"Sir Vince, she's here," bungad ni Ms. Perez nang tuluyan nitong mabuksan ang pintuan. Si Kay ay nananatili lamang sa likuran ng babae na animo'y batang paslit na takot na takot. Nais silipin ni Kay ang amo ngunit tila sya tuod na hindi makakilos.
Si Vince naman ay takang nakatingin sa mga babaeng nasa kanyang harapan, alam nyang dalawang tao ang kaharap ngunit nagmukha itong isa dahil ang taong kanyang nais na makausap ay nagtatago sa likod ni Nancy. Nais nyang matawa sa inaakto ng taong ito. What is she thinking now? Did she think that I'll try'na hurt her?, sabi ng kanyang isipan. Ganito ba ang tingin sa kanya ng mga empleyado nya?
"You may leave us Ms. Perez," tugon nya kay Nancy. Hindi na sya muling nag angat ng tingin sa mga ito. Abala sya sa sa mga inaaral na business proposals. Ngunit nagtaka sya nang mapagtantong naroon parin si Nancy, sinulyapan nya ang mga ito ng tanging mga mata lamang at piniling hindi gumalaw kahit kaunti. Gusto nyang mapahagalpak ng tawa nang makitang hila hila ng babae ang skirt na suot ni Nancy. Ayaw nitong paalisin ang naturang sekretarya.
"Ma'am..", bulong ni Kay habang kapit nang mahigpit ang palda ng babaeng boss.
"Will you let go Ms. Alonzo?", pabulong na asik nito
Ngunit nanatili padin mahigpit ang kapit nya sa palda nito. At ang kanyang magandang mukha ay hindi maipinta. Nais matawa ni Ms. Perez
"Everything's gonna be okay, he is harmless." paniniguro pa nito.
"I don't eat people, Ms." biglang sabad ng lalaki na siyang nag-paangat ng tingin ni Kay dito. At ganun na lamang ang kanyang pagkabigla nang magtama ang kanilang paningin. Shaks! Tao ba to?, sobrang gwapo, komento ng kanyang isipan. Natulala sya sa mukha ng lalaki, gusto man nyang umiwas ng tingin ay hindi nya magawa. Hindi nya na namalayan na nabitiwan na nya si Ms. Perez at nakalabas na ng silid.
"You are?", tanong ni Vince sa dalaga. Umiwas sya ng tingin sa babae at nagpanggap na may binabasang mga papeles, hindi nya matagalan ang paninitig nito. Titig na parang sumasamba. Ayaw nya ng ganito, halos parepareho na lamang ang reaksyon ng mga babae sa kanya. Nanananawa na sya.
"You're drooling, Ms.", nang sa wakas ay parang natauhan ang dalaga ay umayos ito ng tayo at itinuon ang tingin sa sahig. Ano ba namang kilos meron ang babaeng 'to. Hindi ba ito marunong humarap sa nakatataas sa kanya. Iyon ang nasa isip ni Vince.
"Care to tell your name?" , tuluyan na nyang binigay ang buong atensyon dito. Masyado maraming oras na ang nasasayang sa kanya.
"D-Dimple po," umpisa ni Kay.
"Dimple Erycka Alonzo." sa wakas ay walang utal na sabi nya. Talagang kinakabahan sya, bukod sa natatakot syang matanggal sa trabaho dahil sa kung anong kapalpakan ang nagawa nya. Kinakabahan din sya dahil sa lalaking nasa harapan. Masyadong malakas ang aura ng lalaki, halos hindi makayanan ng mga tuhod nya. Parang gusto nyang lumuhod sa harapan nito at sumamba. Pero syempre hindi nya gagawin. Minsan na syang halos sumamba sa isang lalaki pero sa huli ay naiwan syang luhaan.
"Ms. Alonzo, do you have any idea why you are here?" tanong na naman ni Vince.
"Ahm, a-actually, wala po akong idea, S-Sir.", may konting lag banda don girl, sana okay ka lang.
"You processed the application of Ms. Daniel Guinoo. My former assistant secretary. Right?"
"Y-yes Sir" kinakabahang sagot nya.
Biglang tayo ni Vince at nag umpisang maglakad patungo sa dalaga. Gusto nyang tingnan ito nang malapitan, baka dinadaya sya ng paningin. Bawat tingin nya sa dalaga ay parang duda sya sa nakikita kaya kailangan nyang makasiguro. Habang hakbang nya palapit, unti unti nyang nasisilayan nang mabuti ang taglay nitong kagandahan. Makinis ang babae, sakto lang ang kaputian ngunit halata talagang makinis. Lalo na ang mukha nito, kaunting lapit pa ni Vince. Kitang kita na nya ang matangos at maliit nitong ilong, ang manipis na labi. Palapit na sya nang palapit nang hindi inaalis ang mga titig dito. Gusto nyang makasiguro kung tunay ba o peke ang pagkapula ng mga labi nito. Ngunit nagulat na lamang si Vince nang bigla itong umatras ng dalawang hakbang. Natakot yata lalo.
"Relax Ms. Alonzo,as I've said, hindi ako nangangain ng tao," pahayag ni Vince. Muli syang lumapit dito at ngayon ay halos isang hakbang nalang ang layo nila sa isa't isa. Nakumpirma ni Vince na gumamit ng lipstick ang babae, ngunit kaunti lamang. Amoy na amoy din nya ang banayad at matamis na bango nito. Something like strawberry or Sweet Vanilla, ang sarap singhutin. He suddenly felt like he wanted to eat this girl. He silently cursed. Wrong move, bro! sita ng kanyang isipan.
"Actually, I do eat people. Especially if they want me to," pilyo nyang sabi sa dalaga na nagpanganga dito.
"Gusto mo ba?" nakangisi nyang tanong. Gusto nyang subukan ang babaeng ito. Kung isa rin ba ito sa mga bibigay sa kanya. Tila nawala na ang tunay na pakay nya dito.
Isinara ni Kay ang kanyang bibig. Gosh, ano bang pinagsasabi ng boss nya. Lalo syang kinabahan.
"H-Hindi po." , sagot nya sa tanong nito. Kitang kita nya ang malawak na ngiti ng lalaki. Kailangan na yata nyang hawakan ang panty nya, parang mahuhulog na ito.
"Not now, I guess."
"Well, anyway, For your information, you hired a very unprofessional human being. An inefficient one, unpunctual, disobedient. And most especially, a flirt little wh*re.", dirediretsong saad ni Vince. Ito ang tamang description sa dating assistant secretary niya. Nasa ika-apat na araw ito ng pagtatrabaho when he fired her. The girl tried to seduce her in the middle of his important business meeting. Katabi nya ito sa upuan nuon at buong akala nya ay ginagawa ng maayos ang trabaho, nang biglang hawakan nito ang kanyang alaga sa ilalim ng mesa. Unang araw palang nito ay nagpakita na ito ng interes sa kanya. Sanay naman sya sa mga ganun kilos ng mga babaeng napapalapit sa kanya. Ngunit hindi sa oras ng trabaho at lalong hindi sa premises ng kanyang building. Malandi syang lalaki, oo, pero nilulugar nya yon. Napansin nya sa sekretarya na madalas makalimutan ang kanyang mga meetings, napalampas nya iyon. He is a considerate business man. Ngunit ang hindi nya napalampas ay ang makalimutan nito ang business meeting nya sa isa sa pinakaimportanteng kliyente ng kanyang kompanya. Mabuti nalang ay napakiusapan nya pa ang matanda, kundi ay napakalaking halaga ang mawawala sa kanyang kompnya. That incident pissed him off and fired her instantly. Wala syang pakialam kung mawalan man sya ng sekretarya, nariyan naman si Nancy na maaaring maging pansamantala nyang sekretarya.
"I guess you didn't screen the applicants very seriously." patuloy ni Vince. Nakatanga lang sa kanya si Kay habang nakaawang ang mga labi. Duon sya napatingin, bahagya din nyang naibuka ang bibig. Alam ba ng babaeng ito ang itsura nya ngayon? Lihim na na-amaze si Vince sa mukha ng babae. Para itong walang pakialam sa kung sino ang kaharap at kahit ang pag-nganga ay hindi nito alintana. Something has gotten into him at that moment but he managed to ignore whatever it is.
"Are you even listening, Ms. Alonzo?" tanong nya.
"Y-Yes Sir. I hired a very unprofessional, inefficient, unpunctual, disobedient and a flirt w***e employee," dire diretsong pag ulit nya sa mga sinabi nito. Hindi na sya nautal sa pagkakataong ito. Napansin nya ang pag-angat ng dulo ng mga labi ng kanyang boss.
"I'm sorry Sir,hindi na po mauulit. I will do my job the best that I can sa susunod Sir. Iiscreen ko na po nang mabuti ang magiging susunod na secretary nyo Sir. " mahabang sabi nya.
Amazed naman na nakatingin lang si Vince kay Kay. Nag uusap sila nang isang hakbang lamang ang pagitan, kitang kita ni Vince ang pagkailang ng dalaga ngunit nagagawa na nitong sumagot sa kanya. Mabuti naman. Mukhang nawawala na ang kaba nito.
"Okay, Ms. Alonzo. I will count on what you said." saad ni Vince. Bawat salita nya ay direkta syang nakatingin sa mga mata nito. Ngunit tila nailang si Kay dahil binaba nito ang tingin sa magkasalikop na kamay sa harapan nito.
"Well then, you may go. Hire the best secretary for me." huling salita nya bago ito talikuran at humakbang pabalik sa kanyang upuan.
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Kay, pero nakakadalawang hakbang palang ang kanyang boss ay muli itong humarap sa kanya at isinuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.
"And one more thing Ms. Alonzo."
"Shut your mouth when you're listening to someone who's talking," saad nito.
"po?" takang tanong ni Kay.
"Not all men can control the need of kissing." tiim bagang nitong sabi tska muling tumalikod.
"Now, go"
Nagtataka man ay sumunod nalang si Kay sa tinuran ng amo at mabilis na lumabas ng silid. Paglabas ng opisina ay napasandal nalang si Kay sa pinto, hawak parin ang seradura nito. Sinapo nya ang kanyang dibdib dahil ayaw tumigil sa pagkalabog ng kanyang dibdib, halos mapaupo na sya dahil sa panghihina.
"Not all men can control the need of kissing." ulit ng kanyang isipan. Tuluyan na niyang binitawan ang siradura at inilayo ang sarili sa pinto.
"Ano daw?" mahina nyang sambit. Nagtataka sya kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Hindi lahat ng lalaki ay kayang magpigil manghalik," bulong nya.
"Yun yun sa tagalog."
"Oh, tapos? ano naman? " , hindi nya talaga maisip kung anong ibig ipahiwatig ng mga salitang iyon.
"You are kissable. And the next time you open your mouth while talking to me, I won't hesitate to eat it." biglang sagot ni Vince. Hindi nya namalayan ang paglabas nito ng kanyang opisina. Parang gusto na nyang magpalamon sa lupa. Alam nyang dahil sa kanyang kaputian ay kitang kita na ang pamumula ng mukha nya.
Lihim namang nagdiwang ang loob ni Vince nang makitang pulang pula ang mukha ni Ms. Alonzo dahil sa sinabi nya. He meant it. Kanina nang nilapitan nya ito ay yun ang gusto nyang gawin lalo't amoy na amoy nya ang halimuyak nito.
Nagpasya syang lumabas ng opisina dahil sa kakaibang naramadaman matapos makipag usap sa babae. Hindi nya inaasahan na naroon pa ito at pilit na iniisip ang huli nyang sinabi.
"Bye Sir!" biglang sabi ni Kay sabay alis. Manyak! sigaw ng utak niya.
"Silly", natatawang bulong naman ni Vince, habang pinapanood na maglakad takbo si Kay hanggang mawala ito sa kanyang paningin. Ahh! those butt!
Kailangan nyang mapuntahan si Feigh. Biglang nakaramdam sya ng pangangailangan matapos ang paghaharap nila ni Ms. Alonzo. She burned him up unconsciously. And Feigh is the right girl he can rely on regarding this matter. He knows this is just lust. And it'll fade once he get used in talking with Ms. Alonzo.