Muling umatras si Vince at nagpupumilit lumabas sa pinto ng restaurant na pagkikitaan nila ni Sophie. Buong lakas naman syang pinigilan ng mga kaibigan. "f**k bro! Umayos ka ang bigat mo!", mariing saad ni Simon na pilit itinutulak si Vince papasok sa restaurant. Si Sophie ay nakatuon sa cellphone nito hindi napapansin na para nang tanga ang mga barkada ni Vince dahil sa pinagagagawa nila. "Vince nga!", iritadong bulong ni Feigh. Naiinis na sya sa lalaki dahil para itong bakla kung makapag-inarte samantalang ang linaw linaw na ng plano nila. "I know you don't want this, we all don't want this, but it is the only way to protect Kay, remember?",paaalala ng kaibigan. Napatigil si Vince sa sinabi nito. Ngayon na kasi ang araw na kukunin nya ang loob ni Sophie gaya ng utos ng ama nito. Alam

