chapter 15

2036 Words
Isinara ko ang pinto ng aking kotse pagdating ko sa harap ng Diamond Hotel dito sa Makati. Good thing is nawala na ang pamamaga ng aking mga mata mula nang komprontasyon sa pagitan namin ni Ramey. Hanggang ngayon ay may galit pa rin akong natitira para sa kaniya. Ilang beses kong isiniksik sa aking isipan na maging maayos din ako lalo na't makakaharap ko na si ahma Idette sa mga oras na ito. Hindi niya maaaring malaman na nagkita na naman kami ni Ramey dahil tiyak hinding hindi niya ito magugustuhan. Lalo na't ngayon lang ulit siya nakauwi dito sa Pilipinas. May lumapit na valet sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na iabot sa kaniya ang susi ng aking sasakyan para i-park niya ang sasakyan sa Parking Lot. Mamaya ko nalang ibibigay sa kaniya ang tip niya sa oras na isasauli niya sa akin ang susi. Sa ngayon ay kinakailangan kong puntahan ang aking ahma dahil ayokong maghintay siya sa akin ng matagal. Hindi kasi maitatanggi na namiss niya kami, at ganoon din naman ako. Kung kaya diretso akong pumasok sa naturang hotel. Hindi rin maipagkaila ang five star hotel itong pinapasukan ko. Bumungad sa akin ang napakagandang interior. May mga common area sa paligid. May mga guest din na abala kinakausap ang mga receptionist, ang iba naman sa kanila ay abala na nakikipag-usap sa kapwa din niyang guest. Hindi ako matagal tumingin sa kanila. Agad hinahanap ng aking paningin ang Resto kung saan ko makikita si ahma Idette. Nagsimula na akong humakbang hanggang sa marating ko ang Resto kung saan ko makikita si ahma. Sa Yurakuen. It's a japanese resto. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Bago man ako tuluyang marating ang pwesto ni ahma ay may lumapit sa akin na isang babae na tingin ko ay siya ang nasa front desk ng lugar na ito. "I'm here under Madame Idette Ho's reservation." malumanay kong sambit sa babae. Tila na naitindihan niya ang ibig kong iparating. Siya ang mismo naghatid sa akin kung saan ako dadaan. Nakasunod lang ako sa kaniya. Excited pa ako sa lagay na ito. Mula sa aking kinaroroonan ay natatanaw ko na si ahma na nakaharap. Nakita niya din ako. Gumuhit ang kasiyahan sa kaniyang mukha nang makita niya ako. Pero ang kasiyahan na umaapaw sa aking sistema ay unti-unti itong nawawala nang makita ko na hindi siya nag-iisa. May kasama siya. Nakatalikod man sa akin ang kasama niya ay hindi ako nagkakamali na isa itong lalaki. Napalitan ng pagtataka sa aking mukha hanggang sa tuluyang nakalapit na ako sa kanila. Tumayo si ahma at dinaluhan ako. Nagbeso-beso kami. "Finally, you're here!" bulalas niya. "I miss you, ahma." malambing kong saad. Bumaling siya sa kaniyang kasama. Lumipat ang tingin ko doon. Tumayo ang lalaki. Base sa kaniyang hitsura ay isa itong pormal at masasabing mataas ang pinag-aralan nito. He looks gentleman din. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya para sa akin. "Verity, this is Bret Chau. He's the son of one of our investors in Shanghai." papakilala niya sa lalaki. Nilahad ng tinatawag na Bret ang kaniyang palad sa akin. "Hello, Miss Verity Ho. It's please to meet you." kahit sa boses niya ay makukumbinsi ka na isa nga siyang gentleman. Para hindi naman mapahiya si ahma ay tinanggap ko ang kaniyang palad. "Same here, Mr. Chau." wika ko na may maliit na ngiti Muli nagsalita si ahma, nag-aaya na siyang kumain. Sumang-ayon na lamang ako. Tahimik lang ako nakikinig sa kuwento ni ahma sa amin. Aminado akong nahihiya ako. Lalo na't wala na akong naging karelasyon sa loob ng dalawang tao. Tanging si Ramey lang ang huli naging boyfriend ko. Siguro ay dahil mas kinatakutan ko pa ang mga kalalakihan ngayon. Lalo na sa nangyari sa akin sa nakaraan. And wait, I realized... Ito ba ang sinasabi sa akin ni ahma na pasalubong niya sa akin?! "Bret, kumain ka lang nang kumain. Masasarap ang mga 'yan. Nakangiting sabi ni ahma. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. "Kamusta ka na, iha?" Tila nanumbalik ang aking ulirat sa kaniyang tanong. Umupo ako ng ayos. Ibinuka ko ang aking bibig, nangangapa kung ano ang isasagot. Ngumiwi ako. "Ayos lang po ako, ahma." tugon ko saka yumuko, kungwari itinuon ko ang aking tingin sa pagkain na nasa aking harap. Sige pa rin ang pagsasalita ni ahma. Para bang iniiwasan niya na magkaroon kami ng ilangan sa pagitan namin ni Bret. Sumesegwey pa siya ng biro sa gitna ng usapan para naman maging light lang ang mood. Pero ang mas ipinagtataka ko lang kung bakit panay banggit ng lola ko sa mga impormasyon tungkol sa akin? Don't tell me, inireto niya ako sa lalaking ito?! ** Pagkatapos kumain ay magpapaalam na sana ako para umalis na dahil nakatanggap ako ng mensahe inaaya ako nina Eilva na uminom. Dahil feel ko lang din uminom ay pinaunlakan ko ito. Pero bigla ako pinigilan ni ahma kaya gulat akong tumingin sa kaniya. "Verity, iha. I need a favor from you." malumanay na wika niya sa akin. Wala ngayon si Bret, nagpaalam na maghuhugas lang daw siya ng kamay. "W-what is it, ahma?" tingin ko ay wala naman ako dapat katakutan pero bakit bigla akong kinakabahan na ewan? Matamis ngumiti sa akin si ahma. "Can you please take care of Bret while he's staying here in Manila?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang sinabi. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "A-ahma?" tila hindi maproseso sa utak ko ang kaniyang sinabi. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Iha, dalawang taon na noong huli ka pumasok sa isang relasyon. I think this is your time to settle down." opinyon niya. "And I think Bret will be a good and right man for you." Tumuwid ako ng upo. Lumapat ang tingin ko sa sahig. "Pero, wala pa po isipan ko ang bagay na 'yan." pag-amin ko. "Dahil pa rin ba sa kaniya?" Muli akong tumingin kay ahma. Hindi ko magawang sagutin ang tanong na 'yon. Tila may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Ang dali lang naman kasing sagutin 'yon pero bakit nagkaroon ako ngayon ng alinlangan pa? Sumeryoso ang kaniyang mukha. Nagbuntong-hininga siya. "Ganito nalang, iha. Kahit sino ay pupwede mong mahalin. Pero huwag na huwag lang sa lalaking 'yon." aniya. Sa sinabi niya ay ramdam ko parang tinusok ang parte ng aking puso. "S-susubukan ko po, ahma." ** "Ayos lang ba talaga sa iyo na isama kita sa ganitong lugar?" nahihiyang tanong ko kay Bret nang nasa Parking Lot na kami ng Club, kung saan ko kikitain ang mga pinsan ko na paniguradong naghihintay na sa aking pagdating. Hindi ko nga lang nabanggit sa kanila na may kasama ako ngayon. Ngumiti siya. "Of course, wala naman problema sa akin. And besides, matagal-tagal na din akong hindi nakakapunta sa mga ganito." he answered. Imbis ay tango nalang ang ginawa ko. Inaya ko na siya na pumasok na kami sa loob ng Club kahit na dinig na dito ang mga upbeat at malalakas na tugtog mula sa loob. Nakasunod lang siya sa akin. Good thing is nakapasok kami dahil nasunod namin ang dress code ng club. Ilang beses na akong nakarating sa Luxury Club na ito kaya naman alam na alam ko kung saan ko matatagpuan ang mga pasawa kong pinsan at mga kapatid. Hays, bakit ba palagi nalang ako nagiging tourist guide sa tuwing may bisitang kasama ang mga kamag-anakan ko? Umakyat kami sa pamamagitan ng spiral na hagdan. I knew it, narito na nga sila. Hindi lang ako sigurado kung kompleto sila dahil sa dami nila. Halos sila na ang nag-occupy ng buong floor dito. Nang makita nila ako ay hindi sila nagdalawnag-isip na salubungan nila ako ng beso-beso at yakap. "Verity!" malakas at masayang na salubong sa akin ni Adler, may hawak siyang shot glass pero nagawa pa rin niya akong yakapin. "Sakto lang ang dating mo!" "Sorry, nalate ako. Nagkita kasi kami ni ahma." sabi ko sa kanila. "Oh, may kasama ka yata?" nagtatakang tanong ni Spencer, katabi niya ang kaniyang asawa na si MC. "Oo nga ano? Aba, ipakilala mo na 'yan!" bulalas naman ni Nilus ahia na kakatapos lang niya lagukin ang isang shot ng alak na hawak niya. Ngumiti akong bumaling kay Bret. "Cous, this is Bret Chau. Siya ang kasama ni Idette ahma from Shanghai." pahayag ko. "Bret, this is my cousin. Hochengco cousins." Unang lumapit si Rowan ahia at nakipagkamay siya kay Bret. "Welcome, pare. Shot ka muna." mabilis nilang inalukan ng alak ang kasama ko. Sa mukha ni Bret ay tila nahihiya pa siya. Nahihiya siyang tanggapin ang alak saka ininom sa harap namin. Naghiyawan ang mga pinsan ko. Hanggang sa tuluyan na nilang nahatak si Bret sa sa malawak at malambot na couch. Siya naman ang paglapit sa akin nina Eilva at Gayla. "Mabuti nalang may fafa ka nang dinala dito!" bulalas ni Eilva, sa hitsura niyang 'yan ay kulang nalang ay kurutin niya ako at sabihin niya na malandi ako. Bumungisngis naman si Gayla. "Oo nga, mabuti nalang talaga! Para naman tuluyan ka nang magmove on." segunda pa niya. Umingos ako sa kanila. "Hindi kami, okay?" kumpirma ko sa kanila. Umikot ang mga mata nila. Para bang nadismaya sila sa aking naging sagot. Si atsi Sarette naman ang lumapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya sa akin pero hindi. Bigla niyang hinatak ang isang kamay ko at napadpad kami sa railings. "Look." utos niya, sabay turo sa isang direksyon. "Tingnan mo kung sino ang pamilyar na mukha nang makikita mo." Naniningkit ang mga mata ko. Nang makuha ko kung sino ang tinutukoy ni atsi Sarette ay natigilan ako. What the hell? He's with someone. Masayang masaya siyang nakikipag-usap sa babae. At sa tingin ko, nakikipaglandian pa siya! "Anong balak mo?" tanong pa niya. Base sa boses niya ay tila nadedemonyo siya. "Are you going to have a revenge, like what you usually do?" Halos matalon kami sa gulat nang makita namin na si Vander ahia na pala ang nasa tabi namin. Seryoso siyang bumaling sa akin. Nakapamulsa siya. "Ahia..." He smirked. "He's broken and he's going to play a someone's f*****g heart again. And you...You used to be a player, shobe. What are you going to do now?" Natigilan ako. Maliban nalang sa humigpit ang pagkahawak ko sa railings. Wala akong makapang salita. Oo, matagal ko nang iniwan ang karaniwang ginagawa ko. Ang wasakin ang puso ng mga lalaki! "Sa unang round, natalo ka. Huwag mong sabihing... Tuluyan kang magpapatalo sa kaniya?" dagdag pa ni Vander ahia. "Vander, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" saway sa kaniya ni atsi Sarette. "Relax, atsi. May mga bagay lang talaga na kailangan kong iparealize kay Verity. When you got hit by a thing called love, you lost and you have to runaway. But in her case, kailangan niyang bumawi. She's a Hochengco by the way." paliwanag pa ng kapatid ko. Kinagat ko ang aking labi. Bigla akong umalis. Tinawag pa ako ni atsi Sarette pero hindi ko siya pinakinggan. Dumiretso ako sa direksyon kung nasaan si Bret, na kasalukuyang nakikipag-inuman sa mga pinsan ko. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Dire-diretso akong tumingin sa kaniya. Walang sabi na hinawakan ko ang kaniyang kamay saka kinaladkad ko siya hanggang sa marating namin sa dance floor. Sinadya ko kung nasa malapit lang ako ni Ramey at ang babaeng kasama niya! Tumigil kami ni Bret. Humarap ako sa kaniya. Siguro naman hindi pa gasgas ang mga moves ko pagdating sa mga ganito. Pakurap-kurap tumingin sa akin si Bret, mukhang nagtataka sa aking inakto. Pinatalikod ko siya kung nasaan si Ramey. "Verity...?" alangan na tawag sa akin ni Bret. Bigla ko siyang niyakap sa leeg. Mas lalo pa ako naging malapit sa kaniya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. At ang mas ikinagulat pa niya ay sinunggaban ko siya ng halik sa labi. Marahan akong pumikit para maramdaman niya na kungwari ay seryoso ako. Nanatili kami sa ganitong posisyon. Ilang segundo pa ay marahan kong idinilat ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay si Ramey na nakatingin sa aming direksyon. Nakasandal siya sa bar counter habang hawak niya ang isang baso ng alak. Nakuha ko ang emosyon na gustong gusto ko makita—nasasaktan siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD