"Angel's Blossoms, Good morning! Beth at your serv---" hindi na naituloy pa ni Beth ang sasabihin nang mapagsino niya ang pumasok sa loob ng shop. Si Quieno. "Hi, Sir Pogi. Bibili ka ng flowers?" napatampal din siya sa bibig niya pagkasabi ng mga salitang iyon. Obviously, naroon ang binata para kausapin ang boss niya. Pero, knowing Angel. Alam niyang hindi nito haharapin ang binata. "Yeah. I'll buy everything inside this shop." napaawang ang labi ni Beth. Kung tama ang pagkakarinig niya ay bibilhin nito ang lahat ng paninda nilang bulaklak. "E-everything, Sir?" tumango naman kaagad si Quieno. "Just close the store today and allow me to talk to my fiancée." lalo pang lumaki ang pagkakaawang ng labi ni Beth. Ibang level pala ang mga Alfonso sa isip-isip niya. Hindi lang basta basta kung

