chapter 18

2357 Words
I slightly tapped my fingers on the table. Nakapangalumbaba ako't iginagala ko ang aking paningin sa buong Opisina. Ilang beses ko na din iniikot ang mga mata ko dahil nabobored ako. Ibinigay na sa akin ng sekretarya ang schedule ko para ngayong araw, out of three, isa lang ang sinunod ko iyon ay ang pag-approve ng proposal ng isa sa mga board of members. Tapos ko na din pag-aralan ang mga dapat pag-aralan tungkol sa University na ito. Nang manawa na ako sa posisyon ko ay halos itapon ko na ang sarili ko sa upuan. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naging bored na naman ang buhay ko. Pero sumagi na naman sa isipan ko ang eksenang nakita ko kanina. Ang lapad at ang tamis ngumingiti ang Ramey na 'yon sa Judith dela Cruz na 'yon. Akala mo talaga nasa drama sila. Pweh! Hindi bagay sa kanila! Mas lalo ako nairita kaya marahas kong iniling ang aking ulo para mabura 'yon sa aking isipan. Mabilis akong tumayo. Tiningnan ko ang papel na nakasiksik sa isang libro. Binasa ko 'yon nang mabuti saka sumilip ako sa aking relo na nasa aking pulsuhan. Lunch time na! Siguro naman, hindi ako mahihirapang hanapin ang isang 'yon! Agad ko isinuot ang aking sling bag bago ako lumabas sa aking Opisina. Naabutan ko ang sekretarya ko na napatayo nang makita niya ako. Mukhang hinihintay niya ang paglabas ko. "Miss Verity, ano pong gusto ninyong kainin? Magpapadeliver po ako." wika niya. Agad ko iwinagayway ang aking kamay sa ere. "No, maghahanap nalang ako kung saan ako kakain. Ikaw, kumain ka na. Magpadeliver ka kung gusto mo. Babalik nalang ako dito before two." paalam ko saka nilagpasan ko na siya. Yumuko siya hanggang sa nakalabas na ako ng office. Tumigil ako saka inayos ko ang pagkasabit ng aking bag sa aking balikat. Agad ko iginala ang aking paningin sa paligid para hanapin ko ang lalaking 'yon. Dahil mahihirapan na naman akong makita siya, inilabas ko ang cellphone ko. Hinahanap ko ang numero ni Naji dahil siya lang ang pag-asa ko pagdating sa ganitong bagay. Bago kasi ako bumalik ng Opisina kanina ay nagkaroon kami ng deal. Mag-iinvest ako sa kumpanya niya sa oras na maging watcher ko siya tungkol kay Ramey. Pumayag naman siya, hindi na mahirap na trabaho ang ibinibigay ko sa kaniya kahit amo niya ako sa lugar na ito. TO NAJI : Nasaan kayo? ASAP. Then I hit send. Humalukipkip ako habang hinihintay ko ang reply ni Naji. Walang pang limang minuto ay nakatanggap ako ng message mula sa kaniya. FROM NAJI : Narito kami sa Coffee Club. Sa labas lang ng University. Nang matanggap ko ang mensahe niya ay sumilay ang mala-demonyong ngiti sa aking mga labi. Ipinasok ko ang aking telepono sa loob ng aking bag. Nag-umpisa na akong maglakad sa corridor ng building na ito. Bawat nadadaanan ko ay napapatigil sa aking presensya, mapa-estudyante man o mga guro. Kahit mga staff ay napapatingin ako. Dahil ba sa dati akong modelo na kilala na sa ibang bansa? I guess. Pero kahit wala pang isang araw ang trabaho ko dito ay nakarinig na ako ng mga usap-usapan na hindi sila makapaniwala na isang babae at sa ganitong edad ko palang ay magiging may-ari na ako ng isang kilalang Unibersidad dito sa Maynila—take not, hindi lang sa buong Kamaynilaan, kahit sa buong bansa ay kilala ang paaralan na ito. Well, I don't mind. Tumigil ako sa harap ng isang grupo ng mga estudyante na nasa kanan ko. Hindi ko lang alam kung saang department sila pero magsasayang ako ng oras sa kanila. Natigilan sila nang binalingan ko sila. Hindi pa lalo sila mapaniwala dahil humakbang pa ako palapit sa kanila. Hindi mawala ang matamis kong ngiti sa kanila. "Hi, magtatanong sana ako kung saan ang sinasabi nilang Coffee Club?" malumanay kong tanong sa kanila. Umawang ang kanilang bibig sa aking tanong. Sabay silang itinuro ang iisang direksyon. Napatingin ako doon. "D-d-d-doon po, Ma-ma-ma-ma'm..." natataranta nilang sagot sa kanila. Tila nakuha ko na kung saan ako dadaan upang marating ko ang Coffee Shop na tinutukoy ni Naji. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga estudyante. "Thank you." nakangiti kong sabi at nagpahabol pa ako ng kindat bago ko sila iwan sa kanilang pwesto. Hinawi ko ang aking buhok na may ngiti sa aking mga labi. ** Pagkatulak ko ng pinto ng naturang Coffee Shop ay isang indie song ang bumungad sa akin. Masarap sa tainga. Ang sarap pakinggan. Nakakarelax bigla. Iginagal ko ang aking paningin sa paligid. Nahagip ng mga mata ko ang direksyon kung nasaan sina Ramey, Naji at ang tinatawag nilang Judith. Nawala na parang bula ang matatamis kong ngiti nang makita ko na magkatabi sa upuan itong sina Ramey at ang babaeng 'yon! Kinuyom ko ang aking kamao dahil napalitan ng inis ang aking sistema. Binawi ko ang aking tingin mula sa kanila. Lumapit ako sa counter para mag-order. Good thing is, kakaunti lang ang tao dito. Mas mapapabilis ako at maaabutan ko pa sila! I ordered pasta and frappe. Nag-order din ako ng mga inumin para sa tatlo na 'yon dahil may nabuong plano sa aking isipan. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sila. "Hi," malambing kong bati sa kanila. Napukaw ko ang kanilang atensyon. Agad silang napatayo dahil sa aking presensya. "Miss Verity..." tawag nila sa akin. Lumipat nag tingin ko kina Ramey at sa Judith the hudas na ito. Kita mo nga naman ang pagkakataon, talagang binibigyan nila ako ng respeto sa lagay na ito. Nakakatuwang pagmasdan. Animo'y mga takot na kuting sa isang tigre. Bumaling ako kay Naji na malapad ang ngiti. "Ayos lang ba kung... Makikisabay akong kumain sa inyo?" marahan kong tanong sa kanila. "S-sige po... Wala pong problema." si Judith ang sumang-ayon. Tumango lang si Naji, habang si Ramey naman ay tahimik lang. "Thank you." mas nilambingan ko pa ang boses ko. Kungwari, we're polite here, alright? Dahil silang dalawa na ang magkatabi, si Naji naman ang katabi ko. So, nasa harap ko na ang dalawang ito. Pero pinapanalangin ko na sanang manahimik kahit thirty minutes lang itong si Naji dahil kilalang kilala ko siya bilang napakadaldal, hindi tulad ng kaniyang ama na si tito Daniel na seryoso at tahimik lang. Tss. Iginalaw ko na ang pagkain. Marahan kong inikot ang tinidor sa pasta. Susubo sana ako pero natigilan ako. Nagtataka akong tumingin sa kanila. "There's... Something wrong?" tanong ko. Ginawaran nila ako ng isang maliit na ngiti. Ramdam ko na naiilang sila sa akin. Ha! Ayos, ha. Ngayon pa kayo nahiya? Wow. "W-wala naman po, Miss Verity... H-hindi lang po kami makapaniwala na... Makakasama ka namin... Kumain." nahihiyang tugon ni Judith. Wow, ha. Nahihiya pa siya sa lagay na 'yan pero bunyag na bunyag kung papaano siya nababaliw kay Ramey? "Naku, nasa labas naman tayo ng University, drop the formality, Miss Dela Cruz," bumaling ako kay Ramey na nakangiti. "Right, Mr. Calderon?" Napatingin siya sa akin na parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. I could read over his face the tension. Para bang hindi siya mapakali sa aking presensya. Bakit? Ayaw ba niyang malaman ng babaeng 'to na naging ex niya ako? Na ang babaeng sinaktan niya? Sumubo ako ng pasta. "Huwag kayong mahiya. Minsan lang naman ito." saka pumalakpak ako ng dalawa. Lumapit ang isa sa mga crew ng Coffee Shop na ito na dala na niya ang mga inorder ko. "Siya nga pala, this is my treat." Isa-isa ko inabot sa kanila ang mga inumin. Ang huling inumin ay iaabot ko sana kay Judith ay sinadya ko talagang matapon 'yon sa kaniyang damit. Pero sa iba ay hindi 'yon sadya. Napatili siya't napatayo. "Oh! Sorry!" talagang nilagyan ko pa ng simpatya sa boses ko para mas hindi mahalata ang akting ko. "I'm very sorry!" "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ramey sa kaniya. Sabay inilabas niya ang kaniyang panyo saka tinulungan pa niyang mawala ang mantsa sa damit nito. Natigilan ako sa nakita ko. "O-okay lang... Okay lang." sabi niya. "Naji, ihatid mo muna sa loob ng University lock room si Miss Judith para makapagpalit siya ng damit." si Ramey. Tahimik na sumunod si Naji. Sabay silang umalis ni Judith dito sa Coffee Shop. Nang tuluyan na silang nawalan ay seryosong bumaling sa akin si Ramey. Nababasa ko ang kalungkutan at galit sa kaniyang mukha. "Hindi ka magaling sa akting, Verity." matigas ngunit mahina niyang saad. "Nahalata ko na sinasadya mo talagang itapon ang inumin na 'yon sa damit niya." Umupo ako saka nag-de kuwatro. Humalukipkip pa ako saka tumingala sa kaniya. Ginawaran ko siya ng isang malamig na tingin. "Sabihin mo, siya na ba ang bago mo?" pagbabato ko ng tanong. Bago man niya sagutin 'yon ay pumikit siya ng mariin. "She's just a fellow co-worker, okay?" "Katrabaho? Pero ang sweet at ang thoughtful mo sa kaniya. Is that you called, co-worker?" "Verity." "Gusto mong bumalik sa akin pero may kalandian ka na pala." matigas at galit kong sambit. Naniningkit ang mga mata niya. "Ganoon ba ang tingin mo?" then he scoffed. "Pero ikaw ang mismong nagsabi sa akin na layuan na kita. Ano ba talagang pinaplano mo, Verity Ho?" "R-Ramey..." "Binili mo ang eskuwelahan na ito para pahirapan ako, tama? Hindi pa ba sapat kung anong pinagdaan ko para lang pagbayaran ko ang kamalian ko sa iyo? Gusto mo bang dagdagan pa? Kahit sising sisi ako?" nagbuntong-hininga siya. "Ikaw na ang nagdesisyon na bitawan na kita kahit gusto ko pang kumapit. Ngayon, itatrato na kita bilang boss ko at ako, bilang sa mga empleyado mo." galit niyang tinalikuran ako. Iniwan niya ako nang mag-isa sa Coffee Shop na ito. Kinuyom ko ang aking kamao. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para mapigilan ang sarili kong umiyak o gumawa ng eksena sa lugar na ito. Pero ilang beses pinagsasaksak ang puso ko dahil sa sakit. ** Hindi ko na alam kung nakailang shot na ako ng Margarita dito sa bar counter ng aking kuwarto. Kahit nahihilo ay kinakaya ko pa. Ako, si Verity Hochengco? Matatalo dahil lang sa alak? No way! May dahilan ako kung bakit umiinom ako ngayon. Marahas kong ipinatong ang shot glass sa counter saka umalis. Kahit pagewang-gewang na ako sa paglalakad, sa pamamagitan ng paghawak ko sa pader ay iyon ang magiging sandigan ko upang hindi ako matumba, hindi bale gumapang ako basta marating ko ang pinto na 'yon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay pinindot ko ang buzzer. Walang nagbukas. Umaapaw na naman ang iritasyon sa aking sistema, sunod-sunod na pinindot ang ginawa ko hanggang sa tuluyang nagbukas ang pinto. Napaatras ako. Namumungay na ang mga mata ko, ay naaninag ko pa rin naman siya. "Verity, what are you doing here?" nagtataka niyang tanong. Mukhang kakarating niya lang galing trabaho. Nakapolo at nakakurbata pa siya! Hinawi ko paitaas ang aking buhok saka ngumiwi. "Mag-ushap tayo!" at pilit kong pumasok sa kaniyang unit. Muntikan pa akong madapa at agad niya akong nasalo. Narating namin ang Salas at pinaupo niya ako sa isang couch. Lumipat naman siya at nasa harap ko siya. "Anong gusto mong pag-usapan natin? And wait, you're drun?." kunot-noo niyang puna. "Aaahh.. Okay, teka." inayos ko ang sarili ko. "Here we go..." Nanatili siyang tahimik. Nakatitig siya sa akin. Inaabangan niya ang sasabihin ko. Umupo ako ng tuwid. "I am now your employer. Ako at ako na ang susundin mo. Bawat utos ko, gagawin mo. And your first assignment , lalayuan mo ang Judith na 'yon. Naiitindihan mo?" Naniningkit ang mga mata niya. Ipinatong niya ang mga braso niya sa magkabilang binti niya. Pasulong ang upper body niya. "Papaano kung hindi ko gagawin?" Ngumiwi ako. Kahit na coffee table ang pumapagitna sa amin, ay inilapit ko pa ang katawann ko sa kaniya. Ipinatong ko ang isang kamay ko doon, habang ang isa kamay ko naman ay nahuli ang kaniyang kurbata. Hinila ko pa 'yon para mas lalo siya napalapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Seryoso akong nakatingin sa kaniya. "Don't dare. You're now a simple man, an ordinary professor in my University. So kailangan na din ba kitang bilhin para malaman nilang pagmamay-ari na kita, hmm?" "Bakit mo ginagawa ang bagay na ito, Verity? Para saan?" "Gago ka, Ramey. Sinayang mo ako. Iyan! Iyan ang gusto kong sabihin sa tuwing nakikita ko kayo ng Judith na 'yon. Mas maganda ako sa kaniya! Mas sexy pa! Lalo na't isa akong heredera." matigas kong saad. Humigpit ang pagkahawak ko sa kurbata niya. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha "After that incident, I keep myself busy with the things I do... But everytime I pause, I still think of you." basag ang boses ko. "Verity..." Kusang kumawala ang butil ng luha mula sa aking mata. Hindi ko alam kung saan 'yon pumatak. "I can't... I don't really... Hate you, Ramey. I'm just disappointed, because you turned into everything you said you'd never be... I hate the fact that you're a literally prince charming but you never saved me as a damsel in distress." pumikit ako ng mariin. Isinandal ko ang noo ko sa kaniya. "If I could be with somene else... It's still be you." humagulhol na ako ng iyak. Unti-unti ko nang binitawan ang kaniyang necktie, napasubsob na ako sa mesa at ipinagpatuloy ang aking iyak. "Verity... Please listen..." marahan niyang sabi. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Kahit na basang basa na ang mukha ko ng luha ay nagawa pa rin niyang punasan 'yon. Nagtama ang aming paningin. "My heart cannot find rest while you are away. Everything has lost since you're left. I terribly miss you. In short, I just feel I am nothing without you. I want you back. And I'm so sorry for what I have done... I should have never let you go..." hinawi niya ang aking takas na buhok. "Am I too late?" Muli na naman akong umiyak saka umiling. "No, because I just need time and still waiting for you. I'm so sorry. Sorry kung pinahirapan kita..." Ngumiti siya, isinandal niya ang kaniyang noo sa akin. "Kahit nahihirapan ako nang ilang ulit, mahal pa rin kita. Kahit kalaban ko ang buong angkan mo... Hindi kitang susukuan." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD