chapter 14

2060 Words
Marahas kong binawi ang aking kamay mula sa pakahawak niya. Matalim akong tumingin sa kaniya. Kita ko kung papaano siya nagulat sa aking inakto. Seryoso akong tumingin sa kaniya. Aminado ako, umaapaw ang galit sa aking sistema ngayon. Lalo na't nagkita na naman kami sa ganitong pagkakataon. Mula nang araw ding 'yon, hinding hindi ko makakalimutan kung papaano niya ako iniwan sa ere. Kung gaano kasakit at mapait ang dinanas ko mula sa bansa na 'yon! "Verity..." tawag niya sa akin na may halong pagmamakaawa. Tumaas ang isang kilay ko. "Marami akong gagawin ngayon, Mr. Abadi. If you excuse me, ang sekretarya ko na mismo ang kakausap sa iyo. Siya na ang magsasabi sa iyo tungkol sa mga terms and conditions regarding the space you will occupy..." tinalikuran ko na siya't humakbang na ako palayo mula sa kaniya. Kahit wala na siya sa paningin ko, ramdam ko pa rin ang kaniyang presensya sa likuran ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko. Na kaya kong tumayo at maging maayos sa harap niya. Na balewala lang siya sa akin. Pero ang hirap, lalo na't ramdam ko kung paano pinipiga ang puso ko, kung papaano bumigat ang pakiramdam ko. Nakikipagkompetensya naman ang galit ko sa aking sistema. Para bang sinasabi sa akin na huwag akong maging malambot. Ano naman ngayon kung nagpaconvert siya bilang Kristiyano? Maibabalik ba niya kung ano ang ginawa niya sa akin? Maibabalik pa ba sa dati? Maiaalis ba niya sa akin ang terible na nangyari sa akin doon? Diba, hindi na? Lumiko ako ng daan, doon ako tumigil sa paglalakad. Sumandal ako sa pader na nanghihina. Tumingala ako saka suminghap para makalanghap ng hangin na kanina pang kinakapos buhat nang nagkaharap na kami ni Ramey. Nagbabadya na din ang luha na gusto nang kumawala pero pinipigilan ko lang. Sa totoo lang, hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya na makaharap siya. I need more time. At dito rin naman ako magaling, hindi ba? Ang tumakbo at lumayo sa katotohanan. Sa pagkukungwari. Nang mapakalma ko ang sarili ko ay pinili ko nalang na puntahan kung nasaan ang unit ko sa building na ito. Kahit saglit lang kami nagkaharap ni Ramey, pakiramdam ko ay naubusan na ang lakas ko. I need to take some rest again. Kailangan kong makapag-isip ng tama. Mahirap na kung puro galit ako ngayong araw. - Tahimik at seryoso akong umiinom ng red wine mula sa aking kopita. Nakatunghay lang ako sa bintana ng aking penthouse. Mula dito ay tanaw ko ang magagandang ilaw na nanggagaling sa syudad. It's so lively and busy as usual. Good thing is, wala namang napag-usapan sa aming magpipinsan na aalis o may pupuntahan. Mag-aaya ng party or club. Atleast, makakapagrelax ako ngayon. Siguro ay maaga din ako makakatulog ngayon kaya pagdating ko dito ay agad na ako nakapagshower at nakapagpalit ng nightdress na pinatungan ko pa ng floral kimono robe tutal ay naririto lang naman ako sa bahay. Sa gitna ng pag-iinom ko ay tumunog ang cellphone ko. Napukaw n'on ang aking atensyon. Marahan kong ipinatong ang kopita sa aking tabi saka hinawakan ko naman ang cellphone. Bahagyang kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang pangalan kung sino ang tumatawag. Si ahma Idette! Agad ko tinanggap ang tawag saka idikit ang aking telepono sa aking tainga. "Ahma?" "Hello, my lovely Verity." isang malambing na boses niya ang ibinungad niya sa akin. "Hinahanap kita kanina, mga kuya mo lang ang sumundo sa akin sa airport." Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Wait, ibig po sabihin... Nakabalik na kayo dito sa Pilipinas... Ang akala ko nasa Shanghai pa rin po kayo." Marahan siyang gumawa. "Apo naman, syempre gusto ko ding umuwi kahit na abala kami ng angkong mo sa negosyo doon. Gusto namin kayo makita kaya umuwi kami." Sa sinabi ni ahma, tila hinaplos ang aking puso. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Namiss din po kita, ahma..." hindi ko mapigilang sambitin ang mga katagang 'yon. Nalaman din ni ahma kung anong nangyari sa akin habang nasa Saudi ako. Napauwi din sila sa Pilipinas ng mga oras na 'yon, isa siya sa sumalubong sa akin pagkauwi namin ni baba dito. Along with my angkong. Tulad ni mama, umiiyak at nasasaktan sila para sa akin. Isa din siya sa nagbabawal sa akin na huwag na huwag na ako makikipagkita kay Ramey. Damn. "By the way, Verity." pag-iiba niya ng usapan. "May pasalubong ako sa iyo. Bukas ko na ipapakita, ha? See youn in Diamond Hotel, alright?" "Okay po, ahma..." Hanggang sa nagtapos na ang pag-uusap naming dalawa. Actually, medyo naku-curious ako kung anong pasalubong na binabanggit ni ahma sa akin. Ngumuso ako saka uminom ulit ng red wine na siya naman may nagdoorbell sa labas. Umukit ang pagtataka sa aking mukha kaya. Ibinalik ko na naman ang kopita sa ibabaw ng bar counter. Umalis ako mula sa kinauupuan kong high stool. Nilapitan ko ang pinto. Hindi ako nag-abalang tingnan ang monitor kung sino ang bisita. Binuksan ko ang pinto. Natigilan ako nang tumambad sa akin kung sino ang nasa harap ko ngayon. Bahagyang umawang ang aking bibig nang makita ko ang bulto ng isang lalaki. Nagtama ang aming paningin, kasabay na parang tumigil na naman ang puso ko sa pagtibok. "Anong ginagawa mo dito?" malamig at matigas kong usisa sa kaniya. At papaano niyang nalaman kung saan ang unit ko?! Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Para bang pinag-aaralan niya ako sa lagay niyang 'yan. Agad ko iniwas ang aking tingin. "Kung wala kang sasabihin, maaari ka nang umalis." akmang isasara ko na ang pinto ngunit nagawa niyang pigilan 'yon. Namilog ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Dahil din sa mabilis na pangyayari ay nagawa niyang makapasok dito habang hawak niya ang magkabilang balikat ko! "What the hell?!" bulalas ko. Wala pa rin akong naririnig sa kaniya na kung anuman. Nagpumiglas ako mula sa pagkahawak niya sa akin. Dahil sa umaapaw na galit sa aking sistema ay nagawa kong kumawala sa kaniya, nagawa ko pa siyang itulak! "Anong problema mo, ha?!" asik ko pa. "Dahil sa ginawa mo, pupwede kitang kasuhan ng treSpassing!" Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga bago man siya magsalita. "This is the only way I think to talk to you, Player." aniya. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin pagkatapos ng lahat!" singhal ko pa. "And I want to say sorry for what I did, Player..." marahan at may halong pagmamakaawa niyang sambit. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko kaya tumigil siya. "Player..." Ibunuka ko ang aking bibig. "You don't know nothing, Ramey." matigas kong bigkas. "Ikaw lang ang makakapitan ko ng mga panahon na 'yon, bakit nagawa mo sa akin ang bagay na 'yon? Bakit nagawa mo akong pabayaan?" Pumikit siya ng mariin. "I'm so sorry, Player." "Hindi 'yan ang gusto kong marinig!" mas lalo lumakas ang singhal ko, punung-puno 'yon ng galit. "Hindi ko kailangan ng sorry mo, ang kailangan ko kung bakit! Ang paliwanag mo!" Dumilat siya't ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Nagtangka ulit siyang lumapit sa akin. Muli akong umatras. Sa aking ginawa, kitang kita kung papaano siya nasaktan pa lalo sa simpleng galaw palang na ito. "I'm so sorry of you felt that way... I'm so sorry that I wasn't there for you when you needed me..." basag ang boses niya nang sabihin niya ang mga salita na 'yon. "But I swear, I'm ready to follow you, I'm ready to protect you but..." suminghap siya. "I failed. Nagawa nila akong harangan... Pinagbabantaan nila ako, sa oras na tutulungan kita, they will disowned me..." Tila naninikip ang dibdib ko sa aking naririnig. Pakiramdam ko ay ilang beses pinagsasaksak ang puso ko. Namuo na ang mga luha sa aking mga mata, marahas 'yon tumulo at umayos sa aking pisngi. "I waited for you, Ramey... But you never came... No, you never came." suminghap ako. "I... I wish I could hurt you the way you hurt me... Ang sabi mo, papatunayan mo na hindi lahat ng lalaki ay ganoon... Pero mismo ako ang nagpapatunay na pare-pareho lang kayo!" "Verity..." "Sinabi ko na sa iyo kung bakit pinaglalaruan ko ang mga lalaki, hindi ba? Dahil sa nangyari sa nanay ko! Iniiwasan ko na ako ang masaktan! Na ako ang paglalaruan! Na hindi pagsamantalahan kahit babae ako! Pero ano?! Muntikan ko na rin maranasan kung anong naranasan ng nanay ko!" kahit na humahagulhol na ako, sinisikap ko pa ring harapin siya. Naaninag ko kung papaano siya nagulat sa aking rebelasyon. Namumula na ang mga mata niya, kita ko kung papaano tumulo ang luha sa kaniyang pisngi. Parang unti-unti siya nanghihina sa harap ko. "Verity..." akmang lalapitan pa niya ako pero kinuha ko ang kopita na nakapatong sa bar counter. Hinagis ko 'yon sa harap niya at nabasag, napaatras siya sa ginawa ko. Itinuro ko ang bubog. "Ganyan! Ganyan kung papaano mo ako winasak ng mga panahon na 'yon! Ngayon, papaano mo maibabalik 'yan sa dati!? Oo, maibabalik mo pero naroon pa rin ang lamat!" sabay itinuro ko ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso. "At ang hirap makalimutan! Ang hirap takasan kung alam mo lang, Ramey!" Ang akala ko ay aalis na siya o mananatili pa rin siya sa kaniyang kinakatayuan pero pinili pa rin niyang lumapit sa akin, talagang tinapakan niya ang bubog sa harap niya hanggang nagawa niya akong yakapin nang mahigpit. Nagpupumilit akong kumawala doon pero ayaw niya akong pakawalan. Ilang beses akong humugot ng hininga para gawin kong lakas ko upang makawala pero bigo pa rin ako. Kaya dinaan ko nalang sa paghigpit na pagkahawak ko sa kaniyang damit kahit na malukot ko pa ito. Sige pa rin ang pagtulo ng aking luha. Panay hingi pa rin niya ng dispensa sa akin sa pamamagitan ng maliit na tinig. Garagal na din ang boses niya. Hanggang sa nakakaramdam na ako ng panghihina at sumuko na. Iyak nalang ang tanging magagawa ko. "Narito na ako, ibuhos mo na sa akin ang sisi, Verity. Alam kong malaki ang pagkukulang ko... Malaking pagsisisi para sa akin kung bakit nagawa kitang pabayaan ka..." garagal niyang sambit. "Bilang kabayaran sa katangahan ko, iniwan ko ang lahat. Aanihin ko ang korona at titulo kung nagawa kong saktan ang babaeng ginagawa ko nang buhay ko?" Pumikit ako ng mariin, Hindi ko magawang magsalita. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. "Narito na ako, may pagkakataon na tayo para maging masaya. Wala nang haharang sa atin..." Marahan ko siyang itinulak. Dahan-dahan siyang humiwalay mula sa pagkayakap niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pamamagitan ng hinlalaki niyang daliri. "Do you believe in soulmates?" tanong ko. "Of course." walang alinangan niyang sagot. "Maybe we are soulmates, but just met at the wrong time, Ramey..." tuluyan ko nang inilayo ang sarili ko sa kaniya. Dinaluha ko ang pinto saka binuksan ko 'yon. Sa ginawa kong ito, siguro naman ay naiitindihan niya ang ibig kong ipahiwatig. "Player..." Pumikit ako ng mariin. "Please, go away." pakiusap ko sa kaniya. "But..." "Please." may kaunting tigas kong bigkas. Wala na akong marinig na salita mula sa kaniya. Tanging yabag ng kaniyang mga paa ang naririnig ko. Tumigil siya sa harap ko. Humarap siya sa akin. Hindi ko siya magawang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata. Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Napapikit ako nang maramdam ko ang kaniyang mga labi sa aking noo, sa ginawa niyang 'yon, ito yata ang pinakamasakit pagkatapos ang argumento namin kanina. Kahit halik lang 'yon, punong-puno na salita na nais niyang ipahiwatig. Pagkatapos ay umalis siya dito sa unit na may pighati at kalungkutan. Isinara ko ang pinto. Sumandal ako doon saka tumingala. Doon na naman kumawala ang mga luha. Pinadausdos ko ang aking likuran hanggang sa nanghina akong umupo sa sahig ng aking unit at nag-uumpisa na naman akong humagulhol. Niyakap ko ang aking mga binti. Walang humpay ang aking mga luha. Kahit anong punas ko, may panibagong luha na naman. Mas lalo nadagdagan ang sakit at bigat sa aking kalooban. I could define love is unfair. Bakit ba sa oras na itinutulak ko siya papalayo sa akin, nagiging mahina ako pagdating sa kaniya? And my worst battle is between what I know and I feel right now... ...And it just hurts a lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD