bc

Fixing A Broken Heart (COMPLETED)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.6K
READ
playboy
goodgirl
boss
bxg
humorous
office/work place
affair
passionate
shy
civilian
like
intro-logo
Blurb

Isang babae na halos ialay ang buong buhay nya sa lalaking minamahal, but was betrayed and hurt. Labis na sakit ang kanyang naramdaman. May puwang paba sa kanyang puso ang magmahal muli?

Dimple Erycka Alonzo loved her ex boyfriend with all her heart and soul. She did everything for him na halos kalimutan na ang sarili. She's been loyal ang faithful. Dahil ganon sya magmahal. Pero naging sobrang sakit sa kanya ang kanilang paghihiwalay. She didn't see it coming. She has no idea. It's like living after death. But she has no choice but to move on. At kasama sa pag momove on na iyon ang pag aalaga nya sa kanyang sarili na halos makalimutan na nya.

Pero paano kung kailan tagumpay na syang mapalaya ang kanyang sarili sa dagok ng unang pag ibig ay isa na namang lalaki ang magpakita sa kanya ng interes. Ang kanyang boss na minsan lamang nyang nakadaupang palad ngunit mas makulit pa sa batang paslit at desididong makuha siya

The great Vince Delas Nueres, a business monster himself, was mesmerized by her beautiful face and behavior. And when he learned about her brokenness, he suddenly felt the urge of taking care of her. Falling in love for the first time in his life and with the girl who wasn't able to believe in love anymore is never easy. But he is so determined. And when she fell with him, she hits the ground. Agad na sinubok ang kanilang relasyon. Can she take the pain for the second time around?Makakaya paba nya ang sakit gayong wala syang ibang ginawa kundi ang mahalin ng lubos ang isang Vince Delas Nueres? Is he willing to win her back matapos nitong ipagsapalaran ang buhay ng isang supling na bunga ng kanilang pagmamahalan? Could really love conquer all?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: GOOD LUCK GIRL!
"Opo, 'nay. Wag na po kayong mag-alala sakin. Okay lang po ako." malumanay nyang sabi sa kanyang ina na nasa kabilang linya. Sa halos isang buwan na pagtira nya sa Maynila ay hindi ito nakakalimot na kumustahin sya. "Oh sya anak, naniniwala naman ako na ayos ka lang. Gusto ko lang na makasiguro, hindi mo maiaalis sa amin na mag alala matapos nang mga napag-daanan mo. Hayy, sinabi naman kasi namin sayo na hindi mo na kailangang umalis dito sa Marinduque para lang makalimot.", mahabang litanya ng kanya ina. Napangiti naman sya habang isinasaisip ang itsura nito habang nagsesermon. Kung ang ibang mga anak ay ayaw na ayaw na sinesermunan sila ng mga magulang, iyon naman ang gustong gusto nya. Dahil doon ay lalo nyang nararamdaman ang pagmamahal ng mga ito. "Nay, hangga't nandyan po ako at nakikita ko sila, hindi po ako makakausad. Konti nalang po, konting panahon nalang." madamdamin nyang tugon dito. Muli na namang bumalik ang sakit sa kanyang puso, ngunit ngayon ay kaunti na lamang. Nakakaya na nyang pag usapan nang hindi pumapalahaw ng iyak. Nararamdaman nyang nagiging matatag sya habang lumilipas ang mga araw. "Sige na po 'nay, magaasikaso na po ako. Baka ma-late na po ako sa trabaho. Pakikumusta nalang po ako kay Tatay at kay ate." pamamaalam nya. "O sige anak, basta mag iingat ka palagi dyan ha?, kung may problema tumawag ka kaagad. Wag na iyang messenger na yan at kailangan pala ng internet nyan. Mahal yon." himutok ng ina na nagpatawa sa kanya. "Opo, sige na po, babye na. Mag iingat po kayo dyan. "Sige anak, bye", at tuluyan na ngang nawala sa kabilang linya ang kanyang ina. Pagkatapos ng maagang tawag, nagpasya na syang maghanda sa pagpasok sa opisina. Isa sya sa Human Resource Staff sa main office ng Delas Nueres Company. Wala pa syang isang buwan sa kompanya, at laking pasalamat nya sa kaibigang si Lira sa pag-baback up sa kanya. Dahil dito ay agad syang natanggap at nakapagumpisa ng trabaho. Sinipat nya ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras, Alas sais diyes pa lang ng umaga. Marami pa syang oras para maghanda sa pagpasok. Tumayo sya sa kanyang higaan, sabay unat ng katawan, "Haaayyyy!! Ang sarap mag-inat!!" sigaw nya sa hangin. Inayos muna nya ang kama, isinalansan ang mga unan at itinupi ang kumot. Nagpasya syang magkape muna bago maligo. Bago lumabas ng kwarto ay kumuha muna sya ng malinis na underwear sa kanyang damitan. Tumungo sya sa kusina para magtimpla ng kape, pagkatapos ay umupo sa pang isahang upuang malapit sa bintana at tumanaw sa labas. Kita nya ang mga taong paroo't parito. Malayong malayo ang simoy ng hangin sa kanyang pinanggalingan kaysa dito sa kanyang tinitirhan. Sa naisip ay muli syang nabalik sa ilang buwang nakalipas... "Sorry, Kay. Sorry talaga," sambit ng kanyang nobyo sa mahinang paraan, pero mas tama yatang sabihing dating nobyo, dahil alam nyang doon din naman ang punta non maya maya lang. Walang tigil sa pag-agos ang kanyang luha. Parang Pagsanjan Falls lang. "Hindi ko sinasadya, Kay maniwala ka." sabi pa ng damuho. Tulala sya sa mukha ni Ken. Wala syang maapuhap na salita. Hindi sya makapaniwala. "Kay, please naman magsalita ka. Magalit ka sakin, saktan mo 'ko. Please Kay, ilabas mo yung galit mo. " sabi ni Ken. Mapait na ngumiti si Kay, habang patuloy padin ang pagluha. "M-Masaya k-kaba sa...., kanya?, halos hindi masabi ni Kay ang bawat salita dahil sa sakit na nararamdaman. "M-mahal m-mo, n-na b-ba?", dugtong nya. Tanga! Makikipag-break ba yan sayo kung hindi nya mahal yon? sigaw naman ng utak nya. Alam nya na ang sagot sa tanong nya, pero para na syang naging masukista dahil gusto pa nyang marinig ang mapanakit na sagot ni Ken. "O-oo, Kay. Sorry," mahinang sagot ni Ken. Oh, gag*, tanong pa Kay! Halos madurog ang puso nya sa naging sagot ng dating nobyo. Isa pang nakaka-bobong tanong ang lumabas sa kanyang bibig, "P-pano a-ako?" "Alam kong magiging mahirap sayo Kay, actually mahirap din ito para sakin, pero ayaw ko nang saktan ka pa nang matagal na panahon Kay. Mahalaga ka sakin, ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sayo. Masyado kang mabait para tuluyan pang lokohin. Believe me, minahal kita ng totoo. At kahit ngayon ay may puwang ka parin dito," sabay turo nito sa kaliwang dibdib. "Pero Kay, sorry mas mahal ko na sya. Hindi mo ako deserve, mas higit pa sa akin ng doble ang karapat dapat sayo Kay. I'm really sorry." Halos wala nang makita ang mga mata ni Kay dahil sa walang humpay na pag agos ng likido mula sa kanyang mga mata. Hindi nya ito inaasahan. Ni hindi nya nahalata o hindi manlang sya nakapansin nang kakaiba sa nobyo. Yung mga pahiwatig na may iba na ito. Naninikip na ang kanyang dibdib sa labis na dalamhati. Ano pa bang sasabihin nya? May magagawa pa ba sya? Si Ken na ang bumitaw sa kanilang dalawa. Ito ang tumapos. Ano pa ba ang gusto nyang marinig mula rito? Kung bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay patuloy lang na nakakapanakit sa kanya. Hindi na kinakaya ni Kay ang tagpong iyon, mabilis nyang inalis ang kamay ni Ken na humahawak sa dalawa nyang kamay. Dahan dahan syang tumayo kahit ramdam na ramdam nya ang panginginig ng mga tuhod. "Ahm, ah,"wala syang mapiling salita, o mas tamang sabihing hindi sya makapagsalita. "S-sige. Ahm, aalis na'ko." akma syang lalakad palayo nang bigla syang yakapin ni Ken mula sa likuran. "Sorry talaga, Kay. Sorry kung nasasaktan kita nang ganito." sambit ni Ken nang nakabaon ang mukha sa batok nya. Hindi pa man humuhupa ang kanyang luha ay panibagong bersyon na naman na umagos. Hirap na hirap na talaga sya. Sobrang sakit na, ito na ang huling yakap sa kanya ng pinakamamahal nyang nobyo. After 5 years, dito na matatapos ang lahat. Sa mahigit limang taon nilang relasyon, dito lamang umikot ang mundo nya. Ngunit sa isang iglap biglang natapos na ang lahat. Paano na sya? Ipinikit ni Kay ang mga mata at dinama ang huling yakap ng kasintahan. Sa huling pagkakataon, bago tuluyang maghiwalay ang landas nila, baka naman pwedeng damhin nya muna ito. Hinawakan ni Kay ang mga brasong nakapulupot sa kanya, at hinarap ang lalaki. Dinala nya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi nito, ngayon ay luhaan na din si Ken. Nagulat pa si Kay nang tingnan sa mata ang dating nobyo, wala nang pagmamahal, awa na lang para sa kanya ang nakikita nya sa mga mata nito. Lalong nagsikip ang kanyang dibdib, at isang hikbi pa ang muling kumawala sa kanyang mga labi. Mula doon, ay dahan dahan syang tumingkayad at binigyan ng banayad na halik sa labi ang lalaki. Hindi naman tumutol si Ken at nagpaubaya sa nais ni Kay. Marahil ay pinagbibigyan sya nito na damhin ang kahuluhulihang halik na iyon. Dinama ni Kay ang pisngi matapos ang mapait na alaalang iyon, isang maliit na ngiti ang umukit sa kanyang mga labi nang makitang walang basa ang kanyang mga kamay. Hindi na sya umiyak sa kabila ng mga alaala ng nakaraan. "I'm so proud of you self", parang timang nyang sambit sa sarili. Isang huling higop pa sa kape ay tumayo na si Kay upang maligo, alas sais kwarenta y singko na. May tatlumpung minuto pa sya para maghanda bago pumasok. Hindi naman kasi sya maarteng babae na madami pang dinodrowing sa mukha bago pumasok sa opisina. Sapat na ang sampung minutong pagligo, at 10 minutong pag aayos sa sarili bago lumarga. Naglalakad na patungo sa entrance si Kay nang may sumundot sa kanyang tagiliran. "Ay lintek!," pagalit nyang sigaw sabay himas sa tagiliran. Alam na nyang si Lira iyon. Gawain talaga ito ng matalik na kaibigan. Alam kasi nitong malakas ang kiliti nya sa parteng iyon. "Dimple Erycka Alonzo!! Maganda ka pa sa morning!" sigaw ng siraulo nyang kaibigan na animo'y napakalayo nya dito para isigaw pa ang kanyang buong pangalan. "Hindi pa naririnig sa kabilang building sesh, isigaw mo pa! " asik nya sa kaibigan. Bumunghalit ng tawa si Lira dahil batid nitong napipikon na naman sya. Malakas din naman syang mang asar, yun nga lang pikon din. "Sungit yarn?" "Aga mambwisit nyarn?," simangot nyang ganti dito. Sabay na silang naglakad papasok sa building ng kompanya. Magkaangkla silang pumasok sa loob ksabay ng iba pang mga empleyado. "Anong baon mo?" tanong ni Lira "Sama ng loob!" wika nya sabay tawa. "Saya ka? bwelta naman nito. "Seryoso ako girl, anong food mo?" muling tanong ni Lira. Mukhang seryosong gutom na gutom nga ito. "Wala, alam mo namang hindi ako nagbabaon ng pagkain. Bakit para ka namang patay gutom ngayon?" takang tanong nya. "Ay grabe sya! " impit na tawa nito. Dirediretso sila sa elevator kung saan halos puno na gawa ng sabay sabay na pagdating ng mga empleyado. Sila ang pinakahuling sumakay bago sumara ang mga pinto ng lift. Ngunit bago pa man tuluyan magdikit ang dalawang harang, isang matipuno at ubod nang gwapong lalaki ang kanyang huling nakita, at kitang kita nya ang mga mata nitong napagkit sa kanya. "Sino yon?" ang akala nyang tanong nya sa sarili ay narinig pala ng marites na si Lira. "Si Sir Vince yon." sagot nito "Sino yon?" ulit nya "Si Sir Vince yon." ulit din ni Lira na siyang ikinaikot ng mga mata nya. "Sino nga yon?" inis na nyang tanong "Si Sir Vince nga yon." natatawang sagot muli ng bwisit nyang kaibigan. "I mean, ano sya dito?! Para kang tanga kausap!" sigaw nya sa kaibigan, di alintanang maraming nakakarinig sa kanila. Hindi nya inaasahan ang susunod na maririnig sa mga ito. "Si Sir Vince Delas Nueres yon!!!" sabay sabay na untag ng mga nasa loob ng elevator. Napapikit sya matapos magsalita ng mga taong iyon. Sakto namang tunog ng elevator,hudyat na nasa ikalabing isang palapag na sila. At dito ang opisina nila ni Lira. Dalidali syang humakbang palabas ng lift habang nakayuko. Aminado syang napahiya sya, dahil mula nang mag umpisa sya sa trabaho ay hindi pa nya nasisilayan ultimo anino ng kanilang boss. "Ano girl? Pahiya now, bawi later,"hagalpak na tawa ni Lira. Pinanliitan nya lamang ng mga mata ang babae bago tinungo ang table nya. Sa harapan lamang niya ang table ni Lira kaya malaya silang nakakapagusap, madalas ay ng walang mga kwentang bagay. "Good morning Kay." masiglang bati ni Louie. Head ito ng HR department at katabi naman ng kanyang table. Sa panahon ng pagtatrabaho ni Kay sa departamentong ito ay masasabi nyang mababait ang mga kasama. Anim sila sa HR Department. Hindi sya nahirapang pakibagayan ang mga ito dahil tunay na palakaibigan at masayahin sila. "Good morning Sir Louie." ganting bati nya sa lalaki. Hindi naman sila nagkakalayo ng edad, sya ay dalawampu't anim na, at sa tantya nya ay nasa dalawampu't walo hanggang trenta na ang edad nito. "Let's start the week right guys. Medyo ingatan natin ang paghahire ngayon. May nakarating sakin na yung na-hire last week ay hindi nagustohan ni Sir Delas Nueres." pahayag ni Louie na syang ikinakaba ni Kay. "Kay, please don't take this against me ah, pero since nangangapa ka pa sa trabaho natin dito, don't hesitate to ask for more opinions if qualified ba talaga ang applicants. Okay? " nakangiting sabi ni Louie sa kanya. Alam nyang dinadaan lang nito sa magandang paraan ang pagsita sa trabaho nya at naintindihan naman nya ang ibig nitong sabihin. "Yes po Sir Louie." buong puso nyang tugon "Ay nako, yan na naman tayo sa Sir at po, umay!" pang aasar na tugon ng lalaki na syang ikinatawa nya. Noon pa man ay sinabihan na sya nito na dahil nga halos magka-edad lamang sila ay huwag nang gumamit ng Sir maging po at opo. Ngunit hindi nya mapigilan dahil pakiramdam nya ay wala syang galang kapag ginawa nya iyon. Si Lira ay kaswal rin makipag-usap sa lalaki at hindi na nag-si-Sir. Napabuntong hininga na lamang si Kay. "I'll try." saad nya sabay ngiti. "Don't just try it Kay, do it. " sabay kindat ni Louie. Napangiti sya sa sinabi nito. Habang naghihintay na mag-pop up ang mga icons sa kanyang computer inabala muna ni Kay ang sarili sa pagpa-file ng mga resumé's ng mga aplikante na nasa ibabaw lamang ng kanyang drawer. "Good morning, sinong nag-hire sa bagong assistant secretary ni Sir Vince?" tanong ng bagong dating na si Nancy. Ang executive secretary ni Vince Delas Nueres, ang may ari ng Delas Nueres Hotels, Delas Nueres Foods Corp, Delas Nueres Resorts, at kung anu ano pang hindi mapangalanan lahat ni Kay. Nagimbal sya sa narinig, bagong assistant secretary? hindi ba't sa kanya dumaan ang proseso ng empleyadong yon? kinabahan sya bigla. Ano naman kaya ang problema. "Ako po Ms. Perez," saad nya sabay tayo. Halos lumabas na ang puso nya sa sobrang kabang nararamadaman. Napatingala sa kanya si Lira, alam nyang natatakot din ito para sa kanya. "Is there any problem, Nancy?" wika ni Louie. "I don't know, Mr. Vince wants to talk to the one who hired her." walang emosyong saad ng babae. "Come with me." dugtong nito sabay talikod. Agad naman syang tumalima, at halos magkandarapa na sumunod sa babae. "Good luck girl!" pahabol pa ni Lira. Nakadagdag pa sa takot na nararamdaman nya ang tinurang iyon ng bwisit nyang kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook