chapter 17

2305 Words
Padabog kong isinara ang pinto ng back seat ng aking kotse. Kakatapos kong lang magshopping at ipinasok ko ang mga pinamili ko. Nagpameywang ako at tinititigan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin ng pinto. Hinawi ko paitaas ang aking buhok. Inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin para pagmasdan ang aking sarili tutal naman ay tinted ito. Ngumiwi ako. Medyo namumula-mula ang magkabilang pisngi ko dahil sa nagpafacial ako kanina sa isang spa. Marahas akong nagbuntong-hininga. Bakit ganoon?! Hindi pa ako satisfied sa mga pinamili ko? Nakatanggap din ako ng text message mula sa sekretarya ko na on going pa rin ang negotiation niya sa may-ari ng Unibersidad na gustong-gusto kong bilhin. Kahit ilang bilyon pa ang gagastusin ko, walang problema sa akin basta makuha ko lang ang paaralan na 'yon. Hinding hindi ko bibilhin 'yon kung walang dahilan. Humalukipkip ako saka humakbang na ako patungo sa driver's seat. Binuksan ko ang pinto saka pumasok. Isinandal ko ang aking likod sa upuan. Tulala muna ako kahit panandalian lang. Sinabi ko rin kasi sa sekretarya ko na sa oras na makuha ko ang paaralan na 'yon, huwag na huwag ipagsasabi sa empleyado ng naturang paaralan na 'yon ang pangalan ko. I just want him to surprise. 'Yung tipong daig pa niyang nakakita ng multo sa oras na makita niya ako. Well, until now hindi pa rin ako makapaniwala na isa na pala sa mga professor si Ramey. At talagang nagpalit na siya ng apelyido. Bakit? Para saan? Marahas akong umiling. Nagpasya na akong buhayin ang makina ng aking sasakyan. Mahigpit ang pagkahawak ko sa manibela saka tinapakan ko ang pedal gas hanggang sa humarurot ito ng takbo hanggang sa tuluyan ko nang iwan ang Mall na ito. Habang nasa gitna ako ng byahe, nag-iisip pa rin ako kung ano naman ang pupwede kong gawin dahil nabobored ako. Umalis na din ako sa pagmomodelo dahil ginusto ko 'to. Masasabi ko na gusto ko nang malagay sa tahimik. Ako na ang kusang nagsara ng catwalk para sa akin. Wala naman akong bagong tenant ngayon. Wala rin akong natanggap na tawag kung may happenings ba sa angkan. Hindi ko rin naman matawagan si Bret para ayain kung saan dahil paniguradong trabaho din ang ipinunta niya dito sa Pilipinas kahit na sabihin nating pasalubong niya ni ahma para sa akin! My goodness! ** Napagpasyahan kong bumisita muna ng Hochengco Mansion medyo namimiss ko na din pumunta doon. Hinayaan ko lang ang mga pinamili ko sa loob ng sasakyan. Medyo napatampal pa nga ako ng noo dahil nakalimutan ko pang bumili ng pasalubong para sa kanila. Well, biglaan lang din naman ang punta ko dito kaya hayaan na nga lang. Bawi nalang ako sa susunod. "Tita Verity!" bulalas na tawag sa akin ng mga pamangkin ko pagkatapak ko sa Mansyon. Dahil sa dami nila ay muntikan pa akong matumba dahil sinunggaban nila ako ng yakap. "Oh my goodness!" malakas kong sabi kung kaya umalingawngaw ang boses ko sa buong bulwagan. "Namiss ko kayo!" "We miss you too, tita!" sabay na sabi ng triplets na sina Genesis, Geneva at Genevieve. "Verity!" nakangiting tawag sa akin nina atsi Ciel at atsi Lyndy. Wala ang iba, siguro ay dahil abala ang mga ito sa mga trabaho nila. Ganoon din si atsi Sarette. Sabay nilang lumapit sa akin. Isa-isa sila nakipagbeso-beso sa akin. "Taman-tama, kakatapos lang ni MC gumawa ng meryenda. Sabay ka na sa amin sa pagpunta sa Garden." aya ni atsi Lyndy na malapad ang ngiti. Matamis akong ngumiti sa kanila saka tumango bilang tugon sa kanilang paanyaya. Sabay kaming pumunta sa malawak na hardin ng Hochengco Mansion. Tulad ng dati, puros mga ornamental plants at mga puno ang naririto. Dumating na din si atsi MC na hawka na niya ang lasgna na kaniyang gawa, nakasunod naman sa kaniya ang mga kasambahay na may mga dala ding pagkain. Ang mga bata naman ay masasayang naglalaro. Naghahabol-habulan sila. "Biglaan yata ang pagbisita mo dito, Verity." nakangiting puna ni atsi Ciel sa akin. Nagsalin siya ng juice sa isang baso saka inabot niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kaniyang ginawa. "Namiss ko lang dumaan dito... At bored lang din ako." tugon ko. Sunod ko naman tinanggap ang isang plato ng lasagna na inabot naman sa akin ni atsi MC. "Nalaman namin kung bakit kasama mo kagabi 'yung Bret na 'yon?" wika naman ni atsi MC, tumabi siya sa akin ng upo. Tumingin ako sa kaniya. "Inirereto sa iyo 'yon, diba?" Nagbuntong-hininga ako. Tahimik akong tumango bilang kumpirmasyon. "Hindi rin naman din namin masisisi si Madame Idette kung bakit nagawa niya 'yon, Verity." malumanay na wika ni atsi Ciel. "Nasa tamang edad ka rin naman, pupwede ka nang lumagay sa tahimik. Pero... depende kung sino ang gusto mong kasama pang habambuhay." "Mahal mo pa rin ba, Verity?" diretsahang tanong ni atsi MC. Tumingin ako sa kaniya. Gumuhit sa aking mukha ang pag-aalanganan. "Galit pa rin ako sa kaniya." imbis ay 'yon pa ang lumabas sa aking bibig. "Hindi ko pa rin siya mapatawad sa kaniyang ginawa. Pero bakit ganoon? Bakit sa tuwing itinutulak ko siya palayo sa akin, sa tuwing pinagsasalitaan ko siya ng masakit, sa tuwing ibinabalik ko ang sakit na ibinigay niya sa akin, sa huli mas dobleng sakit ang nararamamdaman ko?" "Naiitindihan ka namin, Verity." wika naman ni atsi Lyndy. Lumipat sa kaniya ang aking tingin. Bago siya ulit nagsalita ay sumimsim muna siya ng tsaa pagkatapos ay marahan niyang ipinatong 'yon sa coffee table dito sa Garden. Tumingin siya sa akin. "Pero tandaan mo, mas nangingibabaw ang pagmamahal kaysa sa galit." "Atsi..." Matamis ngumiti si atsi Lyndy sa akin. "Hindi man namin naranasan kung anong naranasan mo pero nahirapan din kami kung papaano malalaman kung ano ang tunay na pagmamahal, Verity. Oo, nasaktan ka. Pero sana maitindihan mo din kung ano ang naramdaman niya." Tila natauhan ako nang bahagya nang naramdaman ko na marahan akong hinawakan ni atsi MC sa kamay. Napatingin ako sa kaniya. "Sabihin nating galit ka sa kaniya, pero hindi mo pa rin maitatanggi na mahal mo pa rin siya, Verity. Hindi mo man masabi nang diretshan pero ramdam namin. Ikaw nalang ang makakapitan niya..." "Pero kung susunduin ko pa rin kung anong nararamdaman ko, tiyak mas lalo hindi ito matatanggap ng angkan." malungkot kong sambit. She give me her gentle smile. "Hindi mananalo ang pag-ibig kung hindi ninyo ipaglalaban." "Verity, wala kang mapapala kung mabubuhay ka sa galit. Subukan mong buksan ulit ang puso mo. Hindi ba, siya ang dahilan kung bakit iniwan mo ang dating ikaw?" dagdag pa ni atsi Ciel. "Kung ang Panginoon ay nagawa niyang magpatawad kahit na sinaktan siya ng maraming tao at ilang beses, ikaw pa kaya?" I secretly bite my lower-lip. Sa mga salitang binitawan nila ay tinamaan ako. Siguro nga ay pinanunahan ako ng takot. Mas pinairal ko ang aking pride. Dahil sa kinain ako ng galit ay mas pinili ko na saktan siya. Na pahirapan siya kahit marami siyang nasakripisyo. Naputol ang pag-uusap namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Ang sekretarya ko! Ngumiwi ako sa kanila. "Excuse me, importante lang ito." paalam ko sa kanila saka lumayo muna ako. Tinanggap ko ang tawag saka idinikit ko 'yon sa aking tainga. "May balita na ba?" bungad ko sa kaniiya. "Miss Verity, tapos na po ang negotiation. Pumayag na po ang may-ari na ibenta sa inyo ang University." wika niya. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tumuwid ako ng tayo. "Good. Ihanda mo na ang mga dapat ihanda." utos ko pa bago ko binaba ang tawag. Hindi mawala ang ngisi sa aking mga labi sa nakuha kong balita. Gusto kong magtatalon-talon dahil sa tuwa pero pinigilan ko lang dahil baka mawirduhan lang sa akin ang mga kasama ko. Baka isipin nila ay nababaliw ako dahil sa isang mababaw na dahilan. ** Tumigil ang kotse na sinasakyan ko pati na din ang mga convoy namin sa tapat ng University kung saan nagtatrabaho si Ramey. Unang lumabas ang sekretarya ko para pagbuksan niya ako ng pinto. Pagkalabas ko ay hinawi ko ang nakalugay at tuwid kong buhok. Sumilay ang matatamis kong ngiti sa aking mga labi. Napatingin ako sa entrahada ng Main Building ng University. Nakatayo doon ang dating may-ari ng eskuwelahan na ito dahil na ang bagong may-ari nito. Nasa likuran niya ang mga staff at ibang proctor na nagtatrabaho dito. Wow, ang pormal yata ang pagwelcome nila sa akin? Unang bumba ang dating may-ari para makipagkamay sa akin bilang pagsalubong at pagbati na din. "Good morning, Miss Veirty Hochengco. It's my pleasure to meet you." nakangiting bati niya sa akin. Marahan akong tumango. "The pleasure is mine, Mr. Serrano." sagot ko. Lumipat siya sa aking kaliwa saka nilahad niya ang isa niyang palad sa direksyon kung saan kami dadaan. "Please let me lead the way." paghingi niya ng permiso sa akin. "Sure." matamis pa rin ang ngiti ko. Pero dahil nakasunglasses pa rin ako, nagnanakaw ako ng tingin sa direksyon ni Ramey na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Nagsimula na kaming maglakad. Natour ako ng dating may-ari. Nasa likuran namin ang ibang member of board para makilala nila ako ng personal. Isa-isa din ipinakilala sa akin ang mga ito at mga posisyon nila sa Unibersidad na ito. Actually, wala sa isip ko na tandaan sila dahil hindi sila ang puntirya ko kung bakit ko binili ng malaking paaralan na ito. Until we reached the Office. Malaking event ang isinagawa dito. Pero dahil ayoko nang masyadong engrade dahil maaapektuhan ang klase ng mga estudyante dito ay nagawa nila ang gusto ko. Simpleng welcome lang ang ibinigay sa akin. Ito din ang unang araw sa trabaho. Mukhang hindi ako nagkamali na bilhin ang lugar na ito. May magagawa na ako sa buhay bukod sa negosyo ko. Dahil oras palang ng klase ay nagpasya akong mamamasyal dito nang mag-isa. Pero ang totoo n'on ay hinahanap ko kung nasaan nagkaklase si Ramey ng mga ganitong oras. Dahil sa malawak ang Campus ay mukhang mahihirapan ako kahit na nabigay sa akin ang schedule niya. Ang dami-dami ko pang dadaanan bago ko marating ang klase niya. Dahil sa inis ko ay itinutok ko sa aking mga mata ang baon kong binocular! Iginala ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa nakatutok na pala ito sa isang tao. Agad ko inalis ang binocular mula sa aking mga mata. Nakangisi ito sa akin na parang nag-aasar pa. "Naji?" tawag ko sa kaniya na hindi makapaniwala. Yeah, hinding hindi ako nagkakamali, siya ang anak nina Daniel Chua at ang nanay niya ay si Vibricah Johnson! "Sabi na nga ba, ikaw ang bumili ng lugar na ito." natatawa niyang sabi. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ano naman ngayon kung binili ko ang lugar na ito? Ako dapat ang magtanong sa iyo n'yan kung bakit naging professor dito eh alam na alam ko din ang financial status mo!" pagtataray ko sa kaniya. Inikot ko ang aking mga mata. "You're not only a professor, Naji. Also an heir." "Shh! Huwag kang maingay." saway niya pa. "Pwes, lumayas ka sa harap ko dahil may hinahanap ako." Muli na naman siyang tumawa. "Si Ramey ba? Nakow, nagtuturo siya ngayon sa tourism students." sabay may itinuro siya sa akin na direksyon. "Naroon ang classroom niya." Muli ko itinapat nag binocular sa aking mga mata. Sinunod ko ang direksyon na itinuro ni Naji. Nakita ko siyang lumabas sa classroom at may kausap siyang babae. Siya ang tinutukoy na Judith! Judith dela Cruz! Aba't may gana pa silang maglandian habang nasa gitna ng klase?! Rinig ko ang pagsipol ni Naji sa gilid ko. "Oh, mukhang nagkakamabutihan na talaga ang dalawang 'yon." Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mong ikaw ang una kong mapatalsik, ha?" "Nagsasabi lang ako nang totoo." tila hindi niya sineryoso ang pagbabanta ko. "Pero kung ako sa iyo, hinding hindi ako magpapatalo kay Judith kahit na wala naman talagang gusto si Ramey sa kaniya." Dahil sa inis ko ay inilabas ko ang aking cellphone. Itinipa ko ang numero ng aking sekretarya. Idinikit ko 'yon sa aking tainga. Wala pang limang ring ay sinagot niya ito. "Yes, Miss Verity." bungad niya sa akin. "Tell me... Kailangan ko na bang patalsikin ang Judith dela Cruz na ito?" matigas at pilit na kalmado kong usisa. "Judith dela Cruz is one of the favorite proctors among her students, Miss Verity." pormal niyang sagot. "Umuusok na naman ilong ng amo mo, Miss Secretary." natatawang pang-aasar ni Naji sa isang gilid. Dahil sa inis ay piningot ko ang isang tainga niya, panay daing niya pero hindi ko pinapansin. "Aray, Verity. Tama na, isusumbong kita kay Vander!" "Isumbong mo, kung kaya mo." nanggagalaiti kong wika. "Ipatawag mo ang Judith dela Cruz na 'yon sa Opisina ko!" saka pinutol ko ang tawag, kasabay na binitawan ko ang tainga ni Naji. Kahit na binitawan ko na siya ay sige pa rin ang daing niya. Hawak-hawak niya ang kaniyang tainga na namumula na. Matalim akong bumaling sa kaniya. "Gaano mo na katagal kilala ang dalawang 'yon, Naji?" "One year na." "Ano pang alam mo kay Ramey? Kapag walang pasok, saan siya natambay? Nagdedate ba sila ng babaeng 'yon?" "May klase siya tuwing umaga ng Sabado. Nagsisimba naman siya tuwing Linggo. Sa hapon, hindi ko alam kung anong ginagawa niya-patay ako kay Dove nito." "Wala akong paki sa lovelife mo." "Sige sabi mo, eh. Basta iisa lang masasabi ko. Subukan mo kilalanin siya ulit. Nagbago ang tao, siguro naman sapat na ang parusang ibinigay ninyo sa kaniya." Natigilan ako sa sinabi ni Naji. Kumurap ako saka bumaling sa kinaroroonan ni Ramey na ngayon ay nasa loob na siya ng classroom at nag-uumpisa ulit magklase. Hindi bale, katabi ng unit ko ang unit niya. Malalaman ko din ang lahat. Susubukan ko ang advice nina atsi Ciel, atsi Lyndy at atsi MC sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD