-alab ang galit nila. Lalo na ang mga kapatid ko. Si mama ay umiyak dahil sa takot na baka naulit na naman ang nakaraan.
"Pinipilit kong burahin siya sa puso't isip ko, Vesna." nagawa kong sabihin 'yon. "Kahit ang hirap..." inilapat ko ang mga labi ko. Ayokong maiyak o maging emosyonal sa harap niya.
"Dalawang taon nang nakalipas, Verity. You can do it. You can forget that jerk."
Sisikapin ko. Sana nga ay magawa ko siyang mabura sa sistema ko.
**
Lumipas ng isang linggo buhat ikinasal sina Killian at Jovelyn. Nakatanggap ako ng tawag mula sa sekretarya ko na may bagong tenant. Hindi ulit ako nagdalawang-isip na puntahan 'yon. Gusto ko kasi na ako ang mismong haharap sa kanila para naman makilala ko sila. Pagkatapos ko makausap ang sinasabing tenant ng sekretary ko, kinakailangan ko naman pumunta sa isang pang meeting, may gustong umupa ng commercial space somewhere in Cavite.
Pagpasok ko sa lobby ay sinalubong na ako ng sekretarya ko. Itinuro niya sa akin kung saan ko makikilala ang tenant na tinutukoy niya. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagtapak ko sa pinto ay natigilan ako sa aking nakita. Daig ko pang nakakita ng multo sa lagay na ito. Kasabay na halos kapusin ako ng hininga.
Nagtama ang aming paningin. Dahan-dahan siyang tumayo. Nakaukit sa kaniyang mukha na hindi makapaniwala. He's wearing a long sleeves white polo shirt and a color beige slacks, also na brown leather shoes. Para bang naging slowmo ang paligid namin. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon ko lang siya ulit makikita. Malaki na ang ipinagbago niya. Medyo nangayayat siya sa hindi ko alam na dahilan kung bakit. Wala rin akong balita na siya na ang namamahala ng kanilang bansa ngayon.
"Miss Ho..." he gave me a formal tone.
Umiwas ako ng tingin. Tinagilid ko ang aking ulo. "Tatawagin nalang kita kapag tapos na." utos ko sa aking sekretarya.
"Yes, Miss Verity." saka isinara na niya ang pinto ng opisina.
I compose myself first. Taas-noo akong tumingin sa kaharap ko. Kay Ramey. Ang lalaking minsan ko din minahal. Sa puntong ito, kailangan kong maging matatag sa harap niya. Na hindi na ako tulad ng dati na kaya na niya ako paikutin sa kaniyang mga palad. "It's been a while, Mr. Abadi." pormal kong wika. Dinaluhan ko ang aking leather chair. "Have a sit." sabay turo ko sa upuan na kinauupuan niya ngayon.
Sumunod naman siya sa aking sinabi. Sinikap kong huwag tumingin sa kaniya habang nagsasalita ako.
"So... Which unit do you want to occupy, Mr. Abadi?" pinipilit ko ding maging pormal sa harap niya.
"Where do you live?"
Natigilan ako. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "I'm sorry but this conversation is between the landlady and the tenant. It is inappropriate to ask those questions." saka hinila ko ang aking drawer para ilabas ang mga papel na kailangan niyang pirmahan. Ibinigay ko 'yon sa kaniya.
"I'm here to win you back again, Verity." diretshan niyang sambit.
Matalim akong tumingin sa kaniya. "And I don't have plans to make any relationship with you anymore, Ramey." matigas kong sambit. "Lalo na't ipinamukha ninyo sa akin na isa akong magnanakaw kahit hindi naman. You know where family I belong. Ang isang tulad ko, kuwintas ang nanakawin? Nahihibang na ba kayo? Kaya kong bumili kahit ilan pa. Kahit isang set pa ng alahas, kung gugustuhin ko."
Suminghap siya. "Verity..."
"Kung narito ka para guluhin mo ulit ang buhay ko. Don't dare, Ramey. I've got hit and hurt by you so I have to run from you. Dahil simula ng araw na 'yon, pinuputol ko na ang ugnayan ko sa iyo. Bumalik ka na kung saan ka nanggaling dahil wala kang mapapala dito sa Pilipinas." tumayo na ako. Lalayasan ko na sana siya pero nagawa niyang hulihin ang isang kamay ko. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkahawak niya sa akin kaya hindi agad ako makawala. Sisigaw sana ako para humingi ng tulong pero muli siya nagsalita.
"Wala na rin akong mapuntahan, Verity." diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata. "Hindi na ako ang Prinsipe na nakilala mo. Tinalikuran ko na ang buhay na meron ako noon. Iniwan ko na ang lahat, ang pamilya at ang mga paniniwala ko. Dahil ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw lang ang mauuwian ko."
Natahimik ako.
"I got suffer and longing for you. Now I'm here, all of it exactly what I'd always wanted dreamed about." halos pumiyok na siya. "But there's more to my dreams. You... Nagawa ko na ang pangako ko sa iyo."
"A-anong pinagsasabi mo...?"
"I'm now a common person and got baptised as a Christian, player."