"Una na ako bes, ingat sa pag-uwi ah. Chat me when you're home.", pamamaalam ni Lira kay Kay. Tapos na ang kanilang duty sa araw na ito, nag-uwian na din ang iba nyang kasama, sya ay may hinihintay pa. "Yap, hintayin ko lang si Vince.", "Ayiiee!! Lande!!", panunukso nito na halos maihi na sa kilig. Pasimpleng tumingin si Kay sa may pinto at naisipang asarin si Lira. "Oy Crust kumusta?", kunwa'y may kausap ito sa malayo. Biglang nanlaki ang mga mata ni Lira at kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Agad itong lumingon sa may pinto na syang ikinahalakhak ni Kay. "Ayiie!! Lande!!", ganti nito sa kaibigan habang tumatawa. Tinaasan sya ng kilay ni Lira at lumapit. "Gwapo nga yon, pero masama pala ang ugali. Hindi ko sya bet girl!", paliwanag ni Lira. "Pero bagay kayo.", suhestyon ni Kay

