If You're Not The One ( The Forgotten Love)Updated at May 23, 2024, 21:24
Kenraz Gianni Balsamonte is renowned in the country as one of the wealthiest entrepreneurs. He commands respect in the business world and excels in all aspects of competition in life. He has everything: wealth, a thriving businesses, a respectable family, and a famous and beautiful girlfriend. Sa edad nyang animnapu't anim ay halos wala syang hindi nakamtan sa buhay, nakamulatan na nya ang karangyaang mayroon sya, mula sa kanyang ninuno, at pinagbuti ng mga sumunod na lahi ang pag-iingat sa kung anumang tinatamasa nila ngayon. He is all around the world, at naniniwala syang him and his girlfriend made a perfect couple, sa itsura, sa talino, sa karangyaan at kayamanan, they are perfectly match. Kung sa usapang negosyo ay gumagawa sya ng ingay, ganuon din ang kanyang nobya. Si Jenny Altamira-Diaz, ang nag-iisang aktres na may hawak ng box office cinema record sa kasalukuyan, the new gen pop star, ang tinaguriang 'Royale Stellar' ng kanyang henerasyon. Hindi lang sa pag-arte ito nakilala kundi maging sa kagalingang umawit at sumayaw, the real all-in-one artist of all time. Sa limang taon nilang relasyon, everything went so smooth at punong puno ng pagmamahal at pang-umawa. But as life is defined, nothing is permanent, change is constant. Napatunayan iyon ni Kenji, as days went by, changes occurs lalo na sa pagkatao ng babaeng kanyang minamahal. He thought she's just pissed dahil sa hindi nya pagpropose dito and so he did, because he thought it is the right thing to do, well, he love his girl anyway so why make her wait. He proposed with full efforts and she accepted it, pero tila lalong nag-iba ang ugali ni Jenny. At isang malaking katanungan iyon kay Kenji, her sudden change made him do something stupid, to hire an investigator that will look after her twenty four seven.
Ngunit parang nais nyang pagsisihan ang katangahang ginawa nya, habang sinusundan nito si Jenny ay tila ba may mas malalim pang katotohanan ang nauungkat. At isang pasabog sa kanyang katauhan ang gumulantang sa kanya, ang kanyang nobya ang gusto nyang paimbestigahan ngunit ang sarili nya ang may tinatagong katotohanan.
HE IS MARRIED! Halos gumuho ang mundo nya nang malaman iyon, and worst for him is, he's a father of two!! Ngunit ang ipinagtataka nya ay paano ito nangyari nang hindi manlang nya nalalaman, dahil dito ay hindi sya tumigil hanggang sa makilala ang babaeng kanyang pinakasalan, ang ina ng kanyang kambal. The lady who seemed to be an angel, ang babaeng nanahimik ng tatlong taon, itinago ang katotohanan at ni hindi naghabol manlang sa kanya. Kenji's lost all of a sudden, ang bawat katotohanang nabubunyag ay nagpapasakit nang matindi sa kanyang ulo, napakaraming katanungang nais nyang mabigyan ng kasagutan. And he knows it will be easy for him to do it, the only question is, gusto ba talaga nyang malaman ang katotohanan? O itutuloy na lamang ang alam nyang dapat mangyari. Ang ipagpatuloy ang relasyon kay Jenny at ipawalang bisa ang naunang kasal, ngunit bakit parang may bahagi ang kanyang puso na ayaw gawin ang sinasabi ng utak.
Cristina Amor Alejandro, isang babaeng mababa ang tingin sa sarili, she seemed to believe na hindi sya nababagay sa kanyang asawa. Nuon pa man ay ayaw na ng pamilya nito sa kanya dahil sa pagiging simpleng babae nya at walang kahit anumang posisyon sa lipunan. Naniniwala syang mahal sya ni Kenji nuon, ngunit nang mga panahong minamahal sya ng asawa ay iyon din ang panahong halos wala syang katahimikan, maging ang mga mahal nya sa buhay. She believed na ang pagkakaaksidente ni Kenji ang tamang pagkakataon upang tumahimik ang kanilang buhay, na titigilan na sya ng ama't ina nito sa pangggugulo at pananakot sa kanila. Maging si Jenny na kulang na lamang ay patayin sya pati ang kanilang mga anak sa kanyang sinapupunan. She believed na ang hayaan si Kenji sa poder ng mga ito ay makabubuti sa lahat, lalo na sa kanilang mag-iina. Makasarili na kung makasarili, kung iyon naman ang paraan upang protektahan ang nakararami ay handa nyang gawin.
Ngunit matatagalan ba nyang makita na may ibang babaeng laman ang puso ng kanyang asawa? Kaya ba nyang isuko ang pag-ibig para dito, gayong sya naman talaga ang naunang nagmay-ari sa puso nito?
Bakit natiis ni Cristina na malayo sa kanya at hindi manlang sya pinursige ng sariling asawa? Anong klaseng babae ba ang kanyang napangasawa? Katulad din ba ng iba na pera lamang ang tanging nais mula sa kanya? Ngunit bakit kakaiba ang hatid ng presensya nito sa kanyang puso? Ni minsan ay hindi pa nagrigodon ang kanyang dibdib gaya nang ginawa nito nang masilayan ang napakagandang mukha ng ina ng kanyang mga anak. Paano nya matatanggap na mabilis lamang na sinukuan ng kanyang asawa ang namagitan sa kanila? Paano nya matatanggap na ito ang dahilan kung bakit sya naaksidente at tila sya pinabayaan nito?
Magkakaroon pa ba ng pangalawang pagkakataon sa nakalimutang pag-ibig?