Palihim na naluha si Marielle. Miss na miss na rin niya si Angel. Miss na miss na niya ang matalik niyang kaibigan. Kahit sinabi ni Quieno noon na nakita na niya ito ay hindi siya pinayagan nitong makipagkita kay Angel. Natatakot siya na baka hindi pa nito matatanggap ang pagpapakita nila. "Soon, baby... Soon..." tanging nasambit niya sa anak. Masakit man ay kailangan niyang magpakatatag. Magkakaharap din sila. "Yehey!" natutuwa si Marielle sa anak. Kahit na sa litrato lang nito nakita ang tita Angel niya ay mahal na mahal nito ang matalik niyang kaibigan. Naaalala pa niya noon. Nagplano silang dalawa na kapag nagkaanak sila ng babae at lalaki ay ipagpapartner nila sa isa't isa. Ngunit kung hindi magwork ay hindi nila pipilitin. "Gel, kapag nagkaanak tayo, sana kasing close natin." sabi

