Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Kay patungo sa mga taong nagkukumpulan sa labas ng hotel, ang kaba nya ay walang paglagyan. Sa hindi nya malamang dahilan ay naiiyak sya. Alalang alala sya kay Vince. Hindi dadami ang pulis sa ganito kaiksing oras kung hindi grabe ang nangyari. Nakita ni Kay na napatingin sa kanya ang ibang taong nakikiusyoso, ang iba'y kapwa nya empleyado at kilala lamang nya sa mukha. "Andito na si Kay!!", sigaw ng lalaking katrabaho nya. Nakalapit na sya sa mga ito at binigyan sya ng daan. Lalong tumahip ang kaba sa dibdib nya nang ang mata ng lahat ng taong nakikiusyoso'y napako sa kanya. Maya-maya pa'y kita na nya si Vince sa may reception desk, may kausap ito sa cellphone nang ang mga mata'y unti unting bumaling sa kanya. Ang kamay nito'y nakapatong sa ulo na animo'y

