Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil tumama sa akin ang sinag ng araw. Bahagya akong bumangon. Napasapo ako sa aking noo dahil kumirot ito. Napaungol ako dahil doon. I tsk-ed and scanned the room kahit na naniningkit pa ang mga mata ko. Natigilan ako nang napagtanto ko na hindi ko kuwarto 'to! Wait, nasaan ba ako?
Agad ko inangat ang kumot na nakapatong sa aking katawan. Thankful naman ako dahil hindi naman ako nakahubad, suot ko pa ang damit ko kahapon. Wala naman masakit sa akin, maliban lang sa aking ulo dahil sa pagkakatanda ko ay uminom ako kagabi. Natigilan lang ako nang sumagi sa aking isipan ang mga alaala na nangyari kagabi... Sandali, hindi kaya...?
Agad ko hinawi ang kumot at umalis sa ibabaw ng kama. Taranta kong hinahanap ang aking mga sapatos. Hindi ako nag-abalang suotin 'yon, sa halip ay niyakap ko pa ito. Dinaluhan ko ang pinto saka pinihit 'yon. Natigilan ako. Napasinghap ako't humigpit ang pagkayakap ko sa sapatos nang tumambad sa akin ang mukha ng lalaki na nasa harap ko. He's wearing a plain white tshirt and a checkered boxer shorts. May hawak siyang tray na may pagkain, amoy ko pa ang aroma ng kape. Namilog ang mga mata ko dahil sa pagkagulat, ganoon din siya.
"Verity," hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. Napalunok ako. "Ang akala ko, tulog ka pa."
Lumunok ako saka tumuwid ng tayo pero siya naman ang pag-iwas ng aking tingin. Dumapo 'yon sa sahig ng silid na ito. "A-anong ginawa ko dito?" iyan agad ang bumungad na tanong ko sa kaniya. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko na may halong suspetsa. "W-wala naman yatang nangyari, h-hindi ba?" sabay ginapangan na ako ng kaba sa lagay na ito. And what?! Dito pa talaga ako napadpad kagabi?!
Mas lalo pa siya nawindang sa naging tanong ko. Halata naman kasi sa mukha niya. Ilang saglit pa ay tumikhim siya. "Wala naman nangyari sa atin. Pero may inamin ka lang." saka sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "I don't know, bigla ka nalang sumugod dito sa unit ko."
Umaawang ang aking bibig. Mas lalo ko na naalala kung anong nangyari. Mas bumilis ang pintig ng puso ko, halos sasabog na ito dahil sa kaba at takot. Ibig sabihin, nasabi ko sa kaniya kung ano talaga ang nararamdaman ko? Kung ano talaga ang pakay ko kung bakit ako pumunta sa kanila kahapon? Kung bakit ko ginawa kay Judith ang bagay na 'yon?
"Nagluto ako ng sinigang. Para mawala na din ang hang over mo." bigla niyang sabi saka humakbang siya papasok na siya naman ang pag-atras ko. Pinili ko nalang tumahimik pero sa loob-loob ko ay kinakastigo ko na ang sarili ko. Ako pa ang nagisa sa sarili kong mantika! Damn it. Marahan niyang ipinatong ang tray sa side table. Lumingon siya sa akin. "Kumain ka na muna." ayaw niya.
Hindi ko alam pero kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi niya. Para bang wala na akong magagawa. Lumapit ako saka umupo sa gilid ng kama. Pinapanood ko kung papaano siya nag-asikaso. He grab the large cup of sinigang soup. Ibinigay niya sa akin 'yon. Tinanggap ko naman. Tahimik kong tinikman ang luto niya. Natigilan ako nang malasahan ko ang sinigang na inihanda niya. Tumingin ako sa kaniya, nakatingin din siya sa akin na parang hinihintay niya ang paghuhusga ko sa kaniyang niluto. Lumunok ako saka umayos ng upo. "Masarap. Sakto lang ang asim." kumento ko.
Bumalik ang matamis niyang ngiti dahil sa aking sinabi. Halatang kuntento na siya doon. Muli ako humigop hanggang sa nag-enjoy ako. Siya naman ay uminom ng kape. Tahimik lang kami dito sa apat na sulok ng silid na ito. Wala akong makapang salita na maaari kong sabihin sa kaniya, at mukhang ganoon din siya sa akin. Pero kahit ganoon ay nakakarelax. Walang hassle at tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na rin namalayan na naubos ko na ang sabaw ng sinigang.
Tatayo sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Aalis ka na? Agad?" may alinlangan pa sa boses niya nang sambitin niya ang huling salita.
Bumaling ako sa kaniya. "Hindi ba may pasok?"
"Linggo ngayon."
Kumurap ako. "Oh, okay..." tuluyan na akog tumayo. "I guess, I gotta go."
"Wait," pigil niya sa akin. Muli kami nagkatinginan. "May... Pupuntahan ka ba ngayong araw?"
"Wala naman, ginagawa kong day off ang Sundays. Hindi rin ako tumatanggap ng tenants tuwing linggo kahit sa ibang kliyente ko." sagot ko.
Tumango siya. "I see. Pwede ba kitang maimbitahan?"
"Saan naman?"
Hindi niya ako magawang sagutin. Sa halip ay isang ngiti ang iginawad niya sa akin.
**
Hindi ko mapigilang mapatingala habang naglalakad ako sa loob ng Simbahan ng Baclaran. Kanta mula sa choir ang umaalingawngaw na tunog dito. Marami ding tao ang naririto. Mukhang sakto lang ang pagpunta namin dito. Hindi lang ako makapaniwala na dito ako dadalhin ni Ramey. Sa isang Simbahan na Katoliko!
Nagsign of the cross kami pareho saka pumuwesto kami sa bandang likod. Pinili naming tumayo dahil medyo nahihiya kami na makisingit kami sa bandang unahan. Pero mula dito ay tanaw namin ang altar kung nasasaan ang pari, ang mga saktistan at mga tagapagsunod. Natigilan ako nang makita ko isang tao na naglalakad patungo sa platform. Si atsi Laisa! Ang anak na babae nina tito Keiran at tita Naya! May sumalubong sa kaniya na isa sa mga sakristsan upang iabot ang mikropono. Patuloy pa rin ang pagkanta ng mga choir na akala mo ay mga anghel.
Nang itinapat na niya ang mikropono sa kaniyang bibig ay nagsimula na siyang kumanta ng latin.
"Ave Maria
Gratia plena
Maria, gratia plena
Maria, gratia plena..."
Marahan akong pumikit. Dinadama ko ang kaniyang boses. Noon pa man ay maganda na ang boses niya. Tanda ko pa na sumasali siya sa iba't ibang organisasyon para lang mahasa ang kaniyang boses. Kahit na nagvoice lesson pa siya. Todo suporta ang ibinibigay sa kaniya nina tito at tita. Ngayon ay isa na siya sa mga sikat na soprano at theater actress. Kahit sa ibang bansa ay siumabak siya doon ay ito ang gusto niya ito. Ang pagkanta.
"Ave, ave dominus
Dominus tecum
Benedicta tu in mulierbus
Et benedictus
Et benedictus fructus ventris
Ventris tuae, Jesus..."
Dumilat ako. Halos maestatwa ako sa kinakatayuan ko nang nagtama ang tingin namin ni atsi Laisa. Bakas sa mukha niya na pagkagulat. Napatingin ako sa aking katabi na si Ramey. Alam kong ito ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ni atsi Laisa. Alam kong nagtataka siya sa sitwasyon ko ngayon. But knowing atsi, pareho sila ni atsi Sarette na kalmado pagdating sa ganitong bagay. Hindi muna siya magbibigay ng konklusyon. Pero kung si Vesna ang nakakita sa amin, paniguradong hindi niya muna ako papakinggan. Sa halip ay baka awayin pa niya ako at nagpapasalamat ako doon. Hindi nga lang ako sigurado kung galit din ba siya kay Ramey tulad ng iba pa naming kamag-anakan.
"Ave Maria..." pagkatatapos niya ng kanta.
Pero hindi ako sigurado kung kasama ba niya ang mga kapatid niyang sina Aldrer ahia o ni Spencer. O hindi kaya ay kasmaa din nila sina tito Keiran at tita Naya? Sana naman ay hindi. Pero tingin ko ay hindi pa rin ako ligtas dahil kitang kita ni atsi Laisa ang katotohanan! Oh God. Please...
Pagkatapos ng misa ay agad ko nang inaya si Ramey na umalis na. Nagpalusot ako na gutom na ako para hindi niya masyadong mahalata na iniiwasan ko si atsi Laisa. Hindi ko nga lang alam kung natatandaan pa ba siya ni Ramey. Pero siguro hindi, sa dami ba naman namin nang ipinakilala siya, hindi niya agad matatandaan ang bawat isa sa mga ito.
Palabas na kami ng Simbahan nang nabato ako sa aking kinakatayuan. Tumambad sa amin si atsi Laisa na nakatayo sa harap namin. Nag-iisa lang siya. Hindi man kalayuan ngunit sapat na distansya upang makita namin ang isa't isa. Seryoso ang kaniyang mukha at diretso siyang nakatingin sa amin. Humakbang siya palapit sa amin. Humigpit ang pagkahawak ko sa kamay ni Ramey na dahilan upang mapatingin siya sa akin na may pagtataka. Bawat hakbang na pinapakawala ni atsi ay mas lumalaki ang kaba sa aking dibdib. Mas bumibigat ang aking kalooban.
"Verity." tawag niya sa akin sa pamamagitan ng seryoso niyang boses.
"A-atsi..." hindi ko na maitag ang pinaghalong kaba at takot sa akin.
"Kailan pa?" muli niyang tanong. Kahit 'yon lang ay malinaw na malinaw para sa akin kung ano ang ibig niyang ipahiwatig doon.
"D-days ago..." tugon ko.
Kita ko kung papaano siya nagbuntong-hininga. Mukhang pinapakalma pa niya ang kaniyang sarili. "Sino pa ang nakakaalam bukod sa akin?"
"I-ikaw palang..."
Pumikit siya ng mariin.
"Please, let me explain..." biglang nagsalita si Ramey.
Biglang inangat ni atsi Laisa ang isa niyang kamay upang patigilin si Ramey sa anumang sasabihin nito. Seryoso siyang bumaling kay Ramey. "You don't have to."
"Pero..."
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Kumawala ulit siya ng malalim na buntong-hininga. "Hanggang kailan ninyo itatago ito? Papaano kung nalaman ng buong angkan tungkol dito? Anong sasabihin ninyo sa kanila? Alam ninyo pareho na ipinagbawal na kayong magkita." tumingin siya kay Ramey. "Kahit na iniwan mo na ang lahat, sa tingin nila hindi pa rin ito sapat, Ramey."
"Atsi..." mahina kong tawag sa kaniya. "A-anong..."
"Edeso 4:32, sa halip maging mabait kayo at maawain sa isa't isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus Cristo." wika niya. "Ibig sabihin, wala akong karapatang magtanim ng galit sa kaniya nang matagal dahil hindi ako Diyos upang humusga. Oo, nagalit ako dahil importante ka sa angkan pero tao din tayo, nagkakamali. Sa pagkakamali na 'yon, malalaman natin kung anong pagkukulang at kailangan natin punan 'yon para sa huli, maging masaya na ang lahat. Mas masarap sa pakiramdam kung magpapatawad tayo..."
"Atsi..." halos basag na ang boses ko.
"I would suggest, harapan ninyo na sila. Kahit pahirapan nila kayo, atleast malalaman nila na mahal ninyo pa ang isa't isa. Kung ano talaga ang nararamdaman ninyo." bumaling siya kay Ramey. "Na nagsisisi ka sa ginawa mo."
"Natatakot ako..."
"Mas matakot ka kung itatago mo ito sa mahabang panahon, Verity."