Agad ko inihiwalay ang mga labi ko kay Bret. Dumilat siya't nagtama ang mga mata namin. Kita ko sa mga mukha niya ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa aking ginawa. Nanatili akong tahimik. Nag-iisip kung ano ang maaari kong sambitin sa kaniya sa oras na tatanungin niya ako kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon. Kahit ganoon ay ramdam ko na nanatili pa rin ang mga mata ni Ramey sa amin kaya ang magagawa ko sa ngayon ay matamis akong ngumiti kay Bret na akala mo ay wala lang sa akin ang nangyari.
"Sorry..." sambit ko pero tingin ko naman ay hindi naman maririnig ni Ramey ang pag-uusap namin ni Bret. Malakas ang tugtog dito sa loob ng club. Sakto lang ang distansya mula sa amin.
Kumurap tumingin sa akin si Bret. Dahan-dahan siyang tumango na para bang naiitindihan niya na naguguluhan pa rin sa nangyari. Para hindi kami lalo mahalata ni Ramey ay inaya ko na si Bret na bumalik sa second floor kung nasaan ang mga pinsan ko. Alam kong nawindang din sila sa nangyari kung makita man nila ang eksena kanina. Pumayag si Bret sa aking desisyon. Nakasunod siya sa akin pero bago man kami umakyat sa spiral na hagdan ay humarap ako sa kaniya. Tumigil siya.
Ngumiti ako. "Mauna ka na munang bumalik, Bret. Dadaan muna ako ng washroom." paalam ko sa kaniya.
"Baka magtaka ang mga pinsan mo kung bakit hindi na kita kasama." nahihimigan ko ang pag-aalala sa kaniyang boses. "Pupwede naman kitang hintayin dito."
Agad akong umiling pero nanatili pa rin nakangiti sa kaniya. "No, I'm fine, really." I assure. "Susunod nalang ako. Promise." giit ko pa.
"Are you sure?" paniniguro niya.
Tumango ako. "Oo naman. Kapag tinanong ka nila, alam mo naman kung ano ang isasagot mo."
Nagbuntong-hininga siya, para bang wala na siyang magawa pa. "Al...right. Hihintayin kita doon." tinalikuran na niya ako saka nauna na siyang umakyat sa spiral stair para bumalik sa pwesto namin.
Ako naman ay dumiretso na sa ladies' room. Bumungad sa akin na wala masyadong tao and I thanked for that. Atleast, I can take my time and composed myself. Inihanda ko lang ang sarili ko sa maaaring tanungin sa akin ng mga pinsan ko. Kung ano ang isasagot ko. Nilapitan ko ang sink saka naghugas ng kamay. After that, kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napatitig ako sa salamin na nasa harap ko. Malinaw at sariwa pa rin sa aking alaala kung ano ang reaksyon ni Ramey kanina sa ginawa ko. Oo, nasaktan ko siya pero wala na rin akong maisip na paraan para gumanti. Sa totoo lang ay hindi pa 'yon sapat sa kasalanang ginawa niya sa akin... Sa pagpapabaya niya sa akin. Pero bakit ako pa ang nasasaktan? Bakit kumirot ang puso ko? Bakit pati ako? Dapat siya lang!
Kinagat ko ang aking labi. Tinalikuran ko ang salamin saka sumandal sa sink. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni ahma. I appreciate her efforts to bring Bret here in the Philippines, alam kong inirereto niya ako. Pero pakiramdam ko ay mas lalo gugulo ang sitwasyon ko. Damn it.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka umiling para mawala sa isipan ko ang bagay na 'yon. Tumingala ako sa kisame saka marahas bumuga ng malalim na buntong-hininga. Sunod ko naman ginawa ay nilapitan ko ang heater. Itinapat ko ang mga kamay ko doon hanggang sa maramdaman ko ang init na lumabas doon. Nanatili pa ako ng kaunting sandali doon hanggang sa tuluyang nang natuyo ang aking mga kamay.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng Ladies' room. Babalikan ko na sana ang mga pinsan ko nang biglang may humigit sa akin. Kusang kumunot ang noo ko dahil sa pagkagulat. Tiningnan ko kung sino ang lapastangan na humigit ng aking kamay. Kahit nakatalikod ito sa akin ay kilalang kilala ko kung sino ito. Kahit na ganito ang ginagawa niya sa akin ay hindi na ako nagulat pa. Inaasahan ko na ganito ang mangyayari. Wala akong lakas upang magpumiglas o manlaban pa. Hinahayaan ko lang na dalhin niya ako kung saan at napadpad kami sa likod ng Club na ito.
Tumigil kami saka binitawan niya ako. Tahimik akong nakatayo. Nakapameywang siyang humarap sa akin. Lakas-loob ko siyang tiningnan. Base sa ekspresyon ng kaniyang mukha, kahit anong pigil niya ay nababasa ko ang pinaghalong galit at kalungkutan sa kaniyang mukha. Malamig na tingin lang ang maisusukli ko sa kaniya.
"Sino ang lalaking 'yon, Verity?" matigas niyang tanong.
"It's none of your business, Ramey." malamig kong tugon.
Gumuhit na hindi makapaniwala sa kaniyang mukha sa sinabi ko. "Anong..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Instead, he scoffed.
Taas-noo ko siyang tiningnan. "Kung wala ka nang sasabihin pa, babalik na ako." tamad kong sabi. Akmang tatalikuran ko na siya pero nahuli niya ang isang kamay ko. "Bitaw, Ramey." matigas kong utos sa kaniya.
"Hinding hindi ako papayag na babalik ka sa kaniya, Verity." pagmamatigas din niya.
"Anong pinagsasabi mo?!" hindi ko na rin mapigilang masinghalan din siya. "Matagal na tayong tapos, okay? Ibig sabihin, wala ka nang karapatan sa akin at ganoon din ako sa iyo. At huwag na huwag mong papakialam kung anong gusto kong gawin!"
"Tang ina." mas matigas niyang bigkas sa salita na 'yon. "Ikaw pa din ang iniisip ko kahit sinasaktan mo na ako!"
Natigilan ako ng ilang segundo sa sinabi niya. Hinawi ko paitaas ang aking buhok saka tumingala sa kalangitan. Tumawa ako na may halong panunuya hanggang sa dahan-dahan 'yon humupa. Muli akong tumingin sa kaniya. "Sana iyan din ang ginawa mo noong nasa Saudi tayo, Ramey. Sana may ginawa ka para sa akin."
"Sinabi kong..."
"May mga bagay na hindi ko kaya pero sana, may ginawa ka." wika ko. Tumayo ako ng aayos. Humakbang ako ng isa palapit sa kaniya. "You wanna know who is he, right? Well, I'll tell you... He's Bret Chau from Shanghai. Anak siya ng isa sa mga major investors nina ahma at angkong. Happy?" tinalikuran ko na siya at maglalakad na ako papalayo nang marinig ko ulit siya nagsalita.
"Ganoon nalang ako kadaling kalimutan at palitan, ha, Verity?"
Tumigil ako sa paghakbang. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi. Ibinuka ko ang aking bibig para makalanghap ng hangin. "Tama na ang mga ilusyon mo na pwede pang ibalik ang lahat, Ramey. Hindi na kita boyfriend, matagal nang tapos ang relasyon nating dalawa. Kaya utang na loob, tumigil ka na. Tigilan mo na ako." kahit masakit at pilit kong maging matatag.
Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin pa siya. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa tuluyan ko na siyang iwan sa lugar na ito kahit mabigat pa sa kalooban ko.
**
Kinabukasan din 'yon ay maaga akong nagising. Bumangon ako sa aking kama. Dahil nakasuot ako ng night dress ay komportable lang akong lumabas sa aking unit. Mabuti nalang ay wala akong hang over ngayon dahil kakaunti lang ang ininom ko. Tanda ko na hinatid pa ako ni Bret sa building na ito. Tumanggi akong ihatid niya ako mismo sa aking unit. Iniiwasan ko lang kasi na baka magkasagupa sila ni Ramey na wala sa oras. Mahirap na, umiiwas lang ako sa gulo. Lalo na't ayokong makarating sa angkan na nasa iisang building lang kami ni Ramey.
Nagtimpla ako ng kape sa pamamagitan ng coffee maker. Kinuha ko ang paborito kong coffee mug sa chopboard. Habang hinihintay ko ang kape ay nagpatugtog ako ng mga magagandang indie music sa stereo tutal naman ay may bluetooth 'yon.
Nang tapos na ang pagtimpla ko ng kape ay nagpasya akong tumambay muna ako sa balkonahe ngaking unit. Sumandal ako sa railings. Humigop ako ng kape. Dinadama ko ang magandang ambiance ng paligid. Matamis akong ngumiti.
"Mukhang maganda ang gising mo."
Tumigin ako sa aking kaliwa. Halos mabitawan ko na coffee mug na hawak dahil tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki. Hinding hindi ko inaasahan na makikita ko siya! Nakatopless siya! Tanging sweat pants ang suot niya! Talagang pinapalandakan niya ang kaniyang walong pandesal sa kaniyang tyan. Litaw pa ang v-line niya. s**t.
Gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya.
He chuckled. "Ito ang unit na kinuha ko. Remember?"
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Wala akong natatandaan." saka inirapan ko siya. Damn it.
"But atleast, araw-araw kitang makikita kahit galit ka sa akin." dagdag pa niya. "But you're probihited to wear that clothes kung tatambay ka dito sa balkonahe."
Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin na naniningkit ang aking mga mata. "This is my building and you I can do whatever I want." matigas kong sambit.
Huminga siya ng malalim saka humigop ng kape niya. "But I want to own you." he said.
"Ang korni mo." pikon kong sabi saka padabog akong bumalik sa loob ng aking unit. Siraulong lalaki. Ano bang problema ng tadhana at bakit kung nasaan ako ay naroon din siya?!
**
It's already ten in the morning. I decided to go for shopping kahit solo lang ako. Hindi ako nag-abalang kausapin o tawgaan man lang si Bret, maski sa mga pinsan ko. I want a private time for myself. I'm wearing a simple floral blouse, a skinny jeans and a pair of white stilettos. Nakashades din ako. Tanging pouch lang ang dala ko dahil card at cellphone ko lang naman ang dala ko.
Lumabas ako ng unit ko ay saktong kakalabas lang din ni Ramey sa kaniyang unit. Nagtama ang mga tingin namin. Agad ko din binawi ang aking tingin saka tinalikuran ko siya. Kahit gustuhin ko man tumakbo palayo sa kaniya ay hindi ko magawa. Ayoko lang din ipahalata sa kaniya na iniiwasan ko siya. Hanggang sa sabay kaming nakasakay sa elevator. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Ni isa sa amin ay walang gustong magsalita. Diretso siyang nakatingin sa pinto. Dahil suot ko ang sunglasses ay hindi niya mawari kung saan ako nakatingin.
Dumapo ang tingin ko sa kaniyang hawak. May dalawang libro siyang hawak at suot niya ang isang back pack. Ang mas pumukaw ng aking atensyon ay isang bagay na hawak niya. Class record? What?
Naputol ang kuryusidad ko nang tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na kami. Lalabas sana kami pero natigilan kami pareho. Bigla kami ginapangan ng alangan sa isa't isa. Hindi namin tuloy alam kung sino ang unang lalabas pero bigla siyang umatras ng isa. Tila sinasabi niya sa akin na mauuna na ako. Lumunok ako at isinawalang bahala ko nalang siya pero nauna akong lumabas sa elevator. Habang naglalakad ako sa lobby ay isa-isa bumati sa akin ang mg empleyado habang nakasunod lang sa likuran ko si Ramey.
Sa paglabas ko sa building ay nakahanda na aking sasakyan. Nilapitan ko ang valet para iabot niya sa akin ang susi. Nagpasalamat ako saka binigyan ko siya ng tip para pakonsuwelo ko na din. Pinakuha ko pa kasi ito sa kaniya sa Diamond Hotel pa dahil sasakyan na ni Bret ang ginamit namin papunta sa Club kagabi.
Binuksan ko ang pinto ng kotse nang nahagip ng aking mga mata si Ramey na diretso naglalakad. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha dahil diretso siya sa mga bisikleta na nakapark lang din gilid ng Parking Lot. Nilagay niya ang mga libro na hawak niya sa basket na nasa harap lang ng bisikleta. Umaawang nang bahagya ang aking bibig. Wait, bakit bisikleta lang sasakyan ng isang 'to?
Pinanood ko siya kung papaano siya sumakaya at pinaandar 'yon. Ginapangan ko ng kuryusidad sa aking sistema. Hinintay ko siyang tuluyang makaalis at doon ay sumakay na ako sa aking sasakyan. Binuhay ko ang makina. Tinapakan ko ang gas para umusad. Tila may nag-uutos sa akin na sundan kung saan ang tungo ni Ramey. Medyo binagalan ko din ang usad ko para hindi niya ako masyado mahalata na sinusundan ko siya. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang sasakyan niya? Teka, baka naman feel niya lang ang bike kaysa sa auto. Pero bakit ganoon ang suot niya? Sa nakikita ko, hindi na siya si Ramey Abadi na isang literal na prinsipe. Malaki na ang ipinagbago niya.
Unti-unti ko napapansin ang mga tao sa paligid. Puros mg estudyante. Kita ko na lumiko si Ramey. Tiningnan ko kung saan siya lumiko. Natigilan ako nang makita ko na isang Unibersidad pala ang lugar na ito kaya puros mga estudyante sa piligid. Hindi pa rin ako kuntento. Naghanap ako kung saan ako pupwedeng magpark. Mabuti nalang meron sa gilid. Lumabas ako saka pinindot ko ang lock sa remote. Naglakad ako patungo sa gate. Naabutan ko si Ramey na masayang nakipagkwentuhan sa isang guard doon.
"Ramey!"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na hindi rin malayo mula dito sa akin. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki at isang babae. Lumingon si Ramey sa mga ito. Mas lalo kumunot ang noo ko dahil ang babaeng 'yon ay kasama ni Ramey kagabi sa Club! What the...
"Naji! Judith!" masiglang bati niya sa mga bagong dating. Pinapanood ko lang sila hanggang sa sabay na silang pumasok sa loob ng Campus na ito.
Ito na ang pagkakataon ko na makalapit sa gate.
"Excuse me, manong." tawag ko sa isang guard. "Magtatanong sana ako..."
Lumingon siya sa akin. "Ano po 'yon, ma'm?"
Hinubad ko ang aking sunglasses. Tumingin ako sa kaniya nang nakangiti. "May kilala po ba kayong Ramey Abadi...?" panimula ko.
Parang naguluhan siya sa kaniyang sinabi. "Wala po akong kilalang Ramey Abadi. Pero Ramey Calderon, meron po. 'Yung lalaking kakapasok niya lang dito." sabay turo niya sa papalayo na si Ramey.
Teka, what? Ramey Calderon? Hindi Ramey Abadi ang pakilala niya sa mga ito?! "Pwede ko bang malaman kung... Ano ang trabaho ni Ramey... Calderon dito?" sunod kong tanong.
"Ah, isa po siya sa mga professor. Sa pagkaalam ko po, nasa department po siya ng College of International Hospitality Management and Tourism po." tugon niya.
Natigilan ako sa aking mga nalaman. Kumurap ako saka muli ako nagtanong. "Eh 'yung babaeng kasama niya po? Kaanu-ano niya 'yon? Girlfriend...?"
"Ah, si Ma'm Judith po ba? Naku, hindi po yata sila magjowa, ma'm. Pero baliw na baliw po 'yan kay Sir Ramey." saka humalakhak siya.
Ngumiwi ako. Parang umuusok ang ilong ko sa aking nalaman. "Salamat po, manong." tinalkuran ko na siya't naglakad ako palayo. Tumigil ako saka inilabas ko ang aking cellphone. Kinontak ko ang numero ng aking sekretarya. Wala pang limang ring ay sinagot nia ito.
"Yes, Miss Verity?" bungad niya sa akin.
"May gusto akong bilhin na University. Isesend ko ang address. Gawin mo ang lahat mapasaakin 'yon. Kung ayaw pumayag ng may-ari, hanapan mo ng butas. Basta makuha ko 'yon." matigas kong utos.
"I understand. Right away, Miss Verity."
Binaba ko na ang tawag saka matalim akong tumingin sa Unibersidad. Naniningkit ang mga mata ko. "See you soon, Mr. Ramey Calderon."