Wala kaming takas. Harap at likod ay may Blood Walker. Wala kaming ibang choice kung hindi ang pumasok sa Van upang mabuhay at doon mag-isip ng paraan.
The only thing that we can do for now is to HIDE.
Nakalipas na ang ilang oras ngunit hindi parin kami nilulubayan ng mga Blood Walker. Napalibutan na kami.
"Ano ang gagawin natin? Hindi naman na umalis itong mga ito at balak pa yatang itaob ang Van" tanong naman ni Leo. "Nahihilo na rin ako sa kakayugyog nila!" reklamo naman ni Jasper.
"Ako na! Ako na ang lalabas para kunin ang susi sa pintuan ng mall!" ani Tito Matt. "Pero Tito Matt, ikaw lang may potensyal na mamuno sa Community" banggit ko sakanya. Inisip ko naman si Chantal kung sakaling ako ang magsasacrifice.
Hindi ko na mahintay ang may magvolunteer sa apat na ito. Kaya naman. "Sa bilang kong tatlo! Buksan ninyo ng sabay ang pinto para ilabas ako. Ihahagis ko nalang ang susi at umalis na kayo. Leo sa taas ka ng Van maghintay! Hintayin mo ang susing lilipad!"
"Hindi! Hindi kaya! Kailangang dalawa ang lumabas" banggit ni Jasper. "Isa, para magpabawas sa Blood walker at ikaw Jeus para kumuha ng susi" dagdag nito.
"Tatalon ako sa itaas at tatakbo palayo sa Van para makuha ang atensyon nila" plano naman na inilatag ni Jasper.
Umakyat na sa itaas ng Van si Jasper at Leo. "Sa hudyat ko bubuksan mo Valentino at Allen ang pinto!"
"Isa ...
Dalawa ...
Tat..."
Rinig naman namin ang paglagabog ni Leo na nahulog sa Van. Nabigla ang lahat.
Pinagpyestahan na siya ng Blood Walker na hudyat naman iyon ng pagkuha ko ng susi.
Hindi ko na inisip ang nasirang plano. At tumakbo sa susi. Nabaling naman ang atensyon ng Blood Walker sa akin kaya nama'y sinimulang tumakbo at gumawa ng ingay ni Jasper.
Nakuha ko ang Susi. Pinaandar na namin ang Van at dinaanan si Jasper.
Pagkapasok ni Jasper ay kamao ko ang tumambad sakanya. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa taas! Pero hindi kita pinagkakatiwalaan!" sabi ko sakanya sa galit.
"Tama na yan Jeus, sa community na natin pag-usapan iyan!" banggit naman ni Tito Matt.
Hinimas himas naman ni Jasper ang mukha n'ya habang biglang namilipit sa sakit si Allen.
"s**t! Nakagat ka ng Blood walker?!" tanong ko kay Allen at tinignan ko ang kamay n'yang nangingitim na), parang kinagat ito ng ahas. Dalawang malalaki ang butas at nangingitim sa infection.
Binigyan ko s'ya ng antibiotic. "Jeus, ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Buntis si Jesselle" banggit niya. Nag-aapoy narin s'ya sa lagnat ng ilabas namin sa Van at pinadiretso kami ng mga sundalo sa Clinic para sa quarantine. Limang araw ang gugugulin, lahat ng nakalapit sa Blood Walker.
Lumabas kami ng pito at lima ng nakabalik. Mahirap. Mahirap makipaglaban sa nilalang na walang kapaguran.
"Kamusta ka Babe?" dali-daling pinuntahan ako ni Chantal ng malamang nakabalik na kami. Nasa quarantine area kami kaya dungaw-dungaw ko na lang siya sa salaming harang at inilapat ang aking kamay.
Nagsimula namang mangisay-ngisay si Allen. Naglabas siya ng bumubulang berdeng likido sa bibig niya at simulang lumaki ang pangil niya.
"Allen!" sigaw naman ni Jessele, girlfriend ni Allen. At akmang papasok sa Q-room ngunit napigilan iyon ng dalawang sundalo.
"Ma'am hindi po kayo maaaring pumasok!" sabi nung sundalo kay Jesselle.
Nakita ko din ang pag-iiyak sa pag-aalala ni Chantal. "Ano ba ang ginagawa ninyo?! Gumawa kayo ng paraan para mailigtas pa yung apat sa loob!" sigaw nung sumunod na head ng community.
"Hindi po sila maaaring lumabas! Men secure the area!" utos ng Kapitan nila.
Humagulgol ba lumabas si Chantal. Pumipiglas pero wala s'yang magawa. Pinalabas ng lahat at dalawang sundalo lamang ang natira na nagbantay sa amin.
"Kumuha ka ng Tali!" sabi ni Tito Matt.
Nagsimula naman nang maging Blood Walker si Allen. Wala kaming ibang choice kung hindi ang saksakin ang ulo niya. Tulad ng kung papano sila patayin.
Natapos na ang sigalot namin at sinimulang imbestigahan si Jasper.
"Jasper, maiba tayo!" sabi ni Tito Matt. "Ano ang nangyari sa itaas?" dagdag nito
"Nadulas talaga sya Tito Matt!" malakas na inargumento ni Jasper. "Bakit kung itinulak ko ba s'ya eh, hindi ako magsasakripisyong balingin ang atensyon nila na papunta na dapat sayo Jeus!" duro naman n'ya sa akin.
"Pero Jasper, hindi iyon ang plano!" banggit ko naman sakanya.
"Hindi mo ba nakita si Chantal kanina? Ano nalang sasabihin namin sakanya kung sakaling hindi ka makabalik!" pasigaw na banggit ni Jasper. "Ano! Duwag kami?! Gusto mo bang isipin yun ng girlfriend mo sa amin?!" dagdag nito.
Bakit ganun nalang ang concern si Jasper kay Chantal. May bagay ba na hindi ako nalalaman? Maging ang titigan nila ni Chantal noong paalis kami papuntang bayan ay kakaiba.
Nanahimik nalang ako at convincing naman ang sinabi n'ya pero may kutob akong kakaiba.
Makalipas ang gabi. Napabalikwas nalang ako ng makita kong kagat kagat na ni Allen si Valentino sa leeg nito. " Tito!" sigaw ko ng sinaksak ni Tito Matt ang ulo agad ni Valentino.
"Mali tayo!" sabi ni Tito Matt. "Hindi ito tulad ng Zombie na napapanuod natin" dagdag ni Tito Matt.
"Jasper, kumuha ka pa ng tali!" utos niya kay Jasper at itinali si Valentino.
May tinawagan si Tito phone nito at inireport ang nagyari sa kausap niya.
"Bran pakisabi kay mama mo, kay Ate Nicole, na temporaryong napapatigil ang activity ng virus sa Blood Walker ang pagsaksak sa ulo nila ngunit tatlo o apat na oras mabubuhay muli sila, sensitive din sila sa ingay kaya iwasan ang pag iingay nang hindi kayo masundan o puntahan..." binigay naman ni tito yung phone. Voice mail ito kaya nagsalita narin ako.
"Kuya, mama, ingat nalang kayo. Nasaksihan ko rin ang sinabi ni Tito. Huwag kayong magpapakagat sakanila" banggit ko. Kinuha naman ni tito yung phone.
"...sana makatulong ang lahat ng ito sa research n'yo. Ingat kayo palagi." pagtatapos na sinabi ni Tito Matt. Si Tito Matt ay kapatid nya ang aming ina.
Pumasok naman ang kapitan. "Teka! Hindi ka pa maaaring pumasok!" pagpipigil ni Tito Matt. Ngunit patuloy parin yung kapitan. "Bukas maaari na kayong lumabas." sabi nito.
"Ngunit hindi pa tapos ang aming quarantine, kung halimbawang positibo kami sa virus ay makakahawa kami!" argumento naman ni Tito Matt.
"Senior Nurse Mattheo Bugayong, you should take a look with this" habang inabot naman niya ang tablet kay ito. "Iyan ang Medical journal na naretrieved from China, naisalin sa Filipino."
Binasa naman iyon sa amin ni Tito Matt.
// Ang lahat ng tao ay infected na, ito ay dahil sa mutation na nangyari sa unang strain ng Virus, Virubacterial Disease, anim na taon na ang nakakalipas. Na ayon sa di maipaliwanag na pangyayari ay lahat ng tao ay posibleng infected na.
Ang buntis ay hindi makakapanganak ng normal na tao kung hindi isang ganap na Blood Walker, at tinatawag silang 'Ultisymbiote', pinakamalakas na uri ng Blood Walker, at ito ay ayon sa unang datus sa pananaliksik ng Australia. Ngunit wala pang tugon mula sa balitang ito ang Central Intelligence Division ng Japan.
Ang isang ambush ng Blood Walker na pinamumunuan ng Ultisymbiote sa Australia ay malalakas at kayang tumakbo gaya ng isang kabayo, gumapang tulad ng insekto at tumalon ng kasing taas tulad ng atletang manlalaro sa pagtalon. Kaya ang bawat babae sa bansa ay ipinagbabawal na magbuntis at gumagamit ng kontraseptibo or take at your own risk kapag nilabag ito.
Wala pang nakakakita sa Ultisymbiote, sapagkat tago ito kung manlakbay, binabantayan ito palibot ng malalakas na nilalang ng grupo. Tanging ang hubog ng katawan tulad ng batang tao, na mahahaba ang kamay na parang isang gorilla at perpektong hugis ng ulo at nangingilaw na matang kaiba sa ordinayong B.W. - nanlilisik at nangingilaw na pulang mata. Dilim lamang s'ya kung kumilos kaya nama'y walang datus na makakapagsabi sa tunay at eksaktong anyo nito.
Sa ngayon ang patay ay dapat na sunugin, mabubuhay sila makaraan ang ilang oras.
Keep Safe Humanities! Stay Alive! Until the Vaccine is made.
-Dr. Du Yu Ze //
Naisip ko kaagad si Jesselle. Pero hindi maaari. Nangako ako kay Allen na puprotektahan ko sila.
"Sa Pilipinas, wala pa namang namataang Ultisymbiote, kaya doble ang pag-iingat at pagpapaala-ala sa mga tao. Sa ngayon, walang makapagsasabi kung ilan ang Blood Walker at porsyento ng populasyon ang nakitil at biglaang nawala sa insedente." banggit ni Kapitan habang paalis.
"Teka, ipagbigay alam sa amin kaagad kung may buntis sa komunidad at kami na ang bahala. " dagdag nito, na tumitig naman sa akin. Wala pa naman nangyari sa amin ni Chantal. O'di kaya nama'y alam nila na buntis si Jesselle?
Hindi na ako nakahintay ng pagputok ng araw at lumabas na ako ng quarantine room. Sinunog naman na nila Kapitan ang Blood Walker kagabi. Kaya wala ng trabahong naiwan.
Pinuntahan ko si Chantal sa kwarto ko at nakatalikod ito, mahimbing ang tulog.
Marahang sumuksok naman ako sa blanket at niyakap ko siya. "I miss you babe! Bangon kana jogging tayo!" pero may kung anong malapot ba likido ang nakapa ko sa tiyan niya. Tinignan ito at puno na ng linta ang aking kamay.
Pagkalingon ko kay Chantal ay matalim ang titig nya sa akin at nagngi-ngitngit ang kanyang mga pangil. Lumabas naman ang karayom na ugat sa kanyang bibig at ...
"Babe!!!!" nakita ko si Chantal na nakapatong sakin at ginigising ako.
Nagpabuntong hininga ako. "Tanghali na! Kelan ka tumabi sa akin?" banggit niya. "Kaninang four babe!" sabi ko. Hinila ko naman s'ya at niyakap.
"Hindi mo alam kung gaano kita namiss! Okay ka na ba?" sabi ko sakanya. Habang kinagat ko ang ilong niya.
"Babe, ang sakit! " daing n'ya.
"Binabangungot ka nanaman ba?" mahinahon n'yang banggit.
"Papangalagaan kita, kahit anong mangyari. Kayo ng pamilya ko!" sabi ko sakanya at mahigpit ko s'yang niyakap.
"Kain na! Sa harapan pa namin talaga kayo mag-gaganyan!" sabi naman ni Ealie na katabi si Christer.
Ealie at Christer?!
Teka! Binabangungot parin ba ako?!
..
v/.