Sirkulo

1739 Words
Panlulumo at pangangalisag ang nararamdaman ko sa naiisip ko sa nangyayari. Habang umiiyak, dala ni Flawrence ang phone niya at ipinakita sa akin ang online news. Nanlaki ang mata ko, kilabot at di maipaliwanag ang naramdaman. Isang malawakang atake ng hindi pa nakikilalang nilalang o pangyayari ang nangyayari sa bansa. Ayon sa eksperto ay isang Alien at unidentified powerful craft ang maaaring nanguha sa libo libong nawala. Ayon naman sa mga matatanda ay ito ang tinatawag na 'rapture' ang second coming ni Kristo. Kinuha ang mga lingkod upang makaligtas sa poot Niya. Ang malawakang pagkawala ng tao ay hindi pa umano napag-aaralan. Stay safe Pilipinas mula sa unos na dala ng sakit na Virubacterial Disease II (VBD-II) VBDII, ito yung sakit na kumakalat sa mundo. Panibagong strain ng VBD na umatake anim na taon na ang nakakalipas. Tinawag ko si Mama. Ngunit hindi ito sumasagot. Maaaring nawala narin siya. Happy na ako doon. Ganon din si Chantal. Sana nakaakyat narin siya. Kalahati rin ang nawala sa community namin kaya nama'y nagsimula na kaming magplano. Gawin ang dapat gawin para makasurvive at tapusin ang kung ano man ang misyon ang nakalatag. Nabigla nalang ako ng tumawag si Chantal. "Hello babe! Nasaan ka?" bungad ko sakanya. "Babe ..." rinig ko ang paghikbi niya na pabulong. "BB-Babe, puntahan mo ako. May mga tarantadong lumuob sa bahay.. Pp-pinatay si Papa at kapatid ko." "Hintayin mo ako!" Nagmadali akong pumanhik sa itaas upang kunin ang itinatagong Calibre 45 ni Papa sa taas. Mabigat ang shotgun kaya naman. Sakto na ito at napagpraktisan ko anggulo. "Stay on call babe! Hahanapin kita" rinig ko ang lagabog sa pintuan niya. Pinalipad ko naman ang Yamaha R15 ni Tito na pinahiram sa akin. Pag karating sa gate nila. Tumambad sa akin ang bangkay ng Tatay niya. Dumaan ako sa likod. Rinig sa labas ang ingay ng paghahalukay ng mga barumbado. Inakyat ko ang kwarto ni Chantal ng tahimik at bumungad sakin ang dalawang lalaking hinahawakan sya sa magkabilang braso at pilit na gagahasain. Nag-init ang mata ko at binasag ko ang bintana mula sa pagbangga dito at binigyan ng headshot ang dalawa. Pinatamaan ko naman sa ari yung walang hiyang manyak na gustong maunang manggahasa kay Chantal. Niyakap ko kaagad siya at napahagulgol nalang ito sa iyak. Narinig ko ang pagpapaandar ng lalaking patakas na kukunin sana ang motor ko, walang awang pinadaplisan ko ang tingga sa kanyang lalamunan. Nakita ko ang galos sa mukha ni Chantal. At napaluha nalang ako bigla. Sa dilim ng paningin ko'y hinila ko ng mahabang buhok ng namimilipit sa sakit na adik na ito sa labas ng kwarto. Nakita ko ang bangkay ng kapatid n'yang lalaki sa labas ng kalapit na kwarto. Muling nandilim ang paningin ko at hinampas ang ulo ng lalaki. Natawa pa ito. Humahagikgik sa tawa. Hinampas hampas ko ng baril ang bibig nya hanggang sa maubos ang lahat ng ngipin niya. Binaril ko din ang kaliwang paa niya. Iniwan ang kamay na walang sugat para mabuhay pa siya at magdusa. Inilibing ko muna ang tatay ni Chantal at si Mike, kapatid n'ya bago lumisan. "Si mama babe, asan?" tanong ko kay Chantal habang nakayakap sa akin sa motor. Hindi s'ya umimik. Kaya pinaandar ko na yung motor ng mabilis. Pabalik na kami ng bahay. Nadaanan namin ang lolong pinagtitripan. Pinaputukan ko ng baril at sila'y nag sipagtakbo. "Kaya mo bang magdrive Tata? Sumabay ka sa amin at doon ka sa aming Barangay, safe ka doon." pag-aalok ko kay Tatang. "Salamat iho, salamat. Ngunit kailangan ko pang hintayin ang anak ko, pupuntahan n'ya daw ako." ani niya. "Ito po pala ibigay nyo po itong card na ito sakaling kailanganin ninyo. Kilala po ako sa amin" ibinigay ko kay Tatang iyong calling card, baril at box ng bala. Tumungo na kami sa bahay. Nakatulala parin Si Chantal habang kinokomfort naman ito ni Flawrence. Nagluto ako ng Chicken Stew para sakanya, at sa amin. "Babe kain kana para magkalakas ka! " hinalikan ko naman s'ya sa noo. "Sige kuya, ako na ang bahala kay Ate Chantal!" pag aalok naman ni Flaws. At nilapitan narin sila ng dalawa ko pang pinsan, Kim at Kaye. Si Tito nasa balkonahe, nag iisip parin. Binigyan ko naman s'ya ng sabaw para makabawi ng lakas. Itinakbo sa akin ni Kaye ang phone ko at tumatawag si Kuya. Ibinalita ko ang nangyari kila Papa at sa kambal. "Ading, kasama ko si Mama. Busy sila sa paggawa ng vaccine sa bagong sakit. Sino ang bagong head ng community? Hindi na ako magtatagal. Mabilisan lang ito. Sabihin mo sakanya na pabakuran lahat ng pwedeng pasukan sa community. Hindi biro ang virus. Isang linggo yung mga patay, nakakapaglakad at uhaw sila sa dugo! Be safe ka... " paliwanag ni kuya at naputol na ang tawag. Nakakagulantang ang ibinalita ni kuya. Ibig sabihin may Zombie na? Sa panaginip lang iyon, tapos nagkatotoo na? Sinabi ko kay tito ang ibinilin ni kuya. Nakita naman namin sa Online Article ang tungkol sa mga patay na nakapaglakad at naghahanap ng biktima. Tinawag nila itong Blood Walker. Libo-libo, pulu-pulutong ang Blood Walker na nagmamartsa sa napapanuod namin sa balita kaya nama'y inayos na muna namin ang compound maging ang bawat bahay. Ipinagtibay ito kung sakali at nilagyan ng mga armas sa gilid. Napagkasunduan na doon na mananatili sa compound, sa mga bakanteng bahay ang ilan sa mga mahihina ang bahay na gawa lamang sa kahoy. Kinabukasan. Nagpulong ang lahat ng natira sa community at si Tito Matt ang napiling leader. Ipinagtibay, naglagay ng mga armas sa gilid ng community, naglinis sa kapaligiran at nagtanim ng mga halamang makakain ang bawat bahay. Ipinagtibay at nilagyan ng aserong panakip o shield ang arko, daan at labasan ng komunidad at bawat sulok na maaaring pagpasukan ng nilalang na nasa balita. Nagpadala naman ng sundalo si Kuya Bran sa amin upang magbantay at mag train ng mga tao sa parating na digmaan. "Maaring mahirap ito, ngunit ito lamang ang tanging paraan para tayo'y mailigtas" ani Tito Matt. "Ang pagnanakaw, at kaguluhan ay masidhing ipinagbabawal sa ating komunidad. Ang parusa dito at itatapon hiwalay sa community na ito, quite harsh but this is to discipline everyone." dagdag din ni Tito Matt. Sumang-ayon naman ang lahat. At naghiwahiwalay na para sa kani-kaniyang trabaho. Luluwas kami nina Tito at mga ilan sa officer ng Barangay upang kumuha ng gamot sa bayan. Van ang aming dala. Nagdala na rin kami ng mga armas. Mga baril at de-sabog kung sakaling may maencounter na blood walker sa daan. "Babe, pwedeng hindi ka naman sumama eh!" pakiusap ni Chantal. Niyakap ko lang s'ya at nangako. "Babalik ako 'wag kang mag-alala" sabi ko sakanya habang halik sa noo ang minarka ko sakanya tanda na babalik ako. Dala-dala ko naman ang harpoon na ginagamit namin pangingisda. Pagdating sa Pharmacy ay hinakot namin ang mga kailangang gamot. Mukhang may mga nauna ng pumunta dito dahil magulo ito. At huli naming pinuntahan ay ang supermarket. Priority ang buto na pananim, pagkain, radyo, radyo-komunikasyon at mga battery. Dahil maaaring mawalan ng reception sa network at internet. Ganun din ang supply ng kuryente. "Check ko muna iyong loob bago tayo pumasok" ani Hugo, kasamahan sa misyon. Lumabas naman ito ng Van. At pagkaraan ng ilang minuto'y bumalik. "May mga tao pa sa loob, pero steady lang naman sila sa pagkakatayo, hindi gumagalaw. Pangit ang pakiramdam ko! " ani Hugo. "Hindi yan! Wala pang linggo para maging Blood walker ang mga namatay kaya ayon sa calculation ko, sa isang araw pa tayo magkakaproblema" ani Tito Matt. Dagdag pa nito "Pero para makasiguro!" nagsipagkasa na sila ng pistol at ripple. Naglabas naman ng mapa si Jasper, isang trabahador ng supermarket. "Nandito ang Area kung san makikita ang basic goods, technical at agriculture supplies." Naatas naman ako sa basic goods, kasama si Allen at Tito Matt. Si Jasper at Hugo sa agrikultura, habang si Leo at Valentino sa Technical. Sa likod kami ng supermarket dumaan. Walang kuryente ang mall kaya nama'y locked ang harapan. Isang oras lang ang binigay sa amin. Nakatapos naman na kami nina Allen at Tito Matt bago pumatak ang isang oras. Naikarga narin ang nakuha nina Leo at Valentino sa Van. Nahuli naman si Jasper. Ngunit mag isa niya. "Nagkahiwalay kami ni Manong Hugo, naiba ang lokasyon ng agricultural goods kaya naghanap kami. Mukhang nag hoarding ang mall. Wala pa ba s'ya dito?" pawisang banggit ni Jasper. "Shhhh. Wag kang ganong maingay!" banggit naman Leo na nakamasid banda sa madilim na kantong bahagi ng Mall. May kung anong inilabas ang kanto. Pagewang-gewang ito at tutumba tumba! Iniluwa niya ang... Nangingilabot na rin ako. Ganun sa pawis ni Leo at itinutok naman ang shotgun na hawak ni Tito Matt. Iniliwa ng madilim na iyon ang lasing na Hugo. "Whoaaaa. Aa-ko ito. T-tara inom muna tayo!!!" banggit niya na sumigaw pa at nagbasag ng bote. Napatigil naman kami. Hindi huminga. Walang ibang binanggit kundi ang nagmasid. "Aa-no? Tara na party muna tayo! Katapusan na ng mundo kaya tara inom!" utal nitong pagyaya. Lasing na si loko. Napalingon siya sa madilim na bahagi at may kung sinong kinausap. "Hoy Security Guard!! Ikaw nalang ang kashot ko! Ayaw nila akong samahan!" banggit naman ni Hugo. Sumenyas naman na si Tito Matt na pumasok na ng Van. Nang biglang bumagsak nalang paupo si Hugo. "Saklolo! Saklolo!" sigaw nito at akmang hihilahin siya ni Tito Matt nang huli na, pinagpyestahan na siya ng Blood Walker. Napabaril naman si Tito ng susunggaban siya ng isa, at ganun na din ang aming ginawa. Kahit anong patama sa katawan, mabutas butas na ito ay buhay parin. "Patamaan sa ulo!" sigaw ko. Napanuod ko sa movie na ulo ang nagkokontrol kaya nama'y ito ang kahinaan. Nangingilaw ang mga mata nila. Gutom na gutom. Nagkapiraso piraso naman ang katawan ni Hugo. Nagkalat ang dugo niya sa lapag, ganun din ang laman niya, utak at bituka. Marami ang pasugod samin. At agad agad naman kaming lumabas. "Tito Matt! " bigla kong sabi ng makita ko ang nasa sandaang Blood Walker ang papunta sa amin, sa direksyon ng Van. "Kanina wala yan ah?" pagtataka na sabi ni Jasper. "Ingay! Tama ingay ang nagdala sakanila dito" sumbat naman ni Tito Matt. "Iwasan ang paggamit ng baril o anumang gumagawa ng ingay." dagdag nito. Harap at likod, may blood walker. Kung sasakay kami ng Van. Pagpipiyestahan kami at hindi rin makakaalis. Kung sa loob ng Mall nama'y mas lalong wala tyansa. Wala kaming takas. ... v/.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD