Dimple Erycka Alonzo Gising na ang diwa ko ngunit ayaw kong idilat ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga tao sa paligid. Alam kong narito silang lahat. Si Lira at Louie, si Meeshel, Doña Amanda at Don Christoff, at ang buong barkada ni Vince. Si Vince, ang mahal ko. Nang bumalik na naman ang sakit ay muli na namang nagtangkang bumalong ang luha ko, pero ginawa ko ang lahat para pigilan iyon. Pagod na pagod at puso ko at kaluluwa ko. Alam kong marami pang luhang nakaimbak sa aking kaloob looban. Isang lagapak ang narinig ko, pati yata ang mata ko ay pagod nadin dahil ni hindi nito magawang gumalaw o nagtangkang dumilat. Tila ba ito ay nais ding magpahinga. "I hate you kuya!"sa paraan ng pagsasabi ni Meeshel ay alam kong sobra nga ang kanyang galit. "Meeshel!", sabay na sigaw ng mag-as

