"Bilisan mo na Lira.", may pagmamadaling yaya ni Kay sa kaibigan. Natatakot syang magkrus muli ang landas nila ni Vince. Sa tuwing makikita nya kasi ito ay parang bago palang ang sakit. Walang katumbas. Kailangan nya ding kunin ang natitirang gamit sa condo ng lalaki, kaya't gagawin nya iyon habang nasa opisina pa ito. "Oo ito na gurl, sirang sira talaga ang ganda ko sayo.", sagot ni Lira at sumunod na kay Kay. Pagdating sa lobby ay nakasalubong naman nila si Crust. Nagtataka itong napatingin sa pagmamadali nilang iyon. "Where are you going?", tanong nito sa kanila. "Dyan lang sa tabi tabi.", mabilis na sagot ni Lira ngunit mabilis din syang nahawakan ng lalaki, si Kay ay bahagya nang nauuna. "Answer me properly baby.", may diing saad nito. "Si Kay, kukunin nya yung mga natitirang g

